Chapter 20

439 14 12
                                    

 
                 °°CHAPTER 20°°

"H-hindi kayo galit?"-gulat na tanong ko sa kanila.

"Buti naman at napaglaanan ka na ng lakas ng loob na sabihin sa amin ang lihim mo"-malumanay na saad ni lucy, nagulat naman ako sa sinabi niya, so alam na ba nila ang sekreto ko? Pero papaano?

"Alam na namin ang lahat Lily," -seryosong sambit ni Bea habang kumakain parin ng chips.

"T-talaga?, Pero paapaano?" -Takang-tak kong tanong, kung alam na pala nila, bakit hindi sila umimik? Bakit hindi sila nahalit sa akin?Bakit sila nanahimik lang at sumakay sa panloloko ko sa kanila?

"Last year pa" -mabilis na saad ni Lea, naptingin naman ako sa kanya, alam din ni Lea na alm na ng mga kaibigan namain ang totoo? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin?

"Ako ang unang nakapansin, Ang alam ko kasi may nunal ka, pero napapansin kong palipat-lipat iyon ng puwesto, minsan sakto naman pero madalas may isang centimeter na difference, kaya nagtaka ako"-Paliwanag ni Lucy.

" Napag-alaman ko na fake ang eyebrows mo, alam ko iyon dahil hindi ka namn nag memake up pero may nakita akong maraming eyeliner sa gamit mo, kaya naghinala ako at gumawa ng plano"-saad namn ni Bea habang hawak pa ang dalawang eyeliners ko na nakita niya.

"Remember noong nabasa tayo ng ulan last year? Dahil wala tayong dalang payong kaya sinuong natin ang ulan, alam mo bang nabura ang fake eyebrows mo at kumalat din sa mukha mo ang nunal-nunalan mo?"-natatawang sambit ni Cherry, Oo naaalala ko ang sandaling iyon, Umuwi kaming lima ng basang-basa ang damit, mabuti nalang at hindi na basa ang loob ng bag namin, pagpasok ko noon sa CR, nakita kong nabura ang eyebrows ko at natanggal ang nunal ko kaya kinabahan ako sa mga sandaling iyon dahil nag-aalala ako kung napansin ba ng mga kaibigan ko, hindi nga ako nagkamali napansin nga talaga nila.

"At napatunayan namin ang hinala namin nang dumating ang araw ng birthday ni Zander, Minakeupan ka ni Rem, napansin din niya iyon kaya tinanong niya kami kung bakit mali-mali ka maglagay ng eyebrows, pero si Lea ang kumausap sa kanya"-natatawa ulit na sabi ni Cherry, Kaya pala hindi na nagtanong sa akin si Rem about doon.

"Kinausap namin si Lea tungkol sa hinala namin sayo, pero nagulat kami ng sabihin ni Lea na alam na niya
Ang totoo dahil siya rin ang nag plano nito at ipinaliwanag ni Lea sa amin ang buong nangyari sa iyo,"-paliwanag pa ni Bea, hindi ako makapaniwala sa mga nangyari.

"Napag desisyonan namin na itago muna sayo na alam na namin ang totoo, ayaw ka namin pangunahan sa desisyon mo dahil naiintindihan namin ang kalagayan mo"-seryosong sambit ni Lucy habang yakap yakap ang unan niya na inuupuan niya kanina.

"Napagdesisyonan namin na hintayin ang mga sandaling ikaw mismo ang magsasabi sa amin ng totoo, at heto na nga, sinabi mo na"-Emosyonal na saad ni Cherry, kung kanina ay patawa tawa siya, ngayon ay malungkot na ang mukha niya.

"Patawarin niyo ako dahil ngayong lang ako naglakas loob na magtapat sa inyo, patawarin niyo rin ako dahil niloko ko ka-"hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil lumapit silang apat at yumakap sa akin, ramdam ko ang pagmamalasakit at pagmamahal nila sa akin, nagawa ko silang lokohin pero andito sila at naintindihan nila ang sitwasyon ko.

"Maraming salamat sa inyo" -usal ko habang yakap yakap parin ang mga kaibigan ko, hindi ko na mapigilan ang pag patak ng luha ko.

"Naiintindihan ka namin, dahil magkakaibigan tayo diba?"-sambit naman ni Cherry, napangiti ako sa sinabi niya, hindi ako nagkamali na kaibiganin sila, sila ang naging pamilya at sandalan ko sa mga sandaling lugmok ako at nakakulong sa galit, sila ang dumamay sakin ng walang hinihinging kapalit, mas lalong ko pang hinigpitan ang pagkaka yakap namin sa isat'-isa.

Since I Found Two (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon