Chapter 3

558 18 1
                                    


                °°CHAPTER 3°°

Matapos ang gabing iyon ay hindi na ako pumasok sa Academy ng isang linggo, nagmumukmok lang ako sa kwarto ko,

"Maridel?"-rinig kong tawag ni Dad sakin mula sa labas ng pinto kaya agad ko siyang pinagbuksan.

"Anu ba nangyari sayo anak?,tumawag kanina sakin ang Admin nyo sa Academy at tinatanong kung bakit di ka pumasok ng isang linggo?"-nag-aalalang tanong ni Dad sakin.

"Papasok na po ako bukas"-walang emosyon kong sabi, at humiga na ulit sa kama ko, ayokong magpaka tanga at magpaka baliw dito sa bahay.

"Segi anak"-malungkot na saad ni Dad, at sinara ang pinto ng kwarto ko.

Nakapikit na ako nang biglang tumunog ang phone ko,

"Si Carol"-bulong ko, at agad na sinagot ang tawag ng bestfriend ko.

"Bess?asan ka?Bat di ka pumasok?"-sunod-sunod na tanong niya sakin dahilan para ikangiti ko, buti nalang may bestfriend akong gaya niya na napaka maalalahanin talaga .
Siya si Carol Ganzon,18 din at siya ang bestfriend ko simula noong Senior highschool, ewan ko ba! Basta naging bestfriend nalang kami.

"Ok lang ako bess"-sagot ko sa kanya, at napangiti nalang din ko sa sarili ko, masaya akong malaman na nag aalala din siya akin.

"Kailan ka ba papasok bess?"-tanong niya ulit na ikinangiti ko nanaman, atat talaga tong babaeng to.Gusto ko siyang surpresahin bukas, siya lang talaga ang nakakaintindi sakin at sa sitwasyon ko.

"Next week pa ata bess"-pagsisinungaling ko, para masurpresa siya bukas.

"Ah segi bess, pagaling ka huh! Bye na"-pagpapa-alam niya, bago ko ibinaba ang phone ko ay napangiti uli ako na parang timang kahit maga parin at namumula ang mga mata ko.

"Oo"-matipid kong sagot at agad na binaba ang phone.

***

Kinaumagahan, maaga akong nagising kaya maaga rin akong umalis patungo sa Academy.

Pagdating ko ay agad akong tumungo sa garden kung saan may maraming study shed para sana tumambay muna dahil maaga pa naman, pero nung malapit na ako ay agad kong nakita si Carol, nakatalikod siya, kaya nagtago ako sa malapit lang din sa kinaroroonan niya, akma na sana akong lalabas nang mapansin kong may lumapit na lalaki sa kanya, kaya nagtago nalang muna ako.

"Next week pa daw siya papasok"-boses ni carol, Sinu kaya ang kausap niyang lalaki?.

"Buti naman"-sambit ng lalaking kasama nya na pamilyar este sobrang pamilyar ng boses sakin.

"Buti nalang talaga love nakahanap ako ng dahilan para makipag break sa kanya at palabasin na siya ang may kasalanan"-natatawang sambit ng lalaki, anong ibig niyang sabihin?

"Buti kamo Ahron my love, marunong ako mag-isip"-saad ni carol na tumurok sa puso ko nang mapagtanto ko kung sinu ang lalaking kausap niya, at yun ay walang iba kundi ang boyfriend ko, na ngayon ay ex ko na, na si Ahron. My love? Bakit niya tinawag si Ahron ng ganun?.

Since I Found Two (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon