1

21.8K 579 46
                                    


"ALAM ko kung ano ang binabalak mong gawin, Nelson," Lora hissed. "Get away, please..." Nakita niya sa sulok ng mga mata niya kanina ang pagdating ng kasintahan. Pero hindi niya ito makuhang batiin dahil nakatuon ang pansin niya sa nanginginaing mga itik na hindi niya gustong mabulabog. At ilang pulgada na lang ang layo ng nguso ng kasintahan mula sa pisngi niya. May ilang minuto na siyang naghihintay ng magandang shot tulad ng paglipad ng isang itik mula sa grupong nanginginain upang makasingit.

At hindi niya makuhang kumilos sa pagkakatalungko sa lupa kahit nangangawit na siya. She was closer to the picture she had spent three days trying to capture. At kung sisikuhin niya ang pagsasamantala ni Nelson sa sitwasyon niya'y baka mawala siya sa tamang focus.

She zoomed on her lens. At hustong nangyari ang inaasahan niyang paglipad ng itik ilang dangkal mula sa lupa'y siyang paglapat ng mga labi ni Nelson sa pisngi niya. Nagalaw ang camera niya at hindi niya nakunan ang gustong makunan.

"Oh, I could kill you for that!" naiinis niyang sabi rito. "Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong iyon!"

Subalit ngumisi lamang si Nelson. "Pati ba naman kasi itik ay kinukunan mo ng litrato. Ano ka ba naman, Lora!"

She opened her mouth to say something scathing but changed her mind. Ano mang paliwanag sa kasintahan na mahalaga para sa kanya ang ginagawa'y hindi nito maiintindihan.

Nanunulis ang ngusong isinabit niya sa leeg ang camera at naupo sa isang patay na kahoy. Naupo sa tabi niya si Nelson at inakbayan siya.

"Huwag ka nang magtampo. Puwede mo namang kunan ng litrato anumang oras ang mga itik, 'di ba?"

Mabigat na nagbuntong-hininga ang dalaga. Sinisikap alisin ang inis para sa kasintahan. "Bakit ka nga pala nandito? Akala ko ba'y kasama ka ng daddy mo sa munisipyo?" Si Nelson ay isang aktibong leader ng mga kabataan sa kanilang lugar at ang ama naman nito'y ang mayor sa bayang iyon ng Patubig.

"Ayaw mo ba n'on, nagkikita tayo?" wika ni Nelson, hinapit ang mga balikat niya palapit dito.

Alam ni Lora na hahagkan siya ng kasintahan. She could hear his breathing in her ear. But she remained passive at naghihintay ng paglapat ng mga labi ni Nelson sa kanya.

"Lora!"

Umalingawngaw ang tinig na iyon sa buong kagubatan kaya hindi nakarating ang mga labi ni Nelson sa kanya.

"Ang tatay!" Mabilis na itinulak ni Lora si Nelson palayo na kung hindi nakakapit ay malamang na nahulog mula sa kinauupuang patay na kahoy.

"Anak ng—" Napakamot ng ulo si Nelson sa iritasyon. "Ang galing talagang tumiyempo 'yang tatay mo..."

Si Lora'y mabilis na tumayo. Lumakad patungo sa pinag-iwanan niya ng plastic na timbang pinaglagyan ng mga pagkain ng itik. At hustong humarap siya sa dakong pinanggalingan ng tinig ay naroon na si Gaudencio. Mabilis ang mga hakbang palapit sa kanya.

"Nariyan ka pala, Nelson." Binalingan nito ang binatang tumayo mula sa pagkakaupo.

"Magandang hapon, sir," bati ng binata.

Bahagya itong tinanguan ni Gaudencio. Ang mga mata'y nagdududang nagpalipat-lipat sa anak at kay Nelson. At nang masiyahan sa nakitang malayong distansiya ng dalawa'y saka pa lamang pinag-ukulan ng pansin ang sangkaterbang nagkakaingay na mga itik na nasa tubigan at ang plastic na wala nang laman.

"Pabalik na nga kami sa bahay, Itay," ani Lora. Yumuko at dinampot ang isang itik mula sa grupo at pagkuwa'y muli ring pinakawalan.

"May nabanggit ba ang daddy mo tungkol sa proposal ng PTA na pagpapatayo ng karagdagang high school building, Nelson?" tanong ni Gaudencio sa binata. Principal ito sa Patubig High School.

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon