°°CHAPTER 11°°
"Well, nice to meet you mga hija"-tugon ng mama ni Zander at tinapik ang mga balikat namin, napansin ko din na napatigil siya nang tumingin sa akin.
"Hija, nagkita na ba tayo dati?"-nagtataka nitong tanong sa akin dahilan para makaramdam ako ng kaba, tinignan ko naman si Zander na ngayon ay nakatingin lang din sa amin ng mama niya.
"Ah hindi pa po siguro maam, ngayon ko lang din kayo nakita at nakilala"-nakangiti kong sabi at tumingin nalang ako kay zander.
"Mom, imposibleng makilala niyo si lily dahil di naman kayo pumumunta kung saan, Conventions, meetings, Reunions at Family gatherings lang pinupuntahan niyo"-natatawang saad ni Zander sa mama niya dahilan para matawa din ang mama niya sa sinabi nito.
"Oh segi mga hija, maiwan ko na muna kayo dito at aasikasuhin ko pa ang mga parating na bisita"-pagpapaalam ng mama ni Zander at muli kaming tinapik sa balikat.
"Hijo, ikaw na muna ang bahala sa mga bisita mo"-nakangiti nitong sabi at pumunta na sa direksyon ng mga ka edad niya.
"Tara, punta na tayo doon sa table niyo"-pagyaya ni zander sa amin, at naglakad na kami papunta sa table kung saan naka reserve na para sa amin at agad na kaming umupo.
"Wait lang, may hahanapin lang ako, kain muna kayo"-wika ni zander.
"Segi"-sagot ko at saka siya pumasok sa bahay nila.
Habang nakaupo kami dito sa table, napansin ko na ang laki din pala ng bahay nila Zander, lalong lalo na ang garden nila, ang daming palamuti na naka kalat ngayon sa garden, andami ring mga table dito na nangangahulugang marami talagang bisita. Nakita ko rin ang pool sa may bandang kaliwa ng mansion nila, maraming ilaw sa pool at ang ganda nitong pagmasdan.Marami din ang handa nila, especially yung wine.
Habang kumakain kami ay bigla nalang tumunog ang Microphone at may nagsalita, dahilan para tumahimik ang lahat nang naroroon.
"Ladies ang gentlemen, let us all welcome Mr.Enrique Alvarez and his son, Pete Andrei Alvarez, the uncle and cousin of Mr.Zander Alfuente, Our birthday celebrant!
Let us give them around of applause!!"-pag-aanounce ng M.C.
At bigla namang nag palakpakan ang lahat ng taong naroroon, bakas sa mukha nila na masaya silang malaman na dumating na yung taong binanggit kanina ng M.C.Tinignan ko ang sinasabi nilang tito at pinsan ni zander,
Pero nang makita ko ang mga mukha nila ay parang na kilala ko na sila pero hindi ko ma alala, patuloy ko lang inaalala kung saan at kailan ko sila nakita hanggang sa matandaan ko na ang itsura nung isang lalaki.Alam ko na! Yung isang iyon, siya iyong muntik nang bumangga sa akin sa harap ng bookstore last week
Putek na lalaking iyon, pinsan pala siya ni Zander? Tskk.. di halata ah, ang sama ng ugali ng lalaking yun samantalang si Zander napaka gentleman, magkabaliktad silang dalawa."Lea,diba iyon yung muntik nang sumagasa sa atin sa harap ng bookstore last week??"-saad ko kay lea habang tinuturo ang direksyon kung saan ang lalaking yun gamit ang nguso ko, ayoko naman ituro siya gamit ang daliri ko baka isipin ng iba stalker niya ko, Never!.
"Parang nga"-saad ni lea pero nagdadalawang isip pa siya kung yun nga talaga.
"Mukhang siya nga lily"-dagdag pa ni lea, napatitig naman ako sa kanya habang hinihimas ang baba niya, tinignan ko naman ang lalaking yun at ngayon ay tumatawa siya habang kausap ang mga kakilala niya.
"Siya talaga iyon ihh...yung hambog na Mr.1K !!"-galit kong sabi at tinigan ko kung saan siya habang abala kakausap sa iba.
"Kalimutan nalang natin"-pabulong na saad ni lea habang kumakain ng salad.Napailing nalang ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Since I Found Two (On Going)
Teen FictionCailey Maridel Fernandez, isang dalagang tagapagmana na ipinagkasundong ipakasal ng kanyang ama sa lalaking di niya kakilala kung kaya't tinanggihan niya ito dahil narin sa mahal niyang nobyo ngunit kasabay din nito ay ang pagtuklas niya ng pagtraid...