Chapter 39: Regrets
"Pakawalan mo na sila." Utos ko kay papa habang nakaturo sa mga kasama ko. Kasama ko silang naglakbay, gaya ko ay mga itinakwil rin sila kaya sa amin sila sasama.
"Hindi, hindi pa sisiguraduhin muna natin ang katapatan nila." Nakangiti nitong saad at nilahad sa akin ang kanyang kamay. "Halika anak," agad akong lumapit at hinawakan ang kamay niya. Lumabas kami sa silid at nakita kong may maraming mago, lubo, Vampira at iba pang uri ang nandito. Nakaupo lamang sila sa mga sila na gawa sa lupa, wala sa sarili at nakatingin lamang sa kawalan.
"Anong nangyayari sa kanila?" tanong ko rito ngunit tumingin lamang siya sa mga tinutukoy ko bago lumingon sa akin.
"Wala, mga kasama natin sila." Mahinahon nitong sagot sa akin. May mga utag ng kahoy ang nakapalibot sa kanila at nakagapos ang kanilang mga kamay gamit ang sapot kaya nakadikit lamang ang mga braso nila sa inuupuan nila.
Pinaupo niya ako sa isang upuan na gawa sa mga ugat ng mga puno.
"Ano ito?" May naramdaman akong gumapang sa ulo ko at nakita kong mga ugat ito. Nakahawak naman ang kamay niya sa kamay ko kaya hindi ako nagpumiglas at hinayaan lamang ito.
"Sandali lamang ito, anak." Saad nito kahit naguguluhan ako. Biglang sumakit ang ulo ko at naalala ko ang mga masamang karanasan ko sa buhay. Paulit-ulit na nakikita, unti-unti nabubuhay ang galit ko. Parang nagkakagulo sa loob ko tila may gustong kumawala. Paulit-ulit kong nararamdaman ang sakit.
"Hindi kita anak!"
"Wala kang silbi!"
"Mahina ka!"
"Hindi ka parte ng mundo!"
"Sakit ka sa ulo!"
"Dapat namantay ka na lang!"
"Masama kang bata!"
"Walang na mamahal sayo!
Wala kang halaga!
Wala kang silbi!
Wala kang sibli!" Marahas akong napapikit, tila sinasaksak ako ng mga katagang ito. Hindi ko maintindan, bakit niya ito pinapakita sa akin. At biglang nalitan ang senary."
"Ali," tawag ko, nasa kakahuyan kami at papalapit ito. Ngunit galit ang muka niya, malamig ang mga titig nniy habang papalapit. Bumama ang tingin ko sa kamay niya, nakita kong hawak niya ang isang punyla. Bumalik ang tingin ko sa muka niya ngunit huli na. Naitarak na niya ang punyal sa puso ko. Nakita ko ang pagbulwak ng dugo.
"Ali?" tanong ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Mabagal na gumuhit ang ngiti nito sa labi.
Anong ibig sabihin nito? At nakita ko sa likod niya si Frey. Galit rin itong nakatingin sa akin. Hindi makapaniwalang nakatingin kay Ali. Sa likod niya ang grupo na itinuring kong pamilya ay galit na nakatingin sa akin tila ako ay kalaban nila. Lahat sila, may mga hawak na sandata at ngumiti noong napapunod ako at umubo ng dugo.
Mas masakit pa sa malakas na sasaksak ng punyal ang pagtataksil nila sa akin. Hanggang nakita ko itong nilamon ng kadilima at napuno ng kadiliman sa paligid ko. Tila nakahilo, ang alam ko lamang ay galit ako, galit na galit.
Third Person Point of View
Napuno nga malakas na sigaw ni Ash ang buong paligid habang nakatingin lamang sa kanya ang kanyang ama na nakangiting. Pinanonood niya lamang si Ash na nahihirapan, habang si Ali pilit na kumakawala sa pagkakagapos sa kaniya dahil rinig na rinig niya ang mga sigaw ni Ash. Galit na galit ito at hindi mapalagay, malakas na sumisigaw at tinatawag si Ash.
Ngunit natahimik si Ash at nakatingin lamang sa kawalan, kalmado ito at bihirang kumurap. Nasabik si Sevirino sa nakita at agad nilapitan ang anak.
"Anak," mahina nitong tawag at naghintay ng sagot at nilingon lamang siya ni Ash ngunit hindi ito sumagot. Lalong itong napangiti noong ganoon ang naging tugon niya.
BINABASA MO ANG
Villain
FantasyBeing a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.