Chapter 27: Angel

3.6K 144 0
                                        

Chapter 27:Angel

"Ako nagsabi na magtapat na siya." Dahan-dahan itong lumingon sa akin.

"Alam mo?"

"Noon nagdududa lamabg ako pero nang malaman kong possibleng kalahating mago ka ay mas lumakas ang duda ko. Pagdating natin dito kahapon ay pumunta ako sa kanya para kumpirmahin," paliwanag ko. Ngunit nakikita ko ang pamumula ng ilong niya, patunay na nagpipigil itong lumuha. Tupid itong tumango bago nag-iwas ng tingin.

"Alam mong tumatakbo ang oras Eve, wag mo na sanang sayangin "

"Alam ko, kailangan ko lang ng konting panahon," mahina nitong sagot habang nagbubunot ng damo.

"Magsisimula na tayo ngayon, nakapamili na ba sila ng mga kailangan nila?"

"Syempre naman mayaman tayo eh," pinilit nitong siglahan ang boses niya, kaya ngumiti na lamang rin ako.

Nagdala kami ng maraming ginto galing sa bahay ni tanda. Marami aking utang sa kanya kung tutuosin.

"Tawagin mo si Yohan at mga kasama niya."

"YOHAN!!" at sininyasan n'ya si Yohan n lumapit. Agad namang lumapit ang mga ito.

"Alam niyong hindi marunong makipalaban sina ang mga babae. Kaya n'yo bang maging trainor?" Napansin ko agad ang pagngiti ni Jared.

"Sabi ko na nga ba," mahina nitong saad.

"Ngayon na?" tanong ni Mark.

"Wala ng oras kailangan nating magmadali."

Tumingin ako kubo kung saan sina Ali kasama nila si Bary ang goblin na nakita namin kanina, "Magsisimula na," kahit hindi sumigaw rinig niya ako.

Nagtipon kami sa gitna ng kapatagan, hindi alintana ang mataas na sikat ng araw.

Nahati kami sa dalawang grupo, ako at sa likod ko ang grupo ni Yohan habang kaharap ko si Ali at ang mga Elemental Halfblood. Umatras ako at binigyan si Yohan ng lugar.

"MAGANDANG ARAW SA ATING LAHAT, ALAM KONG HINDI MAAYOS ANG UMPISA  NATIN, SANA AY ISANTABI NATIN ANG ATING ALITAN. DAHIL KAMI ANG NAATASAN NA SANAYIN KAYO SA PAKIKIPAGLABAN." Malakas na saad ni Yohan. Wala niisa ang umimik.

"AKO SI YOHAN"

"BLAZE,"

"BRYLE,"

"MARK,"

"JARED," pagpapakilala nila. Bumuo kami ng dalawang linya na magkaharap sa isa't-isa.

Kaharap ko si Linsay, si Eve at ang goblin, si Jared at Brook, Blaze at Rex, Bryle at Waver, Mark at Frost, Yohan at Ali.

Mga attribute user sina Yohan kaya paggamit ng sandata lang ang maitutulong nila sa ngayon. Nakilala na nila ang goblin ni Ali at gusto nya raw sumali. Kaya hinayaan ko na lamang.

Sininyasan ko si Linsay na sumunod.

Naghanap na rin ang iba ng kanya kanyang pwesto. Ngayon ay susubukan namin ang lakas nila.

Gamit ang espada ko ay bigla ko siyang sinugod at tumakbo s'ya. Napabuntong hininga ako at napailing.

"Tatakbo ka na lang?"

"Hindi ka naman Kasi nagsasabi kaya nagulat ako," mahinahon niyang sagot.

"Hindi nagpapaalam ang kalaban kung susugud s'ya." Napayuko lamang ito ngunit mariin ko ito tinitigan.

"Natatakot ka ba?"

"Oo,"

"Sa ano?"

"Natatakot ako sa kung anong mangyari sa atin sa hinaharap."

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon