_________________________________Noaf POV
"Isang Kilo nga ng isda Noaf!"
Ang init init dito tapos dadagdagan pa ng init ng mga ulo nila? Plus init ng hininga? Nakaka Goodness! Yung beauty Peys ko! Haggard na!
"Sandale!" kitang kita na ang daming bumibili sumisingit! Aystt kunitin ko kaya singit mo? Panay ang timbang-bigay ko sa kanila. Hindi ko na nakita ang ilang bibili dahil nagsiksikan ang mga litseng mambibili
"Noaf asan na sa akin?"
"Pakibilisan hija nagmamadali ako"
"Yung isang kilo ko Noaf asan na?"
"Sandaleee! TAKTE ISA LANG AKO!" napasigaw na ako.. Grabe ang ingay ingan nila! Kitang busy ako a ibang customer!.
Litseng buhaaaay! Asan na ba si Mama? Kailangan ko ng katulong ngayon dito! Nagwawala na ang mga tao sa kahihintay! Huhu, isa lang po ako, maganda kaya wag kayung mainip!... Nag aalboroto na ang iba kahihintay, iba ay nagtitingin sa isdang ibinibenta ko, samantala ako ay nagtitimbang at nag susukli sa kanila... Ang dami na ngang nagsisialisan dahil hindi ko na sila naasikaso sa dami ng bumibili!
Nga pala, andito ako ngayon sa pwesto namin sa palengke nag titinda ng isda... Marami ngang nagsabe bakit daw ako nagtitinda? Hindi daw bagay sa akin dahil mukha akong mayaman, pang model din daw katawan ko.
Mukha lang po akong mayaman pero ang totoo halos hindi na ako nakakain ng tatlong beses sa isang araw kung hindi ko pagiigihan ang pagtitinda dito..
Ang Nanay at Tatay ko naman ay busy sa pagtitinda ng Droga.. Mas malapit kami ni Papa kesa kay Mama... Ewan ko ba kung bakit parang ang init ng dugo ni Mama kapag tinitingnan ako eh... Wala naman kong ginawang masama....
"Noaf isang kilo nga ng Lapu-lapu" balik a realidad... Kinuha ko ang bandera ng isdang lapu-lapu saka nagtimbang ng isang kilo....
"Ito aling Milda" abot ko sa kanya ng plastik na may lamang isda...
"Salamat, bayad Noaf" sabay abot sa akin ng dalawang daan kaya sinuklian ko ito ng 45 pesos...
"Alam mo Noaf, bakit hindi ka nalang mag modelo? Ang ganda ng katawan mo saka ang ganda mong bata"... Sabi niya habang nilalagay ang sukli sa shoulder bag niya..
"Naku aling Milda, alam mo namang ayaw nina Mama na magmodelo ako" nahihiya kung pahayag... Totoo naman, gusto ko sanang mag try mag model pero agad na tumotol sina Mama, ewan ko ba kung bakit... Pagnanalo ako may malaki ang kikitain ko dun kesa sa pagtitinda sa palengke...
"Kaya nga Noaf, sayang ayaw yata ng Mama mo na makilala ka sa buong baranggay" saad ni aling Milda..
Tumango lang ako at umalis na siya.. Hay, nais ko nga na gumawa ng ibang rocket na malaki ang kita. Kaso ayaw naman ni Mama. Model sana dahil hindi naman kakaioanganin ang utak masyado dahil picture picture lang naman ang mangyayari. Malaki na ang sahod, may tyansa pang sumikat!
Marami pang bumibili sa paninda halos hindi na makita mula sa malayu ang pwesto ko dahil sa dami ng taong nagkukumpolan dito at ang ingay pa! Andami namang ibang nagtitinda ng isda na hindi mapila. Mga utak talaga ng tao
"Miss Ganda, pabili nga ng kalahating kilo ng isda mo" malagkit ako nitong tiningnan... Napapansin ko ha, andaming lalaking bumibili sa akin.. Ewan ko pero meron namang babae...
"Anong klaseng Isda Mang Berto?" nanguuyam ko itong tiningnan.... Mga nasa 30+ na ito, siya ang regular costumer ko dito...
"Yung sariwa Noaf" hanggang nagyon ay hindi pa ito naaalis ang malagkit na tingin sa akin.. Lugitin ko kaya mata mo?!....
Kung nakakahubad lang ang tingin niya siguradong wala na akong saplot ngayon...Para matigil siya sa pahtitig ay binigyan ko siya ng kalahating kilo ng Molmol..
"Ito Mang Berto, may pasobra dahil patay gutom kang litse ka" halos pabulong nalang ang huling sinabe ko... Nginisian ko siya saka inabot ang plastik, kinuha niya ito kasabay ng pag abot sa akin ng pambayad...
"Ano nga uli Beautipol Noaf?" binalingan ko ito saka bumalik sa pagsukli..
"Wala mang Berto" inabot ko sa kanya ang sukli, hinawakan niya ang kamay ko.. Bago siya umalis ay kinindatan pa ako nito... Nangasim ang mukha ko.. Ewwww..
Bumalik na ako sa iba pang bumibili at hindi nalang pinansin ang mga kilos ni Mang berto kanina.... Antagal naman kase ni Mama eh, andaming bumibili! Siya kase ang kasama ko dito sa pagaasikaso.. Pero ngayon hindi daw muna ito makakapunta dahil may importanteng aasikasuhin...
Importante eh magdedeliver lang naman sila ni Papa ng drugs!.."Hi Isay" andito na ang demonyong istorbo.. Hindi ko ito pinansin bagkus binigyan ko nalang ang costumer ng gusto nitong isda..
"Wala na pong isda!" sabi ko ng makitang ubos na lahat.. Huli na pala ang kaninang isang kilo... May natira pa namang kaunti pero panghapunan na namin to...
Ang ilan ay sumama ang mga mukha kalaunan ay nagsialisan din sila... Ang Mokong na nasa tabe ko ay hindi ko pinansin, inayos ko nalang ang mga pinalagyan ng mga isda kanina...
"Hey dont ignore me Isay" juice colored.. Ito nanaman po siya sa pag iinglis! Huminga ako ng malalim.. Marunong akong mag english kaya magsasagupaan kami dito! Lintik na inglis yan! Wag mokong simulan...
"Dont talk to me! Im cleaning and...... And.....
And dont DISTRACTION ME! Im busy" huh! Mamatay ka sa panamang inglis ko...
"Okay okay! Hindi na ako mag eenglish para hindi ka mahirapan"
"Eksos me! Hindi ako nahihirapan mag inglis no!" pagtataray ko pa at bumalik na sa paglilinis...
"Hindi na, basta kausapin mo lang ako"
Siya nga pala si Benjie Gonza, kaedad ko lang ito at naging magkaklase kami ng elementarya saka highschool... Noong highschool pato palaging nakabuntot sa akin eh! Minsan naiinis na ako kaya kinakarate ko na.... Hindi ako nakapagtapos ng Highschool dahil hindi na kaya nina Mama ang gastusin sa paaralan, mabuti nalang daw kung tumulong ako sa kanila sa pagtitinda dito sa palengke, may silbe pa daw ako.. Pero diba mas makatutulong ako kapag nakatapos sa pagaaral? Ang labo din nila.. Hindi katulad ko, sila Benjie ay may kaya, nagtratrabaho ito sa Restaurant bilang manager doon... Mas malaki ang sahod niya kesa sa akin...
Kaya naiingit ako sa kanya dahil ang gusto niya ay nabibili nito. Bakit ba kase ganito buhay namin no? Hindi naman sa ayaw ko pero kase, hindi ko maiwasang mainggit sa may mga pera.Mabuti pa sila napapalit ang gusto nila, samantalang ako, kaming mahihirap at kailangan todo ang pagtratrabaho para makakain.
"Ano na naman?!" hinarap ko ito ng may inis sa mukha... Nangiti ngiting pumunta ito sa kalapit na poste saka tinukod ang braso doon at tumingin sa akin.. Nako alam ko na ang sasabihin nito!...
"Kailan mo balak sagutin ako Noaf?---" nanlaki ang mata ko at agad na ibinato ang pamunas na nakita ko... Pamunas ito ng mesa naming malansa.. hehehe
Agad naman syang nakailag at binalingan ako nito ng nanlalaki ang mga mata at mukhang hindi makapaniwala... Bagay lang yan sa kaniya!
"SERIOUSLY NOAF?! Ang baho ng pamunas;" marahas nitong tugon...
________________________________
Not Totally Revised But This should Do
BINABASA MO ANG
Woke Up As The Royal Princess | Slow Update
De TodoIn Ysay's life, all she believed was the hardship and a convenient life she could imaginably grasp. Her life was far from the fairytale she wish to have. But what if---what if a fairytale came to life and be her reality?. Have a luxurious life, ex...