Chapter 23: The Mission
"Babagsak din ang Hari, maghitay ka lang," at hinalikan n'ya ako sa noo. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin kaya kami huminto. Pagkatapos niya akong halikan sa noo ay niyakap n'ya naman ako.
Gusto ko siyang itulak pero ayaw ng katawan ko, kaya hindi na ako gumalaw kahit parang gusto ng katawan kong yakapin s'ya pabalik.
"Balak mo bang matulog dito habang nakatayo?" sabi ko na ang tagal n'ya kasing bumitaw.
"Just give me few minutes please, just few minutes." Hindi ako makaangal sa pakiusap niya. Sa wakas ay bumitaw rin s'ya pero pansin kong labag to sa kagustuhan n'ya. Paalis na s'ya .
"Hindi mo ako mapipigilan sa mga gusto kong gawin." Sabi ko bago s'ya makalayo, huminto s'ya sandali.
"Mag-ingat ka lang kung ganon," saad niya na lamang habang nakatalikod. Pinanonood ko siya hanggang mawala s'ya sa paningin ko.
"Anong ginagawa mo sa akin Volt, ginagayuma mo ba ako? Kasi kung, Oo, wala kang mapapala. Matagal ko ng hindi ginagamit ang puso." Sabi ko kahit hindi ko na s'ya makita pero alamkong naririnig n'ya ako.
Pumasok na ako sa bahay. Naabutan ko si Eve sa pintuan.
"Ang ginagawa mo?" tanong ko rito.
"Nanonood ng lovestory," pilyang sagot niya. Nilagpasan ko lamang ito pumasok na.
"Tss kumain ka na."
"Hindi pa hinintay kita, susunduin nga sana kita kaso may naghatid na pala sayo," tumataas baba pa ang kilay n'ya. Saad nito habang hinahabol ang hakbang ko.
"Shut it, Eve." Lalong lumapag ang ngisi nito at nagsimulang matawa.
"Hahahaha! Sige na nga hindi na kita aasarin alam ko namang na weweirdohan ka sa nararamdaman mo," pailing-iling pa nitong sabi. Pumasok bigla si Drake sa bintana.
'Anong ulam?' Agad na tanong ni Drake.
'Gutom ka pa rin?' Lagi na lamang itong gutom. Mabuti na rin at natigil ang panunukso ni Eve sa akin.
'Bakit hindi?'
'Kumakain ka naman lagi eh,' hindi n'ya na ako pinansin at kumain na. Umupo na rin si Eve sa hapag para kumain.
"Tiningnan mo itong dragon mo Ash, laging gutom." Pinalabas ko sina Frey at Drain.
"Ash, ako na lang papalit kay Drain, nakakabagut, tapos may exciting na nangyayari sa labas," maktol ni Frey at sinipa naman s'ya ni Drain.
"Nasimulan ko na walang atrasan," sagot ko. Tumingin si Frey kay Drain at tinaasan lang s'ya nito ng kilay.
"Pag nainlab wala ring atrasan ah," pang aasar ni Frey. Sinamaan ko s'ya ng tingin habang ngingiti-ngiti naman si Drain at umiiling.
"You just fall in a trap that you cannot escape," seryosong Sabi ni Drain.
"I didn't,"
"You sure?" Panghamon ni Drain.
"I can escape, watch me."
"Boom! Na fall nga, hahahaha," singit ni Eve nag apir pa sila ni Frey. "I can escape daw, nahuli na nga. Pag-ibig nga naman."
"Itong demonyang to dedeny pa," gatong pa ni Eve.
"Tumahimik kayo," walang gana kong saad. Pinagkakaisahan na naman ako.
"Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa, Ash?" natatawa nitong tanong.
"Tumigil ka Eve."
Nagtawanan lang silang lahat kasama si Drain kaya na iiling na lamang ako.
Naging normal na sa amin ni Eve na manggulo sa sentro.
Lagi kaming hinahabol ng mga kawal at nililigaw namin sila. Kilala na nila kong sino kami at ni isa walang naglakas loob na makialam. Ilang bises narin nilang gumanti ng palihim gaya ng sunugin din ang bahay namin pero dahil sa dakila naming bantay ay walang nagtagumpay.
Maraming pagsasanay narin ang ginawa ng mga kaklase ko pero hindi ako sumasama, nag aabsent ako do'n ako tumatambay sa puno at ilag na lahat ng estudyante doon sa lugar na iyon.
Marami ring pinagtitripan si Eve na mga estudyante 'yong iba nga naiiyak pa. Kasama kasi ni Eve lagi sina Yohan kaya wala rin silang palag kahit wala ako.
Nabully din si Eve dahil pasikat daw s'ya, pero imbis na mabully ay nabaliktad nya ang sitwasyon at napahiya ang nagtangkang mambully sa kanya.
Lagi rin nagagawi si Eve sa room namin kaya lagi niyang napagtitripan sina Frost.
Lahat ng mago dito ay kinaiinisan kami pero wala silang magawa. Hindi ko rin pinapansin si Volt kahit lumapit s'ya sa akin ay lumalayo ako o nagagalit ako.
"Ash pinagtitinginan nanaman ba tayo o ikaw lang?"
"Hindi ko alam,"
"Alam ko na nagagandahan sila sa akin ngayon, mga walanghiya araw-araw ako maganda ngayon lang nila napansin," tinaasan n'ya lahat ng kilay ang makita niyang nakatingin sa amin.
"Sige Ash, una na ako."
Boring ang buong klase hanggang sa sinabi ni Ma'am na.
"You'll have your first mission together, mission is to Find the Angel's kingdom," nakangiting sabi ni ma'am.
Bakas sa mga muka nila ang hindi sang- ayon sa mission pero walang nagsalita.
"Any Questions?"
"Ma'am!" Napalingon kaming lahat sa may pintuan.
"I have a question, can I go with them?" Nakangiting sabi n'ya.
"No!" pinal na sagot ni ma'am.
"But ma'am, kulang sila ng isang member, di ba hindi pa nahahanap ang fire element user, pwede ako na lang muna?"
"Hindi tayo sasama Eve!" pigil ko sa kanya.
"Sasama ka Asheriel,"sagot naman ni ma'am.
"Sasama kami!" sang-ayon ni Eve.
"Miss Black!" sabi ni ma'am in a warning tone.
"Oh kita mo na? Pareho kaming Black, kapag kasama s'ya kasama ako, isang package kami," pangungulit ni Eve. Tumingin ng masama si ma'am kay Eve.
"Sige ka ma'am, hindi mahilig si Ash sa mission mission, walang pipilit sa kanya." Bumontong hininga si ma'am.
"Ok fine."
"Yes! Rinig mo 'yon, Ash sasama tayo," masaya niyang sabi.
"Hindi to maganda," rinig kong sabi ni Volt.
Kinabukasan ay maaga kaming nag-tipon para magkasama sa pag-alis. Habang naglalakad kami palabas ng sentro patalon-talon si Eve habang nakaangkla ang kamay sa braso ko. Habang pinakikiramdaman ang mga kasama ko, tingin ko may hinala na si Frost sa nangyayari, gaya ni Ali.
Samantalang ang iba ay naniniwalang misyon nga ang punta namin. Maingat ito at nagmamasid.
"On guard." Mahinang saad ni Ali, rinig naming lahat ang tinuran nito at lahat naman ah nakinig. Hindi ko gusto ang mga kawal sa paligid, iba ang dating ng katahimikan ngayon, tila hindi normal at may kakaibang dulot sa pandama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/243735662-288-k283314.jpg)
BINABASA MO ANG
Villain
FantasyBeing a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.