Chapter 15: Tanda

4.7K 221 9
                                        


Sa pagdaan ng mga araw ay mas naging makulit si Eve lagi siyang bumababa sa bayan para mamili ng kong ano-ano.

Hindi ko naman siya pinagbabawalan dahil tinuruan ko siya paano lumaban gamit ang pana.

Sumasama narin siya sa pangangaso. Marami narin siyang mga kaibigan sa bayan. Habang patuloy lang ako sa pagsasanay.

Madalas niya ring binibisita si tanda, tatang nga ang tawag niya dito. Mas naging malapit din sila.

Kinagigiliwan si Eve ng buong bayan dahil sa angking bait at ganda niya. Kahit pinalaki siyang mabait ay natural parin sa mga fairy ang pagiging mabangis kaya kapag naiisin siya ay nakakapatay.

Hindi rin siya madaling maawa, normal lang sa kanya ang pumatay. Kaya tinuturing din siyang tagapaglitas dahil takot sa kanya ang mga kawal ng kaharian.

Napakasipag din niya, siya ang naglilinis ng bahay at namimili ng mga kailangan namin sa bahay. Nauutosan ko rin siya. Kaya masaya ako ng dumating si Eve sa akin.

Naglalakad kami ngayon sa gubat para mangaso habang nasa balikat ko si Drake.

"May narinig ako banda roon sa norte." Saad nito, malakas kasi ang pandinig niya. Tumakbo siya papunta doon at sumunog kami.

May nakita kaming lalaking mago na may kalabang lubo. Mabilis na pinana ni Eve ang mago sa likod nakaiwas ito pero nabitawan ng mago ang lubo at tumakbo ito palayo.

"Lumabas ka!" sigaw ng mago. Tumingin si Eve sa akin na parang nagpapaalam kaya tumango ako.

May tiwala ko kay Eve dahil magaling naman talaga siya bukod sa likas nila ang pagiging magaling sa pakikipaglaban ay pursigido siyang matatoto.

Nangmakita siya ng mago ay natawa ito. "Anong ginagawa ng maliit na bata rito nag lalaro?" nakangising sabi nito.

"Anong ginagawa ng unggoy dito nanginginain?" Kahit magalang ito ay natutunan niya kay Frey ang pagiging maldita at ni minsan ay hindi na siya umiyak kapag nasasaktan bagkos ay lalo iton tumatapang.

Alam kong si Frey ang nag iimpluwensya sa kanya. Sumama ang muka ng lalaki.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo bata, mabuti pa ay umuwi ka na, hindi na lang kita sisinggilin sa ginawa mo."

"Bakit kita sususundin?" pang asar na sabi ni Eve.

Nainis na ang lalaki at binato niya ng kutsilyo si Eve tumalon naman si Eve paitaas para iwasan ito. At mabilis siyang bumawi pinana niya ang lalaki sa balikat bago siya makabalik sa lupa.

Hindi ito inasahan ng lalaki kaya hindi nya ito naiwasan.

"Ginagalit mo talaga ako bata!" ngumising pang-asar si Eve. Gamit ang espada ay sinugod niya si Eve at madali niya itong naiwasan.

Nanggagalaiti ang lalaki kaya sa dala ng galit ay hindi na niya na isip ang ginagawa niya. Nang makahanap ng tyempo ay lumosot si Eve at tumalon ng mataas at sa likod na ng lalaki siya lumanding at agad sinaksak ang lalaki gamit ang palaso.

Matibay ang lalaki kaya kahit duguan ay mabilis niya ulit inataki si Eve gamit ang espada at sinasangga naman nya ito gamit ang pana niya.

Matibay rin ang pana niya dahil galing ito mismo sa magaling na mangkukulam sa bayan kung saan ko binili ang mga gamit pangkubli ni Eve. At napansin kong makapangyarihan din ito.

Nagpatuloy ang laban hanggang nahuli ni Eve ang espada nito mabilis niyang pinilipit ang kamay nito patalikod at nabitawan ng lalaki ang espada niya. Gamit ang espada ng lalaki ay sinaksak siya ni Eve.

"Magaling siya kaya natagalan ako matibay din," saad nito sa akin ngunit tinapik ko lamang ang balikat nito.

"Mas gumaling ka ngayon,nag-eensayo kaba kahit wala ako?"

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon