NAKATALIKOD sa kanya si Karl. Nakaharap sa madilim na karagatan at nakatukod ang mga braso sa railings. Maliban sa lagaslas ng tubig na sanhi ng pag-usad ng yate'y napakatahimik ng buong paligid.
Sinulyapan ni Lora ang mesa sa gilid ng deck kung saan nakahanda ang pagkain para sa dalawa. Sa gilid ng mesa ay isang electronic candelabra na kung hindi tititigang mabuti ay mukhang totoo. It generated enough light for two. At sa gitna, a tall crystal vase with a stem of yellow rose. It was a romantic setting that somehow, her heart missed a bit for a moment.
Naramdaman ni Karl ang presensiya niya. Pumihit ito at humarap sa kanya.
"Hi," she almost whispered.
"Hi yourself." He smiled faintly. Ang mga siko'y nakatukod sa rehas ng yate.
Si Lora ay hinagod ng tingin ang kaharap. Ang damit nito, a light blue turtle necked and long sleeved sweaters and soft blue jeans, clung to every line of tendon and sinew, outlining muscular shoulders and thighs. And his eyes were dark and deep they were like a sea without shore. Ang buhok nitong maingat na nakasuklay mula sa noo patungo sa likod ay bahagyang nagugulo sa haplos ng hanging-dagat.
He really was strikingly handsome.
"Paano mo nalamang hindi natin makakasama si Tiya Lagring sa hapunan?" Sinulyapan niya ang mesa sa dalawang pinggang nakahanda roon.
"Hindi ko alam. Nang lumabas ako sa deck ay nakahanda na ang mesa."
"George?" aniya.
Tumango si Karl at hindi niya maiwasang makadama ng disappointment. Deep inside her ay umaasa siyang may kinalaman si Karl sa romantikong pagkakaayos ng mesa.
"Where did that single rose came from?" Mula sa mesa'y nilinga niya ang karagatan. "Surely, walang tumutubong bulaklak sa gitna ng dagat?"
Karl laughed softly. "Get closer, it isn't real..."
"Oh." Another disappointment ran through her.
Humakbang palapit si Karl, and smoothly, his arm went around her and pulled her against him and planted a soft kiss on her mouth. Ikinabigla ni Lora ang halik na iyon at napatanga sandali.
"Don't be so disappointed," he said huskily, his breath was as caressing as sunlight on naked skin. "When we get to shore, I'll buy you dozens of real flowers. Roses, lily of the valleys, tulips—"
"Am—I... hmp... that transparent?" she stammered, ang init ng mga labi nito'y nararamdaman pa niya sa kanya. At ang braso nito'y nakapaikot pa rin sa katawan niya.
"Kasinlinaw ng tubig sa bahaging ito ng karagatan, Lorabelle," wika nito, his eyes turned a shade darker as he gazed at her lips.
Kumawala ang dalaga. Humakbang patungo sa mesa at kunwa'y sinuri ang hindi totoong bulaklak. Gawa iyon sa isang mamahalin at manipis na telang satin, in baby yellow. It was almost real... almost. Tulad din ng gabing ito. Tonight was fantasy... tulad din ng bulalakaw na biglang lumilitaw sa kalangitan at iglap ding naglalaho.
Ano ang mangyayari pagkatapos ng isang linggong paglalayag sa karagatan kasama ang pinakamisteryosong lalaking nasilayan niya sa buong buhay niya? Not to say the most handsome, too.
Saka na lang niya iisipin iyon. Let the devil take tomorrow.
"Matindi ang hilo ni Tiya Lagring..." She couldn't meet his eyes, alam niyang sinusundan nito ng tingin ang bawat galaw niya.
"I could guess," sagot ni Karl, a worried frown on his forehead. Lumapit at inalis ang cork sa bote ng champagne at sinalinan ang dalawang malalaking goblet. Ang laman ay halos hindi umabot sa ikaapat na bahagi ng kristal. "Hindi mo ba maipainom sa kanya ang tabletas na ibinigay ko sa iyo kanina?"
BINABASA MO ANG
Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks again...