MULA sa ingay ng engine motor ng speedboat at lagaslas ng tubig ay naririnig ni Lora ang ingay ng palapit na helicopter. Mula sa pagkakayupyop sa gilid ng speedboat ay nag-angat siya ng paningin.
Yes. It was a chopper.
She gave a hopeless sigh. Magliparan man ang mga eroplanong pandigma sa ibabaw ng dagat ay hindi sila papansinin ng mga iyon. Katunayan ay napakaraming mga bangkang de-motor silang nakakasalubong. But of course, no one would take notice. Lumalayo ang speedboat kapag may nakakasalubong.
Muli siyang yumupyop sa gilid ng yate. Alas-tres pasado na at kanina pa sila nakabilad sa araw. And that made her feel weak. Nanunuyo ang lalamunan niya. Uhaw na uhaw siya.
Si Nelson ay napatingala nang makitang mahina lang ang lipad ng helicopter. And it was hovering to and fro the waters. May ilang sandali itong paikot-ikot sa paligid, tila bawat bangka'y
—Biglang bumundol ang kaba sa dibdib nito. Itinodo ang bilis ng speedboat. It rocked.
Napaangat mula sa pagkakayupyop sa braso niya si Lora. Humawak nang mahigpit sa gilid ng yate. Luminga siya sa paligid... at sa itaas. Sa helicopter na hindi lumalayo. Nasa ibabaw iyon ng isang bangkang de-motor na kanina'y nakita niya sa malayo. Pagkuwa'y tumaas uli ang helicopter at umikot.
Nang matanaw niyang patungo naman sa kanila ang chopper ay umahon ang matinding kaba at pag-asa sa dibdib ni Lora. Halos tumatalon na sa tubig ang speedboat sa bilis nila. Subalit ang chopper ay higit na mabilis at hindi na nalalayo sa mababang lipad nito.
Binalanse niya ang sarili at tumayo. Itinaas ang mga kamay at sumigaw. "Help! Tulungan ninyo ako!"
"Lora, papatayin kita! Papatayin ko ang tatay mo!" si Nelson na poot siyang nilingon.
Patuloy sa mabilis na pagtakbo ang speedboat.
"THAT'S it!" hiyaw ni Karl nang makitang umangat mula sa speedboat ang isang pasaherong sakay nito. "Ibaba mo pa nang kaunti!" utos niya sa piloto. Inalis niya ang headphone at sumungaw. "Oh, god, it's Lora!
Sa pag-ikot ng chopper ay natanaw ni Lora si Karl na nakasungaw sa gilid ng chopper. Happiness flooded through her. Narinig siya ni Karl! Hindi siya pinabayaan nito. She was weeping as she waved to him.
"Karl!"
Mula sa megaphone ay umalingawngaw ang tinig ng isang lalaking katabi ng piloto. Pinahihinto nito ang speedboat.
Nag-aapoy ang mga matang nilingon ni Nelson si Lora na patuloy sa pagkaway at pagsigaw. Sa halip na takot na masusukol siya'y higit ang pagdaloy ng panibugho sa damdamin nito sa nakitang kasiyahan sa mukha ni Lora sa pagkakatingala sa lalaking iyon. Unti-unting humina ang takbo ng speedboat. Kasabay rin niyon ay ang paghugot nito ng baril mula sa baywang.
Mula sa itaas ay tila huminto sa pagtibok ang puso ni Karl sa nakitang ginawa ni Nelson. He shouted in panic. "Oh, no! Lora, look out!"
"Lora!" hiyaw ni Nelson, sabay taas ng baril.
Napalingon si Lora. Ni hindi niya nakuhang matakot. Nilamon ng ingay ng chopper ang putok ng baril ni Nelson. Lora swayed... napahawak sa gilid ng yate at pagkatapos ay bumagsak siya sa tubig.
Karl shouted her name. Kasabay niyon ay ang pagtalon nito sa tubig mula sa chopper.
Si Nelson ay manghang tinitigan ang baril sa kamay. Pagkatapos ay binitiwan ito. Wala sa sariling sumungaw sa tubig. Fear in his eyes nang makitang pumula ang tubig sa bahaging binagsakan ni Lora.
"L-Lora... H-hindi ko gustong gawin iyon. T-tinatakot lang kita... hindi kita sasaktan..."
Ni hindi na niya napuna ang dalawang palapit na speedboat sakay ang mga coast guards.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks again...