°°CHAPTER 15°°
"Tara"-saad ni Zander at inilahad niya sa harapan ko ang kanang kamay niya, ayoko man abutin dahil nahihiya ako pero ayaw ko naman tanggihan, ayoko mag paka choosy noh! Kaya inabot ko sa kanya ag kamay ko, tinitignan ko lang siya habang hila hila niya ako, napatingin naman ako sa direksiyon kung saan kami pupunta pero laking gulat kong mapagtanto na sa Wedding booth kami papalapit!.
"Uy anong gagawin natin diyan?"-tanong ko kay Zander, tumingin naman siya sakin pero ngumiti lang, grabe yung ngiti niya napapa slow motion ang paligid ko.
Di ko namalayan na dito na kami mismo sa weeding booth at nagtitinginan lahat ng mga tao sa amin habang si Zander nakatutok lang sa pag titig sakin, natutunaw na ako ah!!
"M-mag papakasal kayo?"-naguguluhang tanong sa amin ni Loyd, sasabat pa sana ako na hindi kami magpapakasal, pero na una nang magsalita si Zander sa akin.
"Umpisahan na natin ang seremonya"-saad ni Zander dahilan para mapanganga ang lahat na nakatingin sa amin, nag sidatingan nama ang ibapang mga estudyante dahil narinig nila na magpapakasal kami ni Zander, grabe nakakahiya.
"Oh segi"-saad ni Loyd at tumikhim muna bago nagsalita ulit.
"Ang kasal na ito ay-"pag uumpisa niya loyd pero bago pa siya magsalita ulit ay tumalikod ako at akma sanang aalis dahil sa kahihiyan pero naramdaman ko ang mahigpit na pagpigil ni Zander sakin, hawak niya ang braso ko ngayon, tinignan ko naman ag kamay niya nakahawak sakin, mahigpit yun pero hindi masakit ang pagkakahawak niya.
Tinitigan ko naman siya at nagtama ang mga mata namin, Gusto kong umalis dito at tumakbo pero nahuhumaling ako sa mga titig niya at hindi ko magalaw ang mga paa ko.Nabigla ako nang niyakap niya ako ng mahigpit, narinig ko ang mga bulungan sa pakigid namin pero hindi ko yun marinig ng klaro dahil ang atensiyon ko ngayon ay nakatutok kay Zander na nakayakap sakin.
Dama ko ang tibok ng puso niya ganun din ang puso ko, kung kanina ay di ko magalaw ang mga paa ko, ngayon naman nanigas na talaga ang buong katawan ko.
"Will you marry me?"-pabulong niyang tanong sakin, ramdam ko ang mainit na hininga niya sa tenga ko at amoy ko ang bango niya.
"H-huh?"-wala sa sarili kong tanong, niyaya ba naman niya ako magpakasal, Saan? Dito sa booth o totoong kasal talaga? Ayytss! Erase!
Nakita ko siyang ngumiti ng patgo pero nakita ko parin."Dito sa booth"-sagot niya, nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, Mind Reader ba siya? Nalaman niya kaya na iniisip ko kung sa booth o sa totoo yung kasal na inaalok niya?.
"Will you?"-tanong niya ulit habang seryosong nakatitig lang sa mga mata ko, at hinihintay ang magiging sagot ko, hindi ko namalayan na nag "OO" na ako, napatakip ako ng bibig nang napagtanto ko kung ano ang sinabi ko, napa ayieeeeee naman ang ibang mga tao dito sa paligid namin.
"Kasal na"-sigawan ng iba, dahilan para mapangiti ng malapad si Zander, ewan pero sa oras na ito ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganto, dahil kahit minsan hindi kami nakaranas ng ganto ni Ahron.
Nagsimula ng magsalita si Loyd, marami siyang sinambit pero hindi ko napapansin at di pumasok sa tenga ko dahil di ako magkaundagaga sa mga titig ni Zander sa akin, nabalik nalang ako sa katinuan ng tinanong na ako ni Loyd.
"Ginoong Zander Alfuente, bukal ba sa iyong kalooban na pakasalan ang binibining ito? At nangangakong magiging mapagmahal na asawa sa kaniya sa hirap at ginhawa, sa lungkot o saya ngayong araw?"-saad ni Loyd na umaaktong Pari, alam kong laro laro lang tong booth pero malakas ang impact sa akin.
BINABASA MO ANG
Since I Found Two (On Going)
Teen FictionCailey Maridel Fernandez, isang dalagang tagapagmana na ipinagkasundong ipakasal ng kanyang ama sa lalaking di niya kakilala kung kaya't tinanggihan niya ito dahil narin sa mahal niyang nobyo ngunit kasabay din nito ay ang pagtuklas niya ng pagtraid...