Chapter 26: Comrade

3.3K 157 4
                                    

Chapter 26: Comrade

"Anong ginagawa n'yo  dito?" gulat kong tanong, nakatayo sa harap ko ang grupo ni Yohan.

"Sinundan namin kayo," sagot nito. Ngunit nanatili pa ring nakakunot ang noo ko.

"Kumusta ang mission n'yo?" tanong ni Mark at lumapit sa akin, kinuha niya ang bag na hawak ko at siya ang nagdala. Binuhat naman nina Blaze at Bryle ang baul na nasa paanan ko.

"Walang mission, balak nilang patayin kami?" sagot ko.

"Sinasabi ko na nga ba, may masamang nangyari," rinig kong usal ni Jared.

"Ayus lang ba kayong lahat?" tanong ni Yohan.

"Ayus lang kami kaya kailangan n'yo ng bumalik sa sentro baka madamay pa kayo."

"Hindi, pinangako namin na magiging kapanalig mo kahit anong mangyari." Sagot ni Yohan at ganoon din ang iba.

"At nandon kami kung nasaan ka," dugtong ni Bryle.

"Pinag-iinitan din naman kami doon baka ipapatay na rin kami. " sabi rin ni Mark.

Malalaki ang katawan nila at perpekto sila bilang mga sundalo kung hindi sila naligaw ng landas. Marami silang karanasan sa bakbakan Kaya malaki ang maitutulong nila.

"Tingnan natin kung anong maitutulong n'yo." Sagot ko at lumabas sa bahay ni Tanda. Kinuha ko ang mga gamit niya na magagamit namin sa pagsasanay.

Naglakad na kami pabalik sa patag kung saan ako nagsanay.

"Nandito pala kayo," dumating bigla si Ali.

"Kinagagalak kong makita ka, Volt," bati ni Yohan dito. Kahit hindi ko tanongin, alam kong hindu sila komportable sa isa't-isa. Minabuti kong magsimula ulit sa paglalakad, naramdaman ko namang tumabi si Ali sa akin sa paglalakad.

"Nasaan sila?" tanong ko rito.

"Nagpunta sila sa bayan," saglit akong natigilan at kunot noong nilingon ito.

"Silang lahat? Kasama si Eve?" gulo ang mangyayari sa bayan kapag nagkaganoon.

"Kasama nila si Allan at Ralf," kahit naman may kasama si Eve walang makakapigil do'n.

"Anong laman ng baul na 'yan?" tanong nito.

"Mga sandata," ngunit sabay kaming napatigil lahat. May narinig kaming mahihinang hagulgol ng maliit ng boses.

Pagtingin ko ay isa itong maliit na nilalang. Kulay tsokolate ang balat, mahaba ang buhok. Patulis ang dalawang tainga kakaiba ang kamay.

Isang Goblin? Sumunod si Ali sa akin at lumingon ang Goblin sa amin. Mabilis itong tumakbo papalapit kaya mabilis kong inilabas ang espada ko.

Ngunit yumakap ito sa binti ni Ali, malakas pa ulit itong humagulgol. Nagkatinginan kami ni Ali.

Labis ang pagtataka ng muka nito

'Anong gagawin ko dito?' narinig ko ang boses nito sa utak ko. Gulat man ay pinili kong isantabi.

'Hindi ko alam,' sagot ko. Bakit naman ito biglang yayakap kay Ali. 'Dalhin mo,' mabilis akong lumakad paalis at tinungo ang kapatagan.

Pagdating namin sa patag ay ganon pa rin ito kung paano ko ito iniwan. May maliit na kubo kung saan ako nagpapahinga noon. Ang malawak na kapatagan na lagi kung iniikot noon.

"Naalala ko, wala pa kayong matutuluyan, " nilapag nila ang baul sa lupa at nilibot ng tingin ang buong paligid.

"Pwede na dito para na rin batayan ang mga gamit dito," si Jared ang sumagot habang sinisipat ang paligid. Si Jared ang nagsisilbing kanang kamay ni Yohan, pinagkakatiwalaan siya nito sa pagdedesisyon.

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon