Prologue

47.5K 831 183
                                    


"HEY!" ani Iris, napatabing bigla. Tuloy-tuloy sa paglakad ang nakasimangot na si Krista at kung hindi siya umiwas ay tiyak na magkakabungguan sila.

Sinundan ng tingin ni Iris ang socialite na pumanhik patungo sa upper deck ng yate kung saan naroon ang iilan at piling mga panauhin nito, pawang mga nabibilang sa alta-sosyedad. It was Krista's twenty-seventh birthday at ginanap ang selebrasyon sa yate ni Karl.

Nang mawala sa paningin ni Iris si Krista ay sinulyapan nito ang pamangkin na nakatalikod, nasa railings at nakatanaw sa malawak na karagatan. Sa kamay ay kopita na may lamang white wine. Humakbang si Iris patungo sa dulo ng upper deck kung saan naroon ang dalawang puting lounging chair at isang mesa na yari sa fiberglass. Sa ibabaw niyon ay ang bote ng Chardonnay.

"Bad day for Krista, huh..." Naupo siya sa lounging chair. Inabot ang cigarette case at gold lighter sa mesa na natitiyak niyang naiwan ni Krista. Nagsindi ng sigarilyo.

"Alam ba ni Wesley na naninigarilyo ka?" Ang tinutukoy ni Karl ay ang asawa nitong Amerikano na nasa Israel para sa seminar ng mga endocrinologist. "You know that's bad for your heart, Iris," ani Karl na kumunot ang noo sa pagkakatitig sa sigarilyong sinindihan ni Iris.

"What was that all about? Shall I expect a reconciliation bago tayo dumaong sa Batangas o isa na namang anak ni Eva ang pinaiyak mo?" patuloy ni Iris na tila hindi nagsalita si Karl, puff the cigarette and blew the smoke heavenward. At nang tangkang agawin ng binata ang sigarilyo sa kamay niya'y ibinaba niya iyon sa ashtray at pinatay.

"Hindi mo na ako sinagot..." Sinuklay ng mga daliri ni Karl ang buhok patalikod. "Gusto niyang ianunsiyo ko ang engagement namin sa mga bisita ngayon..."

"I expected that, too. Siya ang pinakamatagal mong girlfriend, three months kung hindi ako nagkakamali. At hindi kaila sa aking ipinamalita ni Krista sa lahat na pinag-uusapan na ninyo ang tungkol sa kasal. Kung hindi kita kilala'y muntik na akong maniwala sa kanya." Her voice sounded amuse.

One corner of his mouth twisted upward in a sarcastic smile. "Tulad din ng ibang mga babaeng nakilala ko, Iris. It was obvious that she wanted to marry me for my money..."

"Stop being a cynic, Karl!" ani Iris na kumunot ang noo. "I can't even tell if you're being arrogantly humble or you are underestimating the attraction you have with women..."

"Hmm. Arrogantly humble..." Inulit nito ang ginamit na salita ni Iris. "Isn't that a contradiction?" Then he smiled drily. "And talking about my attraction, mas malakas makahatak ng atraksiyon ang pera, my dear aunt."

Ilang sandali ang pinalipas ni Iris bago dinugtungan ang sinabi. "Kailangan mo ng pamilya, Karl... ng anak... tulad ng mga pinsan mo."

Inubos ni Karl ang laman ng kopita at tinanaw ang malawak at madilim na karagatan. Sa dako roon ay tila alitaptap ang mga ilaw. Hindi sila napakalayo mula sa Batangas shore. Then in a soft and bitter voice, "I had enough betrayals to last me a lifetime."

"Dalawang taon na ang nakalipas magmula nang mangyari iyon, Karl. Bakit hindi mo ibaon sa limot? Give yourself another chance, puntahan mo si Krista at ianunsiyo ang engagement n'yo. You couldn't have known na pera mo lang ang gusto niya. Galing din siya sa may sinasabing pamilya—"

"Na ang negosyo'y pabagsak at nangangailangan ng aking salapi para maisalba," agap nito sa matabang na tinig.

"So she also wants your money, you have more than enough, Karl! Hindi mababawasan ang pera mo kung saka-sakali. At ang isusukli naman ni Krista sa iyo'y kaligayahan ng isang pamilya."

"Well, I couldn't be so sure about that, too..." Napailing si Iris. "And that is the price you have to pay for having so much... Ang mga Cervantes at Fortalejo ay hindi tulad ng ibang may sinasabing pamilya na kung saan ang pag-aasawahan ay arranged at kung minsan ay isa sa mga distant cousin ang pinipili upang ang kayamanan ay mapanatiling nasa pamilya lamang. You are all allowed to marry the woman and man of your choice..."

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon