28

15.6K 533 30
                                    

NAGULAT pa si Lora nang paglabas niya sa darkroom ay nasa sala si Nelson at naghihintay.

"Hi," nakangiting bati nito at agad na tumayo. "Pinapasok ako ng Tiya Lagring mo."

"Maupo ka uli," wika niya. Lumakad patungo sa pang-isahang sofa na nasa kanan ng inuupuan ni Nelson.

At hindi pa siya nakakaupo nang husto'y inabot na ni Nelson ang kamay niya.

"How are you, Lora?" wika nito. "Tatlong linggo ka rin halos na naglagi ka sa Maynila. Kumusta ang seminar mo?"

"It went fine, Nelson," walang kabuhay-buhay niyang sagot.

She wondered how she had lasted three weeks in Manila. Siguro sa likod ng isip niya'y umaasa siyang tatawag sa hotel si Karl. O kung hindi man sa hotel ay sa teleponong iniwan nito sa kanya na hindi niya nagawang isauli. Pagkatapos ng seminar ay inanyayahan siya nina Glen at Lynette na sa bahay na ng kamag-anak ng una tumuloy at magpalipas pa nang dalawang linggo sa Maynila.

Gusto man niyang tumanggi ay minabuti niyang sumang-ayon na. Isa pa'y hindi papayag si Lynette na uuwi siya kaagad. Pangalawa, gusto niyang maubos ang mga luha niya bago siya umuwi sa kanila. Hindi niya gustong mag-alala ang ama at tiyahin.

Ang tiyahin ni Glen na isang matandang biyuda ay tuwang-tuwa pa nang dumating sila. At least daw ay may tatao sa bahay nito habang nasa Baguio ito.

Gabi-gabi ay umaasa siyang tatawag sa kanya si Karl. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya isinasauli ang cell phone nito. She could have returned it to him. Iwan iyon sa security guard upang ibigay rito. Subalit hindi niya ginawa. Iyon na lang ang link niya rito. Ang nagsisilbing alaala niya rito. She was sure she saw love and concern in his eyes when he left the phone to her.

At sa tatlong pagkakataon na tumawag sa kanya si Karl, bago siya lumuwas sa Maynila, bagaman hindi nito iniusal ang mga kataga, natitiyak niyang may damdamin ito sa kanya. It was in his voice... sa mga pahapyaw na salitang ginamit. At kahit noong araw na kunan niya ng larawan ang yate nito.

Or maybe it was only her imaginations working, iyon ang gusto niyang paniwalaan dahil mahal niya ito. Sabi ni Lynette, baka lalong isipin ni Karl na pinag-interesan niya ang cell phone nito kung hindi niya isasauli.

But surely Karl wouldn't think that of her. Pinunit na niya ang tsekeng pagalit nitong isiniksik sa bag niya.

One day... she would return the phone. When she was over him. And she was certain she'd forget him. But Karl had to wait in a million years or so.

"Hey!" Pinitik ni Nelson ang dalawang daliri sa harap ni Lora. "Ang layo ng nilalakbay ng isip mo, ah..."

Napakurap ang dalaga. Hinila ang kamay na hawak ng binata. "I'm sorry... ano na nga iyong sinasabi mo?"

"Ilang araw bago ka lumuwas sa Maynila'y may nakakita sa iyo sa pantalan n'yo, Lora," Nelson said impatiently. "Kinukunan mo ng litrato ang isang malaki at mataas na lalaki..." Sandaling tumiim ang mga bagang nito bago nagpatuloy. "Ang sabi ng nakakita'y magandang lalaki ito at walang suot na pang-itaas. And the boy even saw you in his arms..."

"Nelson..."

"At ang lalaking iyon ay muling nakita ng nagsumbong sa akin kinabukasan. I almost didn't make it here to see if it was true. Nasa loob na siya ng rented car nang dumating ako. Naroon lang ako sa kabila ng daan pero hindi mo ako nakita... Nakatuon ang buong pansin mo sa kanya."

Hindi makapagsalita si Lora sa akusasyon na nasa tinig ni Nelson.

"Sino at tagasaan ang lalaking iyon, Lora? Siya ba ang dahilan kung bakit bigla ka na lang nakipagkalas sa akin?"

"He modelled for me, Nelson." That, in a way was true. "Maliban doon ay hindi ko siya gustong ipakipag-usap sa iyo. Isa pa, kung ano mang malisya ang nakarating sa iyo, alam mong tapos na sa atin ang lahat. Tinapos mo..."

Nelson held his temper. Nagyuko ng ulo nang ilang sandali bago muling hinawakan ang kamay ni Lora at tumitig dito.

"I love you, Lora. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa iyo. Kung may nagawa man akong kasalanan ay humihingi ako ng tawad. Normal lamang iyon sa magkasintahan, 'di ba?"

"Hindi ko na matandaan kung ano ang ikinagalit ko sa iyo, Nelson." That at least was true. Ni hindi na niya matandaan kung ano ang ikinagalit niya rito. Ang buong kaisipan niya'y okupado ni Karl. At kung hindi niya nakita ngayon si Nelson ay ni hindi niya maiisip ito.

"Then we could start all over again, Lora. Parang walang nangyari. Kinukumusta ka nina Daddy at Mommy. Umaasa silang matutuloy pa rin ang kasal natin..."

Umiling siya. "I'm sorry, Nelson. Pero matagal ko nang natiyak sa sarili kong pagtinging kapatid lamang ang iniuukol ko sa iyo..."

Muling umigting ang mga bagang ni Nelson. "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mong iyan. You love me, Lora. Okay, nagkamali ako. But surely, I'm entitled to your forgiveness. Sinabi ko na sa daddy na hindi ako tatakbo sa darating na halalan..."

Isang payak na ngiti ang pinakawalan ni Lora. "Hindi mo kailangang gawin iyon, Nelson. Ikinalulungkot ko, pero hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat. May iniibig na akong iba..." Kung hindi nagpigil si Nelson ay baka naipakita na nito ang matinding galit at panibughong nararamdaman. Ilang beses itong humugot ng malalim na paghinga bago muling nagsalita.

"Hindi ko na aalamin kung sino ang bago mong pag-ibig, Lora. At hindi ako nawawalan ng pag-asang maibabalik ko ang dati mong pagtingin."

"Nelson, please. I don't want to give you false hope—"

"Huwag mo akong pigilin sa pagpunta ko rito, Lora. Dati tayong magkaibigan. Maaari namang magsimula tayong muli sa pagiging magkaibigan. Natitiyak kong hindi mo ipagkakait sa akin iyan." Tumayo na ito at humakbang patungo sa pinto. "Ipagpaalam mo na lang ako sa tiya mo." 


*************Hello mga beshie, ngayon ko lang naalala matapos ang anim na taon, mga year 2014 nung bago pa lang me sa FB, may nag-PM sa akin dati sabi magrole play ako ng mga characters sa KS tapos ang unang binigay sa akin ay kay Karl now ko lang naalala kasi name ni Lora ang password ko nun sa FB, sa mga nakilala ko nuon shoutout sa inyo char hahahaha kung hindi dahil sa inyo wala ako dito now.  Kaya pala malakas ang koneksyon namin ni bebe Karl kasi matindi ang aming nakaraan char hahahaha. -Admin A **************

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon