*Changes*
Sa pagbalik ng ulirat ko ay bumungad sa akin ang lamig ng tubig. Dahan-dahan akong dumilat, laking gulat kong mas malinaw ang nakikita ko, marahas akong napapikit dahil sa sakit ng tainga, rinig na rinig ko ang mga ingay ng kuliglig.
Maingat akong umahon at humarap sa salamin. Ilang beses akong kumurap upang siguraduhing tama ang nakikita ko.
Wala sa sariling napahawak sa muka ko, mas lalo akong pumutla, namula ang labi at higit sa lahat nagbago ang kulay ng mata ko. Purong itim, kahit ang gilid nito.
Napatingin ako sa buhok ko, mas lalo itong umitim at napahawak ako sa ilang hibla ng ibang kulay, bakit pula ito? May ilang hibla na kulay pula.
Bumaba ang tingin ko sa kabuuang katawan. Mas nadagdagan ang laki ng harapan at pwetan.
Naamoy ko ang hangin, amoy basang kahoy at patay na dahon. Nakakapanibago.
Anong nangyari sakin?
Yon ba ang volutismo?
Pero katorse pa lamang ako, hindi ba't kinse ang sabi ni Tanda na tamang pagsapit ng volutismo?
Kahit naguguluhan ay napagpasyahan kong magbihis at magtungo sa kusina para kumain. Habang nakatingin sa apoy na iniinit ang gatas na nakuha ko kahapon. Malinaw sa alaala ko ang naganap kagabi.
Nahawakan ko ang apoy sa palad ko. At ang itim ng usok, anong ibig sabihin nito?
Totoo ngang element user ako, fire element ngunit may halong itim na usok? Ano ito? Pilit kong winaksi ang mga agam-agam at tahimik na uminom ng gatas.
Kadarating ko lamang, ilang hindi kapanipaniwala na ang naganap. Hindi ko maiwasang matakot.
Kahit ano pa man ito, patunay pa rin ito na na may kapangyarihan na ako. Kapangyarihan na tutulong sa akin sa pagharap sa bagong mundo. Kahit nakakagulat tama lamang na matuwa ako.
Isa itong magandang regalo para sa akin. Kakayanin ko ng lumaban para sa sarili ko. Tumayo ako ng may ngiti sa labi, buo ang loob at determinado.
Kinuha ko ang itim na kapa, binili ko ito kahapon sa pamilihan. Paglabas ko sa pinto ay tumingin ako sa baba, walang takot akong tumalon at maayos akong nakababa.
Solid ang pagkakaapak ko sa lupa, sa unahan ang kanan at sa likod ang kaliwa at napahawak ang isa kong kamay sa lupa. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin saka pumikit.
Rinig na rinig ko ang bawat galaw sa paligid. Sa amoy nito, tukoy ko ang uri nito. Isang kuneho sa kaliwa at isang maliit na ibon sa itaas bandang norte. May nanginginaing usa sa bandang kanan.
Unang gumalaw ang kunehu automation gumalaw ang katawan ko para habulin ito, ngunit nagulat ako sa bilis ko at agad na tumigil ngunit hindi ko na balanse ang katawan ko at tuluy-tuloy akong bumangga sa puno.
Nanlalaki ang mata habang sinusuri ang katawan ko, 'di mapigilan ang mangha sa kakayahan ko.
Agad akong napalingon sa gawi ng usa, mabilis akong tumakbo papunta sa lokasyon nito. Hindi ko gaanong kontrolado ang takbo ko kaya minabuti kong hinaan ng kaunti.
Tahimik akong sumilip sa usa galing sa likod ng puno na pinagtataguan ko. Maingat kong tinutuk sa kanya ang pana. Ramdam kong mas malakas ito kumpara sa dati.
Pagbitaw ko nito ay napalingon ang usa at mabilis na kumaripas ng takbo, nadaplisan ito ngunit hindi critical ang tama. Hindi ko inasahan ang inis at galit na nararamdaman ko. Sa biglaang pagbugso ng damdamin ay nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Villain
FantasyBeing a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.