27

15.9K 576 66
                                    


"KARL—"

"I'm a fool, Iris..." he said bitterly. "A complete fool!"

"You were harsh with her. Hindi kaya nagkakamali ka lang? Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya nang makita ka niya. She couldn't have faked that?"

"She's a good actress!" Ibinagsak niya sa mesa ang kuyom na mga kamay. "Don't let yourself be fooled. Nadaya niya ako!"


"But you couldn't fake pain, Karl. I saw it in her eyes. Bakit hindi mo siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag?"

"Nasa kanya ang lahat ng pagkakataong makapagpaliwanag. Wala siyang sinabi sa mga akusasyon ko sa kanya, hindi ba? Sa halip, pinakitaan niya ko na tila siya maiiyak. Why, she could make a stone cry." Puno ng kapaitan ang dibdib nito.

Si Iris ay hindi malaman ang sasabihin. Nang matuklasan ni Karl ang tunay na pagkatao ni Millie ay nagpuyos ito sa galit. It was his pride that was damaged most, not his heart. Subalit sa nakikita nito ngayon sa pamangkin, natitiyak ni Iris na puso ni Karl ang labis na napinsala.

And she didn't know how to console him. Tumaas ang dibdib ni Karl sa paghugot ng malalim na paghinga. "Tell the lawyers I would like to meet them earlier." His voice was void of emotion. His eyes were bleak and unyielding. Tinitigan ni Iris ang pamangkin subalit inabala na nitong muli ang sarili sa mga tseke at dokumentong pipirmahan. Humakbang ito patungo sa connecting door at tahimik na lumabas. Nang mawala sa silid si Iris ay huminto sa ginagawa si Karl. Sinapo ng mga palad ang mukha. 

Hindi niya matiyak kung kaya niya ang sakit ng dibdib na nararamdaman niya. Dahil kung babalik si Lora at humingi ng tawad sa kanya, hindi niya maipapangakong hindi niya ito patatawarin.

Kaninang tumakbo palabas si Lora, gusto niyang habulin. Gusto niyang sabihin ditong sana'y hindi na lang ito nagpunta sa building. Sana'y patuloy na lang siyang pinaniwalang hindi siya nito kilalang totoo. Sana'y patuloy na lang itong nagkunwari.

God, he loved her. And he was willing to give her the world. And his name.

With a pain in his heart, binuksan niya ang harapang drawer. Mula roon ay kinuha ang isang cajeta. Habang patungo siya sa meeting kahapon ay inutusan niya ang sekretarya na tawagan ang isang kilalang jewelry store sa Makati. Kinausap niya ang manager upang magpadala ng iba't ibang klaseng engagement ring first hour in the morning, sa Penthouse.

Binuksan niya ang cajeta at natambad ang isang white gold tiffany. Hindi iyon galing ng Paris o sa Italy o sa alinmang foreign jeweler. Isang kilatis lang ang bato at hindi mangangalahati ang halaga sa mga alahas na ipinagkaloob niya sa mga ibang babaeng nagdaan sa buhay niya.

But he personally, carefully chosed the ring. At it came from his heart. Something he had never done before. At idinikta ng puso niyang iyon din mismo ang gugustuhin ni Lora kung sakaling kasama niya itong pumili.

Sweet, innocent and lovely Lorabelle.

But he guessed he was wrong.

Damn her. Damn her. Damn her.

Kinuyumos ng kamay niya ang jewelry box at ubos-lakas iyong inihagis sa isang bahagi ng dingding.

SA DILIM ng silid ay bumangon si Lynette at lumipat sa kabilang single bed. Naupo sa gilid niyon at banayad na hinawakan sa balikat si Lora na nakadapa sa unan niya.

"Hindi ako tulog, Lora," banayad nitong sabi. "Tulad din ng hindi ako tulog kagabi nang mag-iiyak ka sa buong magdamag."

"I–I'm sorry... kung napuyat kita," she sobbed.

"Hindi mo ako napuyat. Kagabi ko pa gustong magtanong kung bakit biglang-bigla'y nagkakaganyan ka. You were so excited about this seminar. You were so happy when you left the hotel yesterday morning. At hindi ko sana gustong magtanong. Pero magkakasakit ka sa ginagawa mong iyon. Halos hindi ka kumain kagabi sa induction party. Hindi ka nag-almusal kanina at pinaglaruan mo lang ang tanghalian at hapunan natin." Lora's hands clutched the soft pillow and cried even more.

"Nakahanda akong makinig, friend... it could take off the burden a little."

"Pagtatawanan mo ako..."

"Try me."

"Naalala mo iyong sinabi ko sa iyong botelya na may lamang mensahe at calling card?" Tumango si Lynette. Inabot ni Lora ang night lamp at sa pagitan ng marahang paghikbi'y sinabi kay Lynette ang buong pangyayari.

"He owned a ship at nasa laot," ani Lynette. "Hindi coincidence ang nangyari, Lora. Nagkataong ikaw ang nakakita sa botelya. Sa palagay mo ba'y ang Karl na ito rin ang gumawa ng mensaheng iyon sa bote na inihagis sa dagat?

"I will never know that," she answered with a sob. "At hindi ko siya naiintindihan, Lyn. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya maliban sa pakiramdam ko'y gusto niya akong saktan sa matinding galit."

Huminga nang malalim si Lynette. "Siguro'y nabigla siya at hindi niya gusto ang pangyayaring nagpunta ka sa opisina niya. Kahit na nga ba hindi mo alam na ang Karl na nakasama mo sa laot at ang Karl na nakalagay sa calling card ay iisa."

"But why? Bakit basta na lang siya nagalit? In fact, it wasn't anger. It was hatred I saw in his eyes..." She didn't add the pain that she saw, dahil hindi siya sigurado roon. Umiling si Lynette. "Hindi ko kayang sagutin iyan, Lora. Lahat ay magiging suposisyon lamang. Maaaring hindi niya gustong matuklasan mo ang totoo niyang pagkatao. Maybe he wasn't that serious about the relationship. Did he tell you he loved you?"

Umiling si Lora. "Not in so many words. But... Oh, Lyn." Hindi niya gustong sabihin sa kaibigan na bagaman hindi hantarang inamin ni Karl na may pagtingin ito sa kanya, she could feel it in her heart that he did care for her, too.

"You're young, gullible. At nagkagalit lang kayo ng boyfriend mo. And men like him eat young women like you for breakfast. At gusto niyang manatiling laro lamang ang relasyon ninyo. Then leave you with a brokenheart in the end. Magpasalamat ka na lang at hindi pa ganoon kalalim ang damdamin mo sa kanya. Higit kang masasaktan..."

May higit pa ba sa sakit na nararamdaman niya sa sandaling iyon? At gaano ba kalalim ang malalim na damdamin? She was dying inside. Kung tutuusin ay gusto niyang matulog at huwag na lang magising sa kinabukasan.

"Kinakabahan akong mapapahamak ka o masaktan, anak..." Her father was right. Tila may premonition na ito sa mangyayari sa kanya sa pagluwas niyang ito.

"It was my fault," wika niya makalipas ang ilang sandali. "Dapat ay noon ko pa itinapon ang card na iyon. Dapat ay sinunod ko ang sinabi mong ihagis iyon sa trash bin. Sana'y hindi nangyari ito. Sana'y masaya kaming nagkita kahapon..."

"At manatiling nadadaya?" She cried again.

Huminga nang malalim si Lynette. "May baon akong sleeping pills. Kailangan ko iyon sa uri ng trabaho ko. You can take half the tablet. It would make you sleep..."

"If I could overdose with—" She stopped. Napatitig kay Lynette. Gustong mapahiya sa sarili. It would be selfishness on her part. She should not even think about it. So nasaktan siya. Pero dapat bang saktan niya rin ang itay niya? Ang Tiya Lagring niya? Lynette smiled, puno ng pang-unawa. Lora smiled back between tears.

"Thanks, I won't be needing it."

"Good. Tinakot mo ako sandali roon," ani Lynette na tumayo na at lumipat sa kabilang kama. "

Sa ating dalawa, ikaw ang mas sensible, Lora. Sa maraming pagkakataon ay naiinggit ako sa iyo. While I hopped from one boyfriend to another, nanatili kang chaste at determinado. Keep it up, friend. Another love will come along, someone very special. Wish from your star. You've been doing that since time immemorial..."

Hindi siya sumagot. Inabot niya ang night lamp at pinatay iyon. If she would try very hard, she could sleep and forget Karl. 



*******************Mahirap talaga makalimot Lora, ako nga di ko alam paano ako nakalimutan ni Karl char hahahaha. In God's perfect time na lang Lora gagaling din ang iyong pusong sawi. Kumusta mga beshie? Kawawa naman si Lora nohhh. - Admin A ***********

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon