32

17.8K 537 41
                                    


"SEE FOR yourself," ani Iris kay Karl at itinuro ang mga larawang kuha ni Lora dito at sa yate nito. Humugot ng malalim na paghinga si Karl nang mapagmasdan ang mga larawan. Magkahalong pananabik at galit ang nag-uunahan sa dibdib niya. The photos reminded him of the way Lora made him looked like a fool. Subalit sa kabila ng lahat ng damdamin ay sumisingit ang paghanga sa mga gawa ng dalaga. She was very good.

"If only I could capture her on film. She would be my masterpiece!"

Masterpiece, yes. The ship was also his masterpiece. His pride and joy. Wala pa iyong isang taon mula nang matapos. He helped build the ship... designing her. And he haven't even thought of the name he would give her.

Subalit mula nang matuklasan niyang walang ipinagkaiba si Lora sa ibang mga babaeng nakilala nito ay hindi na siya muling tumuntong pa sa yate. Hindi niya kayang sumakay na muli at maglayag. Now the ship was anchored for more than three months now somewhere in the waters of Paso de Blas.

"Kung hindi mo sinabi ang tungkol sa pagkuha niya ng litrato sa yate ay hindi ko makikilalang ikaw ang mga iyan, Karl." Iris' voice drifted into his thoughts. "She was fantastic! And look at your ship. Traditionally, a ship is referred to as 'she.' Pero tingnan mo kung paano niya kinunan ng larawan? There was a masculine potency in the picture. At hindi lang niya basta kinunan ng larawan ang yate, Karl. Lora photographed your very soul!"

Tumiim ang mga bagang ni Karl. Pain and yearning sliced through his heart. Sa loob ng tatlong buwan, Lora haunted him. Walang gabing hindi nito inokupa ang buong pag-iisip niya. Walang umagang hindi ito ang unang pumapasok sa isip niya sa tuwing nagigising siya. If he ever had gotten a good night sleep.

Sa naniningkit na mga mata ay nilinga niya si Iris. "Damn it, Iris! Ito lang ba ang dahilan kung bakit kailangang sumuong ako sa traffic at mahuli sa meeting?" he asked angrily. Bumati si Lynette. Sandaling kumunot ang noo at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga photo at kay Karl.

Bahagya lang nginitian ni Iris si Lynette at humakbang papasok sa sulok ng booth habang hawak sa braso si Karl. "Look at that, Karl?" Itinuro nito ang isang kuwadradong salamin. At sa loob niyon ay ang botelya ng Chardonnay. Inside was its label and Karl's calling card.

Karl stiffened. "Iyan ang—"

"Precisely," sagot ni Iris. Nilingon si Lynette. "Nasaan si Lora? Sa kanya ang mga photograph na ito, hindi ba?"

"Yes, ma'am. Umalis ho sandali. She went out for lunch." Ngayo'y natiyak ni Lynette na si Karl ang modelo ng mga larawan. Tiningala nito ang binata. "You must be Karl," lakas-loob nitong sabi.

Karl turned to her. Surprised by the animosity in her voice. At bago pa siya makasagot ay dinugtungan ni Lynette ang sinabi.

"Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo rito. Unti-unti nang nakaka-recover si Lora sa ginawa mo sa kanya. I hope you will leave bago siya magbalik at makagawa ka ng panibagong damage sa damdamin niya..."

Tumikhim si Iris at nginitian si Lynette. "I understand your concern, Miss. Pero gusto kong itanong kung kanino ang laman ng glass na ito? This wine bottle and its contents?"

Karl waited impatiently for Lynette's answer. His heart hammered on his chest violently. Nagkamali ba siya ng pag-aakusa rito?

Tumingala si Lynette kay Karl at tumitig dito nang deretso. "My friend found that stupid bottle while fishing. Kept it and had met you at the same time. Never knowing that the man who owned the calling card was the same wrong man she fell in love with. She had six hours to kill before meeting you. Ang kuryosidad niya sa calling card at sa mensahe ang nagtulak sa kanyang palipasin ang anim na oras at magtungo sa opisina mo..."

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon