Volutismo
Kinuha ko iyong gatas na galing sa baboy ramo at ininom ito. Ika-ika akong naglakad pabalik sa bahay ko dahil sa sakit ng katawan. Muntik pa akong mawala dahil sa nakalimutan ko kung saan ako dumaan kanina. Mabuti na lamang at nasundan ko ulit ang mga bakas ng dugo noong baboy kanina at dinala ako nito sa daan na kabisado ko. Agad akong dumiretso sa kusina at inilapag ang lahat ng dala ko.
Dali-dali akong naligo dahil sa lansan ng dugo. Hinugasan ko ng maayos ang sarili ko, ngunit hindi ito maalis dahil walang sabon. Ilang minutong pagbababad sa tubig ay nagbihis na rin ako. Kumain ng kaunting prutas. Habang kumakain ay iniisip ko kung paano ko mapapakinabangan ang lahat ng ito.
Maibebenta ko ito mamaya. Kailangan ko rin ng ginto para makabili ng mga kailangan ko rito sa bahay. Saktong pagsikat ng araw ay bumaba ako sa bundok. Kinuha ko ang iyong mga mukang diyamante na nakuha ko. Gaya rin nito ang dalawang bato sa pulseras ko, ang kaibahan lamang ay kulay pula at itim ang akin.
Saktong pagdating ko sa tindahan ay nagbukas na rin ng tindahan si Tanda. Agad akong lumapit dito. Malapad itong ngumiti noong makita niya ako. Kumaway ito kinalaunan kaya tumango na lamang ako.
"Akala hindi ka pupunta dito, may kailangan kaba?" Nilapag ko ang dala kong bag at pinakita sa kanya ang mga nakuha ko."May nakuha ka palang mga potem."Saad niya habang hawak ang akala ko diyamante.
"Potem?""Potem ang tawag dito, hindi yan gaya ng mga mamahaling bato gaya ng diamante at Ruby. Yan ang nagpapalakas ng sandata, gaya ng nasa pulseras mo, kapag nahanap mo ang mga kagaya niyan ay madadagdagan ang lakas ng sandata mo." Paliwanag niya, muka nga itong mahiwaga.
"Paano mo nalaman na potem to?"
"Ang mga mamahaling bato ay tipak tipak lang at walang iisang hugis habang ang potem ay perpekto ang pagkakahulma at may symbolo sa gitna." Sagaot nito ngayon alam ko na.
"Saan ko mahahanap ang mga potem sa sandata ko?"
"Kadalasan sa mga mapanganib na templo o bahay ng mapanganib na nilalang. Minsan sa isang malakas na hayop sa kagubatan, dahil kakaiba ang hawak mo, bihirang mangyari iyon."
"Bakit?"
"Infinity weapon ang armas na pag aari mo at element user lamang ang may infinity weapon. Walong element user lang ang ipinapanganak kada sampung taon. Halos sabay silang pinaganganak at sadyang mas malakas kumpara sa ibang Mago."
"Element?" Tama ba ang pagkakarinig ko?
"Sa Kaharian ng Admirari ay may element user, attribute user, charm user at witch. At sigurado akong ka edad mo halos lahat ng element user." Kaharian ng Admirari, kaharian na kinabibilangan ng lugar na ito.
"Hindi ako element user, wala akong kapangyarihan."
"Wala pa, hindi pa lumalabas pero malapit na lalabas yan dapat sa ikalabing limang kaarawan mo, mararanasan mo ang volutismo. Sa paglabas ng kapangyarihan mo, lilitaw ang bituin sa langit na karugtong ng buhay mo. Mawawala lamang ang kinang nito kapag patay kana. Iyon din ang panahon na malalaman ng lahat ang pagkabuhay ng isang Mago, at ikaw iyon. Panahon para magbigay ng buwis sa kaharian, iyon ang basihan nila." Napatingala ako sa langit, walang bituin ngayon ngunit mamayang gabi ay meron.
"Volutismo?" Parang pamiliar ito, tila narinig ko na ito noon.
"Araw na lalabas ang kapangyarihan mo, magiging masakit ang volutismo, kaya mabuting manatili ka sa bahay mo sa araw na iyon."Tumango ako bilang sagot sa kanya.
"Anong element ang meron ako?"
"Malaman natin sa kaarawan mo."Ano kaya kaibahan ng elemento sa normal? Hindi na ako nagtanong pa ng marami at tumango na lamang.

BINABASA MO ANG
Villain
FantasyBeing a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.