°°CHAPTER 16°°
•• Zander's POV••
"Matulog ka na, ASAWA
KO"- nang dahil sa sinabing yun ni lily napangiti nalang ako sa kawalan, sasagot pa sana ako pero bigla niyang binaba ang phone.
Masaya ako ngayong araw, hindi ko malilimutan ang araw na ito. Hindi ko alam kung bakit ko hinila kanina si Lily at nagpakasal sa weeding booth, pero sa lahat ng nangyari, ang alam ko lang masaya ako pag kasama ko siya.***
Nagkakagulo na ngayon dito sa University, hindi yung literal na gulo na may away ha, nagkakagulo dahil marami ang mga ginagawa ng lahat, di pa tapos ang ibang decorations sa stage para sa pageant mamaya.
Nakita ko nama si Lily na tumutulong sa pag ayos ng mga decorations, magtataka pa sana ako kung bakit siya nandoon pero naalala ko na punishment pala yun sa kanila.
Natawa naman ako nang maalala ko ang sinabi niya kahapon na hindi daw siya pupunta dito dahil nag text sa kanya ang ngipin niya na sasakit ito ngayon, napaka baliw din nitong si Lily, ilang oras pa ay nagsimula nang tumugtog ang mga naglalakihang Speakers, nakakabingi ang lakas nito.
3:00 o'clock palang ay nagsimula na ang pag mamake up sa mga contestants, nandito na ako sa backstage, nakita ko din dito si Dex Alberto kasali din pala siya sa Pageant at partner sila ng Girlfriend niya, di ko ngalang maalala ang pangalan ng babaeng yun, Joanah ba yun o Jona?
Nakita ko naman na papalapit si Dex Alberto sakin kasama ang GF niya, ano nanaman kayang pang iinis ang sasabihin nila?
"Oh, hey Zander Kasali ka din pala dito? How about yung babaeng nerd na kasama mo?"-tama nga ako, mang iinis nga ulit sila.
"Yeah, well thanks sayo Jona, dahil iniisip mo ang nerd na kaibigan ko"-nakangiti kong sabi sa kanya.
"Its Joan, not Jona"-pag tatama niya dahil mali ang pangalan na sinabi ko.
"Well good luck"-saad naman ni Dex Alberto, na nakangisi ngayon.
"Sayang ngalang, hindi kasali yung nerd na babaeng yun, yung Lily diba?"-dagdag pa ni Dex, halatang gusto lang niya akong inisin, pero anong akala niya bobo ako?
"Ano ka ba babe? Kung sasali yung nerd edi talo na sila! Sayang lang ang effort ng klase nila kung matatalo lng din"-natatawang sambit naman nung Joanah, kung tutuusin mas maganda pa si Lily sa babaeng to.
"Yeah, goodluck nalang din sa inyo, at sana wag kayong matalo, dahil sayang naman ang effort ng klase niyo kung matatalo din naman kayo dibah?"-pag babalik ko ng sinabi nila kanina.
"Oh, By the way tatandaan ko na ang name mo Joanah"-nakangiti kong sabi at yumuko pa ng bahagya.
"Its Joan, not Jona nor Joanah, its Joan!"-pag cocorect niya ulit, natawa naman ako dahil madali lang naman pala pangalan niya pero parang ang hirap sa akin ang tandaan iyon. Sila na ang nglakad palayo sa akin, alangan naman ako ang aalis eh ito ang pwesto ko.
Ilang oras pa ay nagbready na ang mgabtao dito sa likod.
"In 30 Minutes magsisimula ang pageant, sino ang wala pa?"-tanong nung babae na may edad 30 pataas, di ko alam kung sino siya, baka coordinator? MC?.
"Wala pa si Jane"-rinig kong sigaw ni Miss Diaz mula sa likod ko, Oo nga pala wala pa si Jane, yung class president namin, siya yung partner ko.
"Kung di siya makakarating sa tamang oras at walang papalit sakanya ma di disqualify ang klase niyo"-saad ng babae.
Habang naghihitay lang ako sa pagdating ni Jane ay biglang lumapit si Lily sa akin.
BINABASA MO ANG
Since I Found Two (On Going)
Teen FictionCailey Maridel Fernandez, isang dalagang tagapagmana na ipinagkasundong ipakasal ng kanyang ama sa lalaking di niya kakilala kung kaya't tinanggihan niya ito dahil narin sa mahal niyang nobyo ngunit kasabay din nito ay ang pagtuklas niya ng pagtraid...