31

17.5K 580 63
                                    


SA IKATLONG araw ng exhibit ay dumating si Nelson sa pagkagulat ni Lora.

"Paano mong nalaman?" tanong niya.

"Maliit lang ang bayan natin, Lora. Walang maitatago. Isa pa'y hindi naman magsisinungaling ang itay mo sa daddy nang kumustahin ka."

Tumango si Lora. Ipinakilala niya si Nelson kay Lynette.

"So you're the best friend," ani Nelson, nakangiti at kinamayan ang dalaga. "Pleased to meet you, Lynette..." "Same here, Nelson..."

Subalit agad na bumitaw si Nelson mula sa pakikipagkamay at lumakad patungo sa mga photo na nakasabit sa wall ng booth, ganoon din sa isang malaking larawan ng barko na nakalagay sa tripod. Subalit ang higit nitong pinagtuunan ng pansin ay ang life-size photo ni Karl na nakatagilid at nakatalungko sa tabla at tila kinukumpuni ang haligi ng pantalan.

Nelson couldn't see the model's face. Kinunan iyon sa paraang bahagi lamang ng mukha ni Karl ang makikita. Wala itong suot maliban sa pantalong maong at ang may kahabaang buhok nito na humahaplos sa matipunong likod.

Habang nakatalikod si Nelson at nakatingala sa larawan ay nagkatinginan sina Lora at Lynette.

Tumiim ang mga bagang ni Nelson subalit nang lumingon ito sa dalawang babae ay tiniyak nitong ngiti ang nasa mga labi.

"Hindi ko akalaing ganito ka kahusay, Lora!" bulalas nito.

"Thank you, Nelson." Ikinasiya ni Lora ang sinseridad sa tinig ni Nelson. At least, nakita nito ang makasining na bahagi ng mga litrato.

"So this calls for a celebration!" Tumingin ito sa relo sa braso. "Eleven pa lang, pero puwede nang mag-lunch..."

Nagkatinginan ang dalawang babae. Tinanguan ni Lynette si Lora. "Go ahead. Ako ang tatao dito sa booth."

"Pero..."

"She's right, Lora," sang-ayon ni Nelson. "Kung sabay kayong dalawa'y walang tatao rito."

"Come on," hikayat ni Lynette nang patuloy na mag-atubili ang kaibigan. "Ipagbalot mo na lamang ako." Sinabayan nito iyon ng tawa.

"Sure," agad namang sabi ni Nelson. "Let's go, Lora..." Kinuha na ni Lora ang shoulder bag at isinabit sa balikat at hindi na kumibo nang akbayan siya ni Nelson.

"SANA'Y sa loob ng mall na lang tayo kumain. Marami namang kainan doon, ah," ani Lora nang iginigiya na siya ni Nelson sa loob ng taxi.

"Mas gusto kong kumain tayo sa tabing-dagat, Lora. Para na ring nasa atin tayo at mas gusto ko ang alaalang papasok sa isip ko kapag dagat ang nakikita ko."

"Tabing-dagat?" gulat na napalingon si Lora sa katabi lalo na nang sabihin ni Nelson sa driver na sa Manila Yacht Club sila dalhin. "Ano ang gagawin natin doon? Bago tayo makabalik sa mall ay gabi na dahil sa traffic..."

"Relax," nakangiting sabi ni Nelson. "Ano ang ipag-aalala mo, naroon naman ang kaibigan mo." Huminga siya nang malalim at hindi na kumibo. Inalis ang kamay ni Nelson na nakaakbay sa kanya at sumandal. Hindi nagreklamo si Nelson at ngumiti lang.

NASA exhibit si Iris at nasa booth ng isang kaibigang bakla.

"How many have you sold?" tanong niya sa kaibigan.

"Tatlo pa lang. At lahat ng bumili ay mga kaibigan pa natin, iyong mga pinadalhan ko ng imbitasyon!" Umiikot ang mga matang sabi nito.

"Isang picture sa isang araw," ani Iris na bahagyang nagkibit ng mga balikat. "Not bad. Mag-iikot ako sa ibang mga booth..."

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon