Noaf POV
"Bagay lang sayo yan! Mukha ka kaseng basahan! And Dont seriously, seriously, seriousy at me! You punch me you want?!" nanghahamon kung wika... Eh suntukin ko kaya to para magtigil? Ginigigil moko benjei banana ah! Siya ang pinakakinaiinisan kong gunggong sa balat ng earth!
Naoatingin ako sa kaniya nang napahagalpak ito sa kakatawa... Ano problema nito?. Abnormal na? Kaikabhan na banh dalhin sa mental?
"Ikaw lang talaga ang taong nagpapasaya sa akin Isay! Hahaha" ngayon ay namimilipit na ito at malapit nang humandusay sa sahig kakatawa... Ano bang nakakatawa? Wala naman ah? Abnormal ata?...
"Ano problema mo?" tiningnan ko siya na puno ng pagtataka.. Umayos ito ng tayu at kinurot ang pisngi ko..
"Ang kyut mo" litse pinanggigilan pa ang pisngi ko!..
"Aray!" tinampal ko ang kamay niya kaya ang loko tumawa ulit... Sana mawalan siya ng hininga para matuloyan!.. Tssk
Nagkibit balikat nalang ako saka nagpatuloy sa pagaayos..
"Tulongan na kita" tulongan daw eh kaya hinayaan ko nalang siya... Inalsa niya ang dalawang bandahera saka nilagay sa loob ng stall namin... Ako naman ay nagbibilang ng kinita ko ngayong araw....
Nang matapos na sa pagaayos ng bandahera si Benjie ay saka lang nagpakita si Mama....
"Aling Sonya!" tawag pa ni Benjie kay mama..
"Benjie! Salamat sa pagtulong ha?" -Mama
"Wala po yun, basta para sa inyo at sa anak nyu" binalingan pa ako nito saka kinindatan... Kung may tabo lang dito kanina ko pa to binuhusan ng tubig! Ang hangin masyado!
Napairap naman ako saka sinara ang gripo... Ewan ko ba kung bakit boto sina mama at papa sa kaniya eh pagmamayabang lang naman ang alam! Sabihun na nating may itsura nga pero hambog parin!...
Binalingan ako ni mama..
"Oh Noaf, bat hindi mo pa ito sinasagot si Benjie? Magtatalong buwan na itong nanliligaw sa iyo".. Sabi ni mama..
Totoo namang tatlong buwan na siyang nanliligaw sa akin pero di ko parin sinasagot.... Palagi siyang tumutulong sa akin dito sa palengke pag day off niya o kung may bakante siyang oras.... Pero kahit ganun hindi ko siya nagustuhan.. Ewan ko ba, hinahangaan ko ito noon pero hindi na ngayon...."Yan nga din po ang tinanong ko sa kanya pero hindi sumagot" -Benjie
Wala akong gusto sayung hinayupak ka! Mukha kang diablo! Naku ang sarap sabihin.. Pero wag, binibigyan kase kami nito ng Ulam tuwing tanghalian o kundi kayay snack sa panghapon... Baka pagsinabe ko yun baka hindi na ulit ako makakain ng masasarap na ulam! Kaya tikom muna kahit nangigigil na akong bulosan tong lalaking to!
Para masiguradong walang masamang salita ang lumabas sa bibig ko ay nanahimik nalang ako... Kinuha ko ang tabla saka isinarado ang mumunting stall namin, tinulongan ako ni Benjei kaya pagkatapos nun ay nagpaalam na siya dahil tinawagan siya ng may ari ng Restaurant....
"Akin na ang Pera" biglang sabi ni Mama kaya natatarantang hinalungkat ko ang bag at ibinigay ang kita ko kanina...
Binilang niya ito at sumama ang mukha.. Kaya kinakabahan ako...
"Bakit kulang to?" medyu pagalit niyang tanong..
"Ah-eh b-bumili po k-kase ako kanina ng m-makakain" nakayuko kung pahayag.. Totoo namang bumili ako ng tinapay saka Softdrinks dahil nagugutom ako...
"Lintik naman Noaf! Alam mong maliit nga lang ang kita natin babawasan mo pa!" tinulak ako nito ng bahagya kaya napaatras ako...
Nagsimula nang uminit ang gilid ng mata ko, pinigilan kung maluha dahil alam kung mas dadagdag ang pagkairita ni Mama sa akin...
"N-nagugutom po k-kase ako kanina" nanginginig na ang boses ko...
"Wala akong paki kahit mamatay ka diyan sa gutom! Basta sa susunod, wag na wag mong babawasan ang kita!" sigaw niya saka ibinulsa ang pera at nauna nang maglakad....
Hindi ko na mapigilang tumulo ang mga luha... Talaga bang wala siyang pakialam sa akin kahit mamatay ako? Ano ba ang nagawa ko kay mama?..
Nanginginig ang tuhod na sinundan ko ito papuntang terminal ng jeep, hindi malayu ang pagitan namin kaya natanaw ko siyang sumakay na ng jeep... Tumakbo ako baka maiwan ako dito.. Wala pa naman akong pamasahe....
Mabuti nalang at may bakante pang upuan sa katabe ni Mama at doon ako naupo.. Hindi na ako umiiyak at tinanaw nalang ang bawat bahay na nadadaanan namin...
"Noaf" tawag sa akin ni Mama kaya napabaling ako dito..
"P-po?" magpapaumanhin ba si Mama sa ginawa niyang pagsigaw kanina? Huhuhu ngumiti ako sakanya at hinintay ang salitang iyon...
"Kailan mo sasagutin si Benjie?" tila agad nawala ang ngiti sa aking labi.. Inaakala ko pa namang magsosorry sa akin si mama.. Tama nga ang kasabihang.. Dont expectation too much... It will dissapointment us hard..... Wag mageexpect ng malaki para hindi masaktan...
Ok lang naman, sanay na ako na ganyan si Mama pero hindi ko maiwasang masaktan..
"P-po?" tila bingi kung ulit sa kaniya..
"Bingi ka ba?! Sabi ko, bakit hindi mo pa sasagutin si Benjie? Malaki ang maitutulong niya sa atin kung sakaling maging kayu!" bakit ba ang hilig niyang ipagtulakan ako sa lalaking para lang sa kaniyang kasiyahan?..
Hindi ba niya mararamdaman na hindi ko gusto si Benjie? Hindi ba niya muna alamin kung ano ang mararamdaman ko? Sabagay, wala naman palang pakialam si Mama sa akin...
"Ma, h-hindi ko po sya gusto" kahit nahihirapan ay nagawa ko pa ding magsalita...
"Kahit na! Hindi mo ba naisip na maaari tayung mabuhay ng maginhawa kapag tuluyan na kayung kinasal? Marami silang pera hindi kagaya ng atin na halos walang wala!" puna niya.. Hindi na lang ako sumagot baka kung saan pa ito umabot.... Iniisip niyang maging mayaman sa pamamagitan ng pagtutulak sa akin sa lalaking yun na hindi man lang inaalam ang pakiramdam ko....
Tumingin nalang ulit ako sa bintana at pinagmasdan ang Mga bahay na nagiilaw. May nadaanan pa kami na masayang pamilya sa parke na nadaanan namin. Nakakainggit naman sila. Parang lahat ng tao may perpektong pamilya, ako kang ang wala.
Paningin ko ang unfair ng mundo sa akin.
_________________________________
Not Totally Revised But This should Do
![](https://img.wattpad.com/cover/242514496-288-k266245.jpg)
BINABASA MO ANG
Woke Up As The Royal Princess | Slow Update
RandomIn Ysay's life, all she believed was the hardship and a convenient life she could imaginably grasp. Her life was far from the fairytale she wish to have. But what if---what if a fairytale came to life and be her reality?. Have a luxurious life, ex...