Chapter 8

452 13 0
                                    

                  °°CHAPTER 8°°

"Sana hinayaan mo nalang sina Rhea kanina"-walang reaksyon kong saad  kay Zander.

"Ayoko lang kasi na may umaaway sa mga kaibigan ko"-sagot naman ni zander sa akin habang nakangiti.

"Anu kaba naman lily, okay nga yun eh!"-sambit ni Bea na natatawa pa habang sumusubo.

"Bea, hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan! Alam mo kasi, may dahilan ang lahat ng tao kung bakit nila ginagawa ang isang bagay"-wika naman ni lucy na tila parang inang nagbibigay pangaral sa anak.

"Tahimik nga kayo, kain nalang tayo!! Gutom pa ako eh"- naiinis na saad ni cherry.

"Lagi ka naman gutom eh"-pang-aasar ni Bea kay cherry.

"Bat ang tahimik mo?"-tanong ni zander kay lea.

"Ahh..wala"-nahihiyang saad ni lea habang kumakain .

"Lea, magsalita ka naman kahit minsan"- biro ko kay lea at ngumiti naman siya.

"Wala lang kasi ako masabi"-sagot naman ni lea at yumuko nalang.

"LAGI NAMAN EHH"-sabay na sambit naming apat kay lea, at natawa naman si Zander.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa classroom, at  nakita rin namin doon si Rhea at ang mga alipores niya.

"Hoy Zander!!
Ano karapatan mong sabihin kanina sa School admin na palitan ako bilang Reyna sa university??"-inis na sigaw ni Rhea kay zander habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa kanyang baywang.

"And what is the meaning of this?"-saad ng School Admin, hindi namin alam na pumasok siya sa classroom namin.

" Ah w-wala po Mr.admin!!"- natatarantang sagot ni Rhea at mabilis na umupo sa kanyang upuan.

"Narinig ko lahat ng sinabi mo Ms.Rhea Olivar!! And you showed me your disrespectful attitude!!"-sigaw ng School Admin.

"T-tinatanong k-ko lang po s-si Zander Sir"-utal nitong sabi at nakatingin lang sa baba.

"Pero hindi yun ang nakita at narinig ko Ms.Olivar!!
Akala ko kanina hindi naman masyadong malala ang ginawa mo sa cafeteria, pero alam ko na ngayon!From now on, you are not the Queen of this University anymore!!"-saad ng School Admin bago tuluyang umalis.

"Kasalanan niyo to"-naiiyak na sigaw ni Rhea sa amin at tumakbo papuntang CR.

"Don't mind her"- bulong sakin ni Zander at hinila niya na ako papunta sa upuan ko.

Pagkatapos ng klase namin ay umuwi na kaming lahat, hinatid kami ni Zander gamit ang sasakyan niya.Siguro mayaman itong si Zander!

"Bye Girls! See you tomorrow!!"-pagpapaalam ni zander sa amin.

"Byeeeee"-sambit namin habang kumakaway at sinimulan na ni Zander ang pagpapaandar sa makina ng kotse niya, kumaway pa siya bago tuluyang umalis..

"Ang bait ni Zander noh?"-saad ni Bea at bigla nalang ngumiti.

"Oo nga ehh"-pag sang-ayon naman ni cherry.

"Tara na pasok na tayo"- pagyaya sa amin ni Lea, kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay.

Itong bahay na ito ay inuupahan naming lima, ambag-ambag kami sa bayad namin dito.Noong una palang ako dito, sila lang muna nag babayad pero noong nakahanap na ako ng part time job ay tumulong na rin ako sa pag bayad. Haissssttt.. halos isang taon na nung tumira ako rito!!
Tanda ko pa noong unang araw ko dito.

*FLASHBACK*

"Sigurado parating na rin sila Ms. cailey!! Este lily!!-wika ni lea habang inaayos ang mga gamit nila sa loob ng bahay.

"Lily na itawag mo sa akin, sanayin mo na sarili mo lea"-nakangiti kong sabi sa kanya.

"Oo lily! Basta umarte ka lang ng normal haa..Yung pinraktis natin wag mo kakalimutan."- saad ni lea habang patuloy paring nag-aayos .

"Syempre naman"- natatawa kong sabi.

"Apir tayo"- wika ko, kaya nag apir kaming dalawa at tumawa.

"Lea!! May kausap kaba diyan sa loob?"- rinig naming boses mula sa labas, at na gulat sila ng makita ako, pero mas gulat talaga ako nang makita sila.Totoo ngang puro Nerd sila at may kambal si lea, grabe magkamukha talaga sila pero mahahalata ko kung sino sa kanila si lea, dahil mukhang tahimik si lea.

"Sinu yan?"-tanong ng kambal ni lea.

"Kaibigan ko"-mahinang saad ni lea.

"Sa pag kaka-alam ko, Wala ka namang ibang kaibigan bukod sa amin"-saad ulit ng kambal ni lea habang nakatayo sa harapan namin.

"Naging costumer ko siya sa bookstore dati, doon ko siya naging kaibigan"- pagsisinungaling ni lea sa kambal niya.

"Hi"
"hello"
"Hello sayo"
-pagbati naman ng iba pa nilang kaibigan.

"H-hello"-nahihiya kong saad..

"ako nga pala si lily,
Lily Mercado"-pagpapakilala ko sa kanila at kinaway ang kamay ko.

"Ako si cherry"-saad naman nang parang masayahing babae .

"Ako Naman si lucy"-sambit nung isang babaeng mukhang mabait din pero may pagka wierd ang isang to.

"Im Bea, the twin sister of lea"-wika naman nung kambal ni lea na mukhang  masungit at matapang.

"Nice to meet you all"-saad ko habang nakangiti.

"Ganun din kami"-sagot nila.

"Uhm. Bea,lucy,cherry kung maaari sana, dito muna titira si Lily sa atin, wala kasi siyang matatirhan eh, kawawa naman.

"Oki lang naman samin"-saad nila.

"Lima na tayong nerd dito sa bahay"-natatawang sambit nung cherry.

"Oo nga"-sagot naman nung lucy.

"Wala namang problema doon, as long as kaya mong makisama"-saad ni Bea.

"Oo naman"-matipid kong sagot at may halong saya dahil pumayag sila na patirahin ako dito sa kanila.

*END OF FLASHBACK*

Haisssstt....nung una, ang hirap talaga nilang pakisamahan, dahil na rin sa kakaiba nilang ugali pero kalaunan ay nasanay na rin ako at naging ka close ko rin sila.
Nagpapasalamat ako sa diyos dahil sila ay nakilala at naging kaibigan ko, tapos ngayon mukhang magiging kaibigan na rin namin si Zander.

              _End of Chapter 8_

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Since I Found Two (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon