Chapter 5

3 2 0
                                        

Wearing a long-sleeved black bodycon dress that's covering my entire thighs, I welcomed our guests with a sweet smile. Today is the commencement of the school's three-day foundation week. Yep, it's called foundation week even if it will only happen for three days. Schools and their strange calendar of activities.

Annually, classes are required to raise funds using different projects, booths, exhibits et cetera. For this year, with me being the class president, our section picked the super duper unique marriage booth. The very reason why I chose to put my hair in a very high ponytail and curl its tips, wear a decent amount of make-up and have a pair of diamond earrings and wristwatch today.

Nararamdaman ko talagang isa ako sa mga mapalad na ikakasal ngayon. Kanino pa ba? Siyempre kay Aidon! He will finally know that I exist! Sana naman magandahan siya sa akin.

I assigned myself with the tickets and have Karel beside me. Wala pa naman itong nakakasundo bukod sa akin. Kinakapa niya pa ang ugali nina Julian at Sophie na pareho ko namang inatasan sa panghuhuli ng mga gustong pakasalan ng mga magiging kliyente namin. I put all of us four in the morning shift, so we'll be going home happy due to the chill and fun afternoon we are all going to have. Pangit naman kung uuwi kaming stressed pa mula sa pagtatrabaho.

My classmates were all cooperative and fun to be with. Even the gangsters who are usually hard to control can be tamed today. Or maybe they are just enjoying our booth as well. Sila-sila kasi mismo ang nirerequest na pakasalan ng mga babae sa ibang section.

Kahit si Kuya Baxter at Kuya Timothy ay nakailang huli na. Ang haba na ng pila sa gilid ng classroom namin dahil pare-parehong Fastigium members ang gusto! Lalo na si Kuya Ross! Tuwang-tuwa siya at ang mga kabanda sa sandamakmak na babae! Pakiramdam nila ay sila na ang mga pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa.

I was shocked when a boy from the eighth grade approached me and asked for my hand. Of course, I accepted! I am the president of this class, rejecting his offer just because I want to be married to Aidon first will get my class' reputation stained. Kaya ayon at nagpakasal nga ako. Nasundan pa ng tatlo iyon hanggang sa nagtanghali na.

We chose to eat in one of the classes in ninth grade. Naroon kasi ang babaeng pinopormahan ni Julian. Sayang nga at marami pa sanang mas magandang kainan sa ibang year level.

Hindi pa man tuluyang nakakapasok ay naagaw na ang atensyon naming apat ng tilian malapit sa hagdan. Standing tall with his usual scowl is the beautiful Stellan Aidon Ruiz. His wrists were shackled by a fake handcuffs.

Mabilis na gumapang sa akin ang panghihinayang! Student council ang namamahala sa jail booth at nakaassign sana akong magbantay ngayon kaya lang nakipagpalit ako ng sched sa ibang member para maguide ang classmates ko sa opening ngayon! At ang member na iyon? Yung nakahuli kay Aidon ngayon! Hawak-hawak niya ang kamay ng Aidon ko! Nakakainggit naman.

Lungkot na lungkot ako habang kumakain. Karel was so pissed, too because Julian was bragging about the many girls going crazy for him.

"Yabang!" si Sophie habang dinidip ang fries niya sa ice cream.

"May ipagyayabang naman. Just look around, Sophie. Lahat sila nakatingin sa akin."

True enough, the girls inside this classroom is eyeing Julian. I can even sense a quiet wrangle among them. Kung ibang pagkakataon ito ay sinamahan ko na sa kalokohan niya si Julian, pero masyado akong malungkot para sumali.

Naiinis rin si Julian na hindi ako nagsasalita dahil nagkakampihan ang dalawang babae naming kaibigan. Hindi ko man masyadong nasundan ang bawat detalye ng usapan, alam kong tungkol iyon sa mga sabay-sabay na ka-fling nitong si Julian.

Sweetest MistakeWhere stories live. Discover now