"ANG SABI ko'y kung makikipagkita ka sa Karl na iyon sa pagluwas mong ito, Lora," malakas na sabi ni Gaudencio na nagpaangat ng paningin ni Lora mula sa malinaw na tubig.
"Ho? Ah... eh, hindi ko pa ho nakakausap si Karl, Itay. Kahapon pa walang signal ang cell phone. At hindi naman ho tumatawag pa si Karl. Tatawagan ko na lang siya pagdating ko sa hotel."
She had been trying to reach him since two days ago. Sa panahong magkasama sila'y hindi niya nabanggit ang tungkol sa pagluwas niya sa Maynila para sa seminar niya sa photography. Sa una'y hindi iyon mahalaga. An air of mystery. It was the name of the game they were both playing with from the start.
Pero hindi sila maaaring manatiling estranghero sa isa't isa sa itinatakbo ng pangyayari bago sila naghiwalay. She loved him. At bagaman hindi deretsahang sinasabi ni Karl ang mga salitang iyon ay nanghahawakan naman siya sa pangako nitong babalik. She believed and trusted him.
Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataong masabi kay Karl ang tungkol sa pagluwas niya. Sa loob ng apat na araw mula nang huli silang magkita ni Karl ay tatlong beses silang nagkausap. Parehong kay Karl nagmumula ang tawag at parehong sa gabi iyon kung saan natutulog na siya at nagigising sa tawag nito, which made her glorious. Matutulog siyang tinig ni Karl ang huling naririnig.
And though she could detect the interest and excitement in his voice, she could also hint fatigue. Siya na mismo ang tumatapos sa usapan, alam niyang pagod si Karl sa trabaho nito. Bukod pa sa pahapyaw nitong pagbanggit ng mga meeting.
At tiyak niyang magugulat si Karl kapag nalaman nitong nasa Maynila siya. "Ang sabi ng tiya mo'y magalang at well-behaved ang Karl na ito," muling pukaw ni Gaudencio sa pag-iisip ng anak. "At hindi raw kinakitaan ni Ate Lagring ng pakunwaring pakikiharap kahit na pinagsungitan niya. Ni hindi niya nahuling sumama ang mukha o na-bore man lang kaya tulad daw ng laging nakikita niya sa mukha ni Nelson kapag naroon siya at nakikisali sa usapan ninyo."
Napangiti si Lora, very much pleased. Her aunt gave a fair observation and comment. Well, of course, her aunt didn't know those stolen moments Karl and she had shared.
"Ganoon ma'y hindi natin lubusang kilala ang buong pagkatao ng lalaking ito, Lora," nag-aalalang muling sabi ni Gaudencio. "At kung magkikita kayo sa pagluwas mong ito, nangangamba akong baka ka mapahamak kung hindi man masaktan, anak."
"Ang tatay talaga, bakit naman ako mapapahamak at masasaktan? Isa pa, sabi n'yo nga ay mapangarapin ako... impulsive most of the times... pero wala pa akong ginagawang magdudulot ng kahihiyan sa inyo, Itay. And I wouldn't start now," paniniyak niya sa ama.
Hindi na umimik si Gaudencio at itinuon na ang paningin sa karagatan. Sa kaibuturan ng puso nito'y umaasang ganoon nga sana.
***********Sorry mga beshie, nakatulog kasi ako kanina at super sakit ng ulo ko feeling ko magkakasakit na naman ako kaya natulog muna ako. Pasensya na mga beshie feeling ko kailangan ko na ng milktea para lumakas ako char hahahaha. So ito na nga sa mga naghihintay ng update ito na. - Admin A ***********************
BINABASA MO ANG
Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks again...