Chapter 20: The Kings
Hanggang isang hari sa kanilang hanay ang naitalaga. Hindi gaya ng naunang Hari ay hindi ito ganid sa kapangyarihan.Mabuti ang kalooban at maawain. Kaya kinagigiliwan s'ya ng lahat. Tinanggalan n'ya mga katungkulan ang mga ganid na myembro ng konseho.
Hindi n'ya na pinagbabayad ng buwis ang ibang lahi at binabaan n'ya ang buwis sa mga mago.
Hinayaan n'ya na magtatag ulit na kaharian ang bawat lahi. Inalok n'ya pa ng tulong na magpatayo ng sarili nilang kaharian ngunit tinanggihan nila ito.
Naging tahimik na mula doon ang buong Magicus. At nanatiling pinakamalakas at pinakamalaki ang kaharian ng mga mago.
Habang ang mga Angel ay nanatiling tahimik at hindi nakikialam sa mga taga baba.
Iyon pala ang kasaysayan ng Magicus.
May napakaraming lahi pala ang nabubuhay rito. Ngunit bakit tila na balik ang kasaysayang 'yan.
Nagtatago ang mga natitirang lubo, Vampira, fairy at may demonyo pa kaya. Habang ang mga Angel ay hindi pa rin tukoy ang kinalalagyan.
Ngayon ko lamang napansin na malalim na ang gabi.
"Salamat po ulit, saan ko makikita ang mga larawan ng nagdaang Hari?"
"Doon," turo n'ya sa isang bookshelf at nakita ko nga doon ang libro.
The kings ang title.
Lahat ng Hari ay may pagkakapareho hanggang pero ang huli na kasalukuyang Hari.
Kapansinpansin na hindi s'ya ang nararapat na Hari. Binalik ko ang libro.
"Mauna na ako, salamat ulit," sabi ko.
"Walang ano man."
"Sandali, dalhin mo ito." Binigay n'ya sa akin ang libro na mukang luma na rin. Tinanggap ko rin. Pagdating ko sa bahay ay tulog na si Eve.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil nababagabag ako sa librong pinadala ng matanda.
Nakalagay pala dito ang katangian ng bawat lahi.
Ang mga demonyo ay itim ang dugo,matalas ang pakiramdam, mas malakas kasya sa ibang lahi, makakakita sa dilim, purong itim ang mata at madaling mapatay gamit ang sacred dagger ng Angel.
Ang mga taong lobo ay may anyong lobo, malakas, malakas ang pandinig, kayang makipag-usap sa mga kasama niya gamit ang tinatawag nilang link. May tinatawag silang mate ang taong itinakda para sa kanila at kapag nahanap na nila ang kanilang mate ay hindi sila maaring makipagsiping sa iba dahil magdudulot ito ng kasawian sa kanilang mate. Ginto ang mata.
Ang mga Vampira ay umiinom ng dugo ng mago o hayop ngunit lason sa kanila ang dugo ng demonyo at ibang lahi sa Magicus.
Sila ang pinakamabilis kaysa sa ibang lahi. Pula ang mata at may mahabang pangil. May mate din sila gaya ng lubo.
Ang mga fairy ay may pakpak na itim o tsokolate. Kulay lila mata mabilis lumaki ngunit mabagal tumanda. Pinakamagaling na mandirigma at malakas ang pandinig.
Ang mga Angel ay may pakpak na puti. Mahinahon magsalita kahit galit. Pinamamalas nila ang kanilang galit sa isang parusa. Sila ang tinatawag na banal. Tsokolate ang mata.
Ang mga mago ay may tinataglay na kapangyarihan, mahika, pagkontrol. Ngunit hindi namamana ang kanilang mahika. Kahit ang mag-asawa ay parehong witch o mangkukulam ay may posibilidad na maging attribute user o element user kahit charm user ang kanilang anak. Kapag ipinapanganak sila ang kapangyarihan ang mismong pipilili sa kanila. Mas mahaba ang buhay kumpara sa tao.
BINABASA MO ANG
Villain
FantasiBeing a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.