Chapter 33: Hell
Kinuha niya ang wand niya at saka tumigin sa akin. "Ash!" pabulong niyang tawag sa akin. "May garapon ka ba?"
"Meron yata," nagtatakang sagot ko rito.
"Anong gagawin mo? Nagmamadali tayo," sabat ni Frost.
"Sandali lang, makakatulong 'to sa future natin. Ash, maglabas ka, tumulong ka na rin Frost,"
"Ash, saluhin mo si Frost." Biglang pumutok ang bula kung nasaan si Frost at mabilis kong pinalipad ang scorpion na sinasakyan ko para masalo siya. Bumagsak ito sa likod ko at maayos na nakakapit.
Naghanap ako ng malapit na scorpion na lumilipad at binato ng blade na gawa sa dark element ko. Bumanon ito sa leeg at saglit na nagwala. Matapos ang ilang minuto ay umayos ito ng lipad kaya inutusan ko itong lumapit.
"Lumipat ka," utos ko kay Frost. Mabilis naman itong tumalon. Habang si Eve at bumama at lumapit sa mga tulog na scorpion. May mga ibinulong at tinuro ang mga ito gamit ang Wand niya, may lumabas na ilaw at lumiit ang mga ito.
"Hulihin n'yo," saad ni Eve at nagsimulang manghuli ng maliliit na scorpion, isinilid sa garapon at inilagay sa bag niya.
"Importante ba 'yan?" tanong ni Rex.
"Tumahimik ka muna, impotante 'to, hanapin n'yo kaya muna kung saan ang pinakamataas na bulkan, manghuhuli kami ng Giant dragon fly."
Marami talaga siyang natutunan na salitang ingles sa Academia tambay rin 'yan sa library kaya ang daming alam.
"Paano?" naguguluhang tanong Jared, nasa loob sila ng bula ni Eve.
"Isipin n'yo lamang naglalakad kayo sa lupa," sagot ni Eve habang abala pa rin sa pagpapaliit ng mga scopion. Si Frost naman ay tahimik na sumunod sa sinabi ni Eve. Alam n'ya na siguro ang plano ni Eve.
"Wag masyadong lumayo," paalala ni Ali sa aming lahat.
"Ilang ba kailangan mo?" tanong ni Frost.
"Mas madami kung maari hanggang mahanap nila ang pinakamataas na bulkan," Maliksi rin kasi itong mga scopion kaya mahihirapan kaming hulihin ito. Matapos ang ilang sandali ay mga anim ng lamang ang nahuli ko. Si Frost naman mukang marami-rami na ang nakuha.
Si Drake ay nasa loob ng bag ko, natutulog lamang at kumakain, kaya niyang magkasya sa kung saan n'ya gusto dahil sa kwintas n'ya.
"Nahanap na namin," bumalik si Blaze para sabihan kami kaya nilagay namin sa bag ang mga garapon. Simunod kami sa kanya at nandoon nga ang pinakamataas na bulkan. Sa harap namin ay nakatayo ang pagkalaking bulkan.
"Ano na?" tanong ni Waver.
"Mainit na kweba ang nakita ko kanina," sabi ni Brook.
"Suongin ang pusod kahit mainit," sabi ni Frost at napaisip ang lahat.
"Pusod ng bulkan?" Nagtatakang tanong ni Eve, nasa unahan naming lahat si Ali habang ako ang nasa pinakalikuran.
"Aba matindi," komento ni Rex.
"Ang tanong nasaan ang pusod?" bulalas ni Eve habang nakapamewang. Tumingin ako sa paanan ng bulkan. May nakita akong maliit na butas. Madilim kaya ako lamang ang madaling nakapansin.
"Nakita ko na, kaso kailangan nating tumakbo." Makipot ang daan puputok lang ang bula kong ipipilit may nakaabang na ring mga scorpion. Nagising na sila dahil yata sa mga ingay namin kanina.
"Hindi naman nila tayo inaabangan 'di ba?" mahinang tanong ni Bryle.
"Hindi pare, hindi nila tayo nakikita," kinakabahan na sagot ni Blaze sa kanya.

BINABASA MO ANG
Villain
FantasiBeing a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.