"KAIN nang kain, Tiya Lagring," ani George na nilagyan pa ng sinangag at tapa ang pinggan ng matandang babae. "Mangangayayat kayo niyan pagbabalik ninyo sa inyo."
"Dyaskeng bata. Mauubos ko bang lahat ang pagkaing ire?"
"Kayang-kaya ninyong ubusin iyan. Aba'y ni hindi n'yo ginalaw ang pagkaing inihatid ko sa cabin ninyo kagabi, ah."
"Ku, hilong-hilo ako sa lintik na biyaheng ito na ewan ko kung saan patungo!" Inabot nito ang tasa ng kape at humigop.
Napasulyap kay George si Lora at nahihiyang ngumiti. Si George ay bigay-todo ang ngiting ibinigay sa kanya.
"Hmm... masarap ang kapeng ito..." Sinipat ni Tiya Lagring ang tasa at inamoy-amoy. "Barako..."
"Na sadya kong ipinalaga para sa inyo, Tiya," ani George. "Alam kong hindi ninyo magugustuhan ang instant coffee..."
Tumango si Tiya Lagring at muling hinigop ang brewed coffee. Mayamaya'y tinitigan si George. "Iyang bisita ng boss mo, George, matagal mo na ba siyang kilala?"
Lora rolled her eyes. Kinagiliwan si George ng tiyahin niya dahil nakuha nito ang kiliti ng matandang babae. Pero kung tutuusin ay parehong estranghero sa kanila ang dalawa.
Tumikhim si George bago sumagot. "Ah... eh, si Mr— Karl ho ang isa sa mga mahuhusay gumawa ng transaksiyones sa kompanya, Tiya..." That was the general truth. Hindi nito gustong magsinungaling sa matandang babae kung saan giliw na giliw rito.
"Binata ba ang Karl na iyan, ha?"
"Tiya naman..." nahihiyang awat ni Lora sa tiyahin.
"Aba, oho," ani George, hindi malaman kung paano mananatiling kalmante sa interogasyon ng matandang babae. Sa pagkain nito ibinuhos ang pansin at pinag-iisipang mabuti kung paano maililihis ang usapan mula kay Karl.
"Ano at hindi nagtatrabaho ang taong iyon ay nagpapasarap lamang ng buhay sa paglalayag dine sa barkong hindi naman kanya?" patuloy ng matanda.
"Tiya." si Lora. "Benepisyo po ni Karl ang paglalayag na ito. Nakapag-akyat siya ng malaking transaksiyon sa kompanya nila."
George winced inwardly. Iyon ba ang sinabi ni Karl sa dalaga? Bakit kailangang magsinungaling ng boss nito? Wala itong natatandaang itinago ni Karl ang tunay na pagkatao sa mga kakilalang babae. Bago man o datihan na.
"At ano ang alam mo sa pagkatao ng lalaking iyon na nakilala mo lang noong isang araw?" Kung ano man ang isasagot ni Lora ay nahinto sa lalamunan niya nang sa sulok ng mga mata niya'y lumitaw sa pinto ng dining room ang subject ng kanilang usapan.
Nag-angat siya ng mukha at tumingin dito. She wondered at the sudden leaping of her heart at the sight of him. Naka-T-shirt ito ng puting body hugger. His jeans was tight that it looked like a second skin. May hawak na mug ng kape sa kamay.
"Good morning," bati ni Karl at sandali siyang dinaanan ng tingin. Humakbang palapit sa may bahagi ni Tiya Lagring. "Natutuwa akong makitang kasalo nila kayo sa almusal, Tiya Lagring. Kumusta ho ang pakiramdam ninyo?"
Tiya Lagring snorted. "Mabuti na lang at may inihandang kapeng barako ireng si George, kundi'y baka ni hindi ko mainitan ang aking tiyan."
"Want to join us?" anyaya ni Lora upang huwag nang humaba pa ang sasabihin ng tiyahin.
"Thank you, but usually I only have coffee in the morning," wika nito. Pagkatapos ay tumingin sa porthole. "We'll anchor momentarily. I'm inviting you to swim... May dala ka bang pampaligo?"
"Yes. But is it safe? Wala bang mga pating sa lugar na ito?"
"Tiniyak sa akin ng kapitan. Isa pa'y malapit na tayo sa Isla Verde." Ang tinutukoy ni Karl ay ang apat na isla na nasa pagitan ng Mindoro at Batangas. "Walang daungan doon but we could swim ashore. And... you can join us, George, if you want."
"Salamat, Karl. Pero marami akong gagawin ngayon sa computer room. May mga mensahe mula sa opisina."
"Kayo, Tiya Lagring," wika ni Karl sa matandang babae. "Inaanyayahan ko rin kayong maligo, may mga salbabida ho ang yateng ito."
"Hay naku, kayo na lang! Malunod pa ako!" masungit nitong sagot. Nagkibit ng mga balikat si Karl at binalingan si Lora. "See you in an hour, sa upper deck."
Tumango si Lora at humakbang na patalikod si Karl nang muling lingunin si George. "Siyanga pala, George, maaari ko bang magamit ang computer mo? May gusto lang akong ipadala sa opisina..."
"Sure." Tumayo ito, nagpaalam sa dalawang babae at sinundan ang boss palabas. Ang magtiya'y tumayo na rin at nagtuloy na sa cabin nila.
"Tiya," ani Lora habang tinatanggal mula sa backpack ang one-piece bathing suit. "Bakit naman kailangang pagsungitan ninyo si Karl? Nakakahiya naman. Wala namang ginagawang masama sa inyo iyong tao."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang babae. "Sinasadya kong gawin dahil gusto kong iparating sa kanyang hindi uubra ang anumang binabalak niya sa iyo, Lora..."
"Tiya, ano ba naman ang—"
"Nahuhulog ang loob mo sa kanya, Lora. Naghuhugis puso ang mga mata mo tuwing titingin ka sa kanya," the old woman said wearily.
"G-ganoon ako ka-obvious, Tiya?!"
"At hindi kita masisisi, makisig ang Karl na iyan. At bagaman magalang, gusto kong isiping napipilitan lamang makipag-usap sa akin. Ang ngiti'y napakamahal. Tila ba laging galit o walang tiwala. Hindi bale ba sana kung kilala nating lubusan. Aba'y sa laot mo lang nakatagpo ang diyaskeng iyan, eh!"
"Ang Tiya Lagring talaga, kung ano-ano ang napupuna."
"Huwag mong ipakabuhos ang loob mo sa lalaking iyan, Lora, masasaktan ka lang. Hanggang ngayo'y iniisip ko kung saan nagtungo ang matino mong kaisipan gayong isang estranghero ang Karl na ito. Minsan mong nakilala sa laot at pinagbigyan mo ang imbitasyong sumamang maglayag. Kung masamang tao iyan, kahit ang presensiya ko'y walang magagawa. Hindi mo ba naisip iyon?"
Her aunt was right. Pero ang masamang tao'y hindi sinasabi at nagbababala ng gagawin. At sa kasulok-sulukang bahagi ng puso niya'y hindi siya naniniwalang masamang tao si Karl.
"Maraming napapahamak na babae dahil puso at pang-ibabaw na atraksiyon ang ginawang basehan sa pagpapasya, Lorabelle," ani Tiya Lagring na tila nahuhulaan ang nasa isip niya.
****************Naku mga beshie, sundin n'yo ang payo ni Tiya Lagring para di tayo mapahawak, hindi dahil pogi o guwapo ay bibigay agad tayo char hahahaha, buti nlng nagpapakipot pa ako unti kaya hinahabol ako ng mga baby ko eh tulad ni baby Karl char hahahaha - Admin A ************
BINABASA MO ANG
Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks again...