Did you mean to say it? Para lumayo ang loob ko sayo? Para di na ko umasa? Meron na ba talaga? Aish ano ba naman yan Yve syempre dalawang taon kayong di nagkita ulit natural nakahanap at nakakilala na iyon ng mas seksi at maganda at mas better keysa sayo.
I am on my way sa classroom ng next sub ko. Di pa tapos lunch break pero gusto ko nalang mauna sa room. Wala akong ibang mapuntahan eh. Frank and Chelsey have classes right now so iidlip nalang siguro ako sa classroom.
"Hilaw!" napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko.
Isang tao lang naman ang tumatawag sakin ng Hilaw. -,-
"Oh ano nanaman? Could you stop calling me that?" pagtataray ko sa kanya nang makalapit siya sakin.
"Mas bagay kasi sa maputla mong katawan pakealam mo ba?" Sagot nya.
"Tinawag mo lang ba ako para mag asar? Pwede ba wala akong panahon dyan" Tsaka ko siya pinandilatan. Akmang tatalikuran ko na siya ng bigla niyang hawakan yung wrist ko at hinila kung saan.
-------
"Hoy bakulaw aray ko naman san ba tayo pupunta?Pagod na ko" Hinihingal kong tanong sa kanya.
Hawak hawak niya pa din wrist ko. Umaakyat kami ngayon sa di matapos tapos na hagdan. Kainis to sakit na ng paa at kamay ko. Huminto naman kami sa sulok tsaka niya binitawan ang kamay ko.
"Sorry. Kaya mo pa ba?" Tanong niya habang kinakamot batok niya.
"At tinatanong mo talaga ako niyan? San ba kasi tayo pupunta?" Naiirita kong tanong sa kaniya. Tumalikod naman siya sa akin.
"Sakay."
Wala akong ginawa at sinabi. Pinag taasan ko lang siya ng kilay.
"Sakay na Yve kala ko ba pagod ka na? Buhatin kita bilisan mo"
Napalunok ako bigla sa sinabi niya. Tama ba yung narinig ko?
-------
So at the moment eto nga karga karga ako ni Markus papunta pala kami ng rooftop. Ewan ko sa lokong to bakit kelangan niya pa akong dalhin sa rooftop. Tch. Nagpabuhat na din ako kasi wala akong choice noh! Choosy pa ba ako e angv sakit na ng paa ko?
Habang karga niya ko diko maiwasang tignan yung mukha niya. In fairness gwapo pala talaga tong kumag na to. Ang tangos ng ilong, medyo makapal yung kilay tas dagdag mo pa yung long and curved lashes nya tsaka brown eyes tapos yung lips--- di deadma yon di iyon kasali pero over all description ko sa kanya is I can't deny the fact that he's totally hot.
"Matunaw na ko nyan Yve" Bulong nya tsaka kami nakarating sa rooftop.
Agad naman akong bumaba at nag iwas ng tingin. Diko maiwasang mailang sa kanya pagkatapos ng ginawa ko kanina. Medyo tahimik muna kami ng ilang segundo tsaka ako nagsalita.
"Uhm Bat mo ba ako dinala dito?" I asked him habang nakatingin sa kawalan.
"I just want to say sorry in behalf of Peter" He said at tsaka nilagay ang mga kamay nya sa kaniyang bulsa.
"Ganon? tas pinagod mo ko at yung sarili mo para don lang?" I asked him and he smirked.
"Di ka ba marunong mang appreciate? " anito.
Tinignan ko naman siya tsaka nagsalita ulit. "I appreciate it Markus, Thank you pero di mo naman kelangan mag sorry kasi di naman ikaw yung nagsabi sakin ng mga salitang iyon. Alam mo di bagay sayo maging dramatic. " Saad ko na may halong pang aasar sa kaniya.
A month and a couple of weeks with this guy together with Team Roxas sanay ako na siya lagi yung mukha ng kaligayahan sa grupo. Markus always jokes a lot. Hyper siya na sometimes parang maiisip ko nalang na may saltik ata siya sa utak. If im not inlove with Peter? Siguro mag kaka gusto ako sa kumag na to. Speaking of Peter agad namang nasagi sa isip ko na mag tanong kay Markus about him.
BINABASA MO ANG
I Love You 3000
RomanceIsang babae at lalaking pinagtagpo ilang taon ang nakaraan. Dating masaya at nagmamahalan ngunit sinubok ng tadhana at pinaghiwalay ng mundo. Maibalik kaya nila ang dating pagmamahalan at ang dating saya na natamasa sa kanilang pagkikitang muli? o...