Chapter 13

374 6 0
                                    

                  °°CHAPTER 13°°

"Halaaaaa"-sigawan ng mga tao sa loob ng gym pero wala akong paki alam dahil hindi ko rin mapigilan ang sarili ko.
Napatagilid si Alberto, at hinawakan ang pumutok niyang labi sabay ngisi bago siya nag salita ulit.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?"-galit niyang sigaw dahilan para mas lalo pa akong mainis sa lalaking to.

"Tanungin mo ang sarili mo"-seryoso kong sambit sa kanya at tumalikod na ako at akmang aalis na pero bigla siyang nagsalita.

"Tsssk, akala mo ba, okay lang na bumangga ka sa kahit sino dito, dahil lang anak ka ng may-ari ng school na to?"-muli niyang tanong, napatigil naman ako dahil sa sinabi niya at nilingon ko uli siya.

"Wala akong pakialam, ang ayoko lang, yung binabastos mo yung mga kaibigan ko"-saad ko habang nakatingin ng matalim sa kanya, hindi ko siya masusuntok kung tinikhom nalang niya ang bibig niya at tanggapin na matatalo siya ng baguhang tulad ko.

Bakit mo ba pinagtatanggol yung mga Nerd na iyon?
Ang pangit ng taste-" hindi ko na siya pinatapos at muli ko siyang nilapitan at sinuntok sa panga ng dalawang beses, nagsigawan ang lahat,
At inaawat na din ako ng mga kasamahan ko.

••••Lily's POV••••

"Ang pangit naman ng taste - rinig  kong saad ni Dex Alberto dahilan para muli siyang lapitan ni Zander at sinuntok uli ng dalawang beses, nagulat naman ako sa ginawa ni Zander, pero alam ko na may matindi siyang dahilan para gawin iyon, hindi siya padalos dalos sa desisyon kung wala rin namang mabigat na dahilan, pero ang tanong, Bakit??

Tumutulo na ang dugo mula sa bibig ni Dex, at bakas rin sa mukha niya na sobrang iniinda niya ngayon ang sakit mula sa panga niya.

"Alberto and Alfuente! "-proceed to the admin office now!"-sigaw ng admin, kinabahan tuloy ako, mapapa admin pa si Zander dahil sa ginawa niya, sayang din ang game nila dahil panalo na sana ang Blue Phoenix, napabuntong hininga nalang ako sa nangyari.

***

Andito kami sa canteen ngayon, kasama ko sina Cherry,Lucy, Bea at Lea, wala si zander dahil pinatawag siya sa office. Di rin naman kami makapunta doon dahil pagagalitan kami, Maraming tao ngayon dito sa canteen at halos lahat ay nag chichismisan dahil sa nangyari kanina.

"Diba iyon yung nerd?"-rinig kong saad ng isang babaeng dumaan sa table namin, di ko lang alam pero bakit nanaman kami pinag titripan ng mga toh.

"Uyy  ghurl, Yun yong nerd oh"-sambit din ng isang babae sa kabilang table, di ko na maiwasang mangamba dahil amoy na amoy ko ang papalapit na gulo.

"Yan ba?"-tanong ng isang babae, na akala mo successor ni Rhea sa katarayan, magkalahi siguro, isang lahi lang yata sila.

"Ano nanaman kayang nagawa natin, at pinagtitinginan at pinag uusapan nanaman tayo?"-malungkot na tanong ni lucy, sa totoo lang ganun din yung naiisip ko, wag naman sana umabot pa sa malalang sitwasyon.

"Nerdy five!"-sigaw ng babae sa bandang likuran namin, kung kaya naman tumingin kami sa direksiyon nya, ang taray ng dating niya, naka black off shoulder siya at black din na mini skirt at black na shoulder bag with sun glasses, Boracay ang peg pero sa sa tingin ko empyerno talaga ang peg nito.

"Ang kapal naman ng mukha niyong gumala gala pa dito sa campus matapos ang nangyari kanina"-mataray niyang sambit habang tinatanggal ang shades niya sabay irap at nag nag pamewang.

"Anong ibig mong sabihin?"-magalang na tanong ni cherry, naguguluhan na kami sa nangyayari, ano na talaga to? grabe na sila kung maka api sa amin.

Since I Found Two (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon