Chapter 46:Day Two

2K 79 0
                                        

Chapter 46: Day Two
Third POV
Walang tigil ang labanan, mula umaga hanggang abutin ng gabi at inumaga, pinili nga iba na magpahinga. Naging salitan ang paglabas para pigilan ang mga Malo habang nagpapahinga ang iba. Nakita ng lahat na hindi man bihasa sa pakikipaglaban ang mga malo ay sadyang mas marami sila. Kaya minabuti ni Severus ang paglusob ng maaga para ubusin ang lakas nila at kapag lahat ay napagaod na ay saka sila lulusob.

Mahirap man sa kanila ang ipikit ang mga mata habang may nagaganap na kaguluhan at hindi makatulog sa dami ng iniisip, pilit nilang pinalipas ang oras.

Habang si Brook ay nanatiling gising ang diwa habang iniisip kung nasaan si Ash, hanggang hinigop siya ng kung anong lakas at dinala siya ng kaninang imahinasyon sa isang tagpu.

Si Ash na nakaupo sa upuan, nakagapos at may nakatayo na babae sa likod niya, isang babae na kulay puti at nagliliwanag sa kadiliman. Maamo ang mukat at berde ang mga mata, buong katawan niya ay puti mula sa suot, kutis, buhok at kahit pilik mata. Narinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.

‘Ako, ano kayang mission ko?’ bigla niyang tanong sa kanyang sarili. Bilang isang Seer napakalaking responsibilidad ito para sa kanya.  Nagtaka rin ito kung bakit nakagapos si Ash. Saka siya nakapag-isip.

Tahimik na nanalanging na sana ay huwag na si Ash lumaban sa digmaan, bukod sa tunay itong malakas, alam niya na hindi niya kayang laban ang kaniyang konsensya at pagmamahal niya sa kaniyang kaibigan.

Sa maikling panahon na nakasama niya ang kaniyang mga kagrupo, labis siyang namapamahal at hindi gugustuhing may isa sa kanila ang mamatay. Sila lamang ang itinuring niyang pamilya, sila lamang ang pinahahalagahan niya ng husto.

Pagsapit ng bukang liwayway, oras na para sila naman ang pumalit para lumaban sa labas. Dali-dali siyang lumabas ay nakita niy ang pagpasok ng mga dating Royal Knight sa loob.

Si Lindsay ang suporta ng lahat sa paggagamot habang nakikipaglaban kaya siya ang pinaka pagod. Ginawa ng mga kasama niya ay iniiwas siya sa matitinding laban. Kaya langing nakaalalay si Rex at Waver sa kanya.

Habang si Brook ay nahihirapan sa una, hindi maalis ang takot sa dibdib niya. Ngunit wala itong dapat urungan dahil kailangan niyang lumaban para sa mga mahal niya sa buhay.

Itinaas ni Brook ang trident niya at itinusok sa lupa at tumalsik palayo ang mga Malo. Nakaroon nga pagkakataon ang mga kawal na tumakbo papunta sa loob para magpahinga habang naka pwesto na ang mga papalit sa kanila.

Agad siyang tumakbo at umikot para sa bwelo at malakas na hinampas mula sa itaas ang isang malo sa ulo, tinusok niya ang nasa kaliwa na nagtangka sa buhay niya. Ang dulo nito at may lason. Nakita niyang napapalaban si Jared sa limang malo kaya tinutok niya ang trident sa kalaban ni Jared at lumabas ang berdeng ilaw sa dulo nito at tinamaan ang dalawa. Malakas silang tumilapon at patay na sila bago pa man bumagsak sa lupa.

"Brook!" Malakas na sigaw ni Jared kaya mabilis na dumapa si Brook upang maiwasan ang ataki na paparating. Nag-ibang anyo ang trident at naging espada kaya naman ay maalam niyang winasiwas ang espada at nakipaglaban ng lakas sa lakas. Tumakbo pa rin si Jared papunta sa kanila at marami rin ang tumakbo na mga kalaban papunta sa kanila.

Napalibutan sila kaya naman ay nakatayo sila habang nakatalikod sa isa’t-isa para protektahan ang isa’t-isa. Inikot lamang ni Brook ang daliri niya at nagsigapangan ang lason sa mga katawan niya. Mabilis naman na sinindihan ni Jared ang lahat nagsiliyaban ang mga kalaban nila.

Habang inaapula nila ang mga apoy sa mga katawan nila, hindi na sila nag-aksaya ng panahon para paslangin sila.

Sa kabilang dako ay hindi mawala ang ngiti sa labi ni Eve habang nakikipaglaban. Simula noong magising ito ay hindi na umalis si Eve sa tabi nito. Napagsabihan na rin siya nito na hindi dapat sinasayang ang lakas niya sa pagpapakawala ng malalakas na spell kung kaya naman laban ng mano-mano upang mas tumagal sa laban.

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon