Chapter 8: Training

5.9K 232 10
                                        


*Training*

Halos hindi makahinga sa hingal at napahinto sabay hawak sa dalawang tuhod. Sa pagtingin ko sa taas ay hindi ko namakita si Rio. Akmang uupo ako para magpahinga.

"Suko ka na ba?" Napatingingala ako sa itaas, nakaligtaan ang nakakasilaw na liwanag. Agad akong napayuko sa sakit ng mata ko. Sobrang hapdi at malabo ang nakikita ko dahil sa liwanag.

"Hanggang dito lang ba ang kaya mo?" Rinig kong sigaw nito kaya mabilis akong umaayos ng tayo.

Labis akong nanibago sa mga nangyari sa katawan ko, nanghihina ako sa init at mas nakakasilaw ngayon ang liwanag kumapara noon.

Rinig ko lang ang malakas na pagaspas sa hangin. Nakapikit akong nagsimulang tumakbo, ramdam ko kapag may lilim o walang harang sa daan.

Maayos akong nakakaiwas, ilang beses mang matapilok, tuloy lang ang takbo. Hanggang wala akong marinig. Huminto ako at minulat ang mata.

Gulat ang makikita sa muka ni tanda na nakatingin sa mga mata ko. Mabilis itong kumurap at pinawi ang gulat nito.

"Pasensya na, ngayon ko lamang napagtanto, nagbago ang kulay ng iyong mata." Hindi ko na pinansin at nakita ang malawak na kapatagan sa paligid.

Binagsak ko ang bag at humingang malalim, pilit hinahabol ang sariling paghinga. Halos bumagsak sa lupa ang buong katawan ko sa pagod.

"Limang minuto."

Nanlaki ang mata ko sa nasabi nito. Akala niya ba'y sapat ang limang minuto? Gusto kong umapila ngunit mas mabuting unahin ang hingal ko kaysa makipagtalo.

"Ronald, tawagin mo akong Ronald. " Tatawagin ko siya, sa kung anong gusto ko. Binuksan niya ang bag at inilabas ang apat metal na....ring?

Binuksan ang ring at isinuot sa magkabilang kamay ko. Pati ang sa binti ko. At may sinuot na parang vest na metal rin sa katawan ko.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya, maayos akong nakaupo, matapos itong isuot sa akin ay napadapa ako sa lupa.

"Tang*na!"

"Tayo," sinubukan ko pero hanggang luhod lang ang kaya ko, hindi ko maiangat ang kamay ko.

"Naghihintay ako," gusto kong sumigaw sa inis.

"Hindi ko kaya. "

"Hihintayin natin hanggang makaya mo." At tunay ngang naghintay lang ito na kumilos ako. Kaya sinikap kong makatayo, hindi ko alam kung tama ito. Binibigla niya ang katawan ko, baka hindi na ako katayo bukas.

"Five laps around the perimeter." Simple nitong saad matapos akong makatayo ng tuwid ngunit namimilipit sa sakit, parang hihiwalay ang buong braso ko sa balikat.  Nanlulumo akong tumingin sa kanya.

"Habang tirik ang araw?!" Hindi ko na pinigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Pwede ka nang magsimula kong kailan mo gusto." Saad niya, tila napakadali lamang ng sinasabi nito. Naririnig niya ba ang sinasabi niya? "Maghihintay na lamang ba tayo rito?"

Wala akong nagawa kung hindi magsimulang humakbang, halos nakakamatay ang bawat hakabang. Matutumba ako kapag nawalan ng balanse, iyon ang ayaw kong mangyari, kapag natumba ako, baka hindi na ako makatayo.

Napakaimposible kung tutuosin, pero sinikap ko. Sa pang limang ikot ay halos mapatalon ako sa tuwa. Binigyan niya ako ng upuang gawa niya habang tumatakbo ako.

Malambot at matibay kahit pa gawa sa dahon at baging. Napapikit ako habang tahimik na tinatawag ang lahat ng hangin na sana lumapit.

"Five minutes."

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon