Chapter 2

656 21 0
                                    


°°CHAPTER 2°°

Nandito kami ngayon ni Dad sa loob ng kotse at pauwi na kami.
Tahimik lang ako sa loob ng kotse at hindi ko rin pinansin si Dad, nakatuon lamang ang atensiyon ko sa magandang tanawin sa labas ng bintana.

"MARIDEL, Talk to me"-saad ni Daddy pero hindi ko nalang pinansin kaya hindi narin siyang nagbalak na kausapin ulit ako.

Ilang oras ang lumipas at nakarating narin kami sa bahay, pagpasok ko sa bahay ay agad akong nagsalita,

"Dad bakit mo ginawa yun?"-malumanay kong tanong kay dad.
"Bakit mo naisipang ipakasal ako sa isang taong hindi ko kilala at hindi ko mahal"-emosyonal na saad ko kay dad,

"Its for your future, Maridel!" Sagot naman ni dad.

"Sa tingin nyu ba dad, gaganda ang future ko kung ipapakasal nyu ako sa taong hindi ko manlang kakilala?-inis na saad ko kay dad, ayoko man kontrahin siya pero ayoko talagang magpakasal sa iba.

"I know him and his family Maridel, they are good people at sapat na yun para ipagkatiwala kita sa pamilya nila"-saad ni Daddy, ganun nalang ba yun? basta basta niya nalang akong ipamimigay sa iba?

"Eh panu ako? Panu naman ang gusto ko? Dad may boyfriend ako!!"-mangiyak ngiyak na saad ko kay Dad, mahal ko siya pero dapat ko ring ipaglaban ang nilalaman ng puso ko, maging ang isip ko sinasabing huwag ako papayag sa nais ni Dad.

"Tapusin mo na kung anu man ang meron sa inyu"-walang emosyong wika ni dad,hindi ko akalaing masasabi niya iyon, hindi ganoon kadaling tapusin ang isang relasyon.

"Dad hindi pwede! Mahal ko si Ahron!"-pagmamaka-awa ko kay dad,at lumuhod na ako sa harap niya, kahit ano gagawin ko mapagbigyan lang ako ni Dad sa hiling ko.

"Mahal ka ba niya?"-tanong sakin ni dad,hindi ko alam pero paramg may pinapahiwatig ang bawat salita niya, anong ibig niyang sabihin?

"S-syemre O-oo"-nauutal  kong sagot,nniniwala akong mahal ako ni Ahron at mahal ko din siya.

"Maniwala ka  sakin Maridel, gusto lang kitang maging masaya"-malungkot na sabi sakin ni Dad, ano ba sa tingin niya ang nararamdaman ko ngayong ipinagpipilitan niya akong ipakasal.

"Pero ikasasaya ko po kung hindi nyo ako pilitin sa  ayaw kong gawin" - naiiyak kong sabi kay dad bago tumakbo papunta sa kwarto ko,alam kong malungkot si Dad para sakin pero bakit hindi niya ako mapagbigyan sa hiling ko?

***

"Congratz"-saad ng isa kong  kaklase na ipinagtaka ko naman.

"Congratz Cailey"-wika rin ng isa ko pang kaklase,

"Bakit?"-naguguluhan kong tanong pero ngumiti lang ito sa akin.

"Uy bess, bakit di mo sinabi sa akin na engaged ka na pala?ako pa naman ang bestfriend moo!!"-nagtatampong boses ng kaibigan kong si Carol mula sa likuran ko na aking ikinagulat.

Since I Found Two (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon