Chaptr 50: Special chapter
Ilng taon ang umipas at nanatili ang kapayapaan sa buong mundo. Si Eve at si Frost ay nagpakasal sa mundo ng mga tao at sa territoryo ng mga Fairy.Si Brook at Jared ay napakasal din at naging hari at reyna ng mga mago.
Si Waver naman ay naging hari ng mga Bampira.
Si Rex ay sinasanay ng magulang niya para maging hari ng mga mulawin.
Si Lindsay ay naglalakbay, napag-alaman niya na kailanggang magsanay ang isang Anghel upang lumabas ang pakpak niya. Kaya naglaklakbay siya sa kung saan-saan at nanggagamot sa mga maliliit na pamayanan.
Si Blaze ay bumalik sa tubig, sa mga kasama niyang sireno.
Si Bryle ay namuhay ng tahimik kasama ang kanyang ina.
At kami ni Ali ay nagpakasal sa territoryo niya at ako ngayon ang Luna ng pack. Matagal ko na silang hindi nakikita at wala akong balita sa kanila. Ngayon may dalawa kaming anak, isang babae at isang lalaki. Lagi akong wala sa bahay, naglalakbay rin ako upang maghanap ng mga kauri kong demon.
Pauwi ako ngayon dala ang mga hinihingi ng mga anak kong pasalubong.
"Mama!" Sigaw ng anak kong babae. "Papa nandito na si mama!" Niyakap niya ako agad at bumaba na ang mag-ama ko.
"Kumusta ang paghahanap?" Tanong ni Ali at iling lamang ang naisagot ko, wala akong nahanap kahit isa.
"May makikita ka rin pagdating ng panahon."
Sa wakas ay namuhay ako sa buhay na matagal kong inaasam. Niyakap ako ng anak kong lalaki at hinalikan sa pisngi. Hindi kasi siya maiigay, lagi lamang siyang tahimik, hindi mo mabasa ang iniisip.
Mysteryoso at laging kalmado.
"May problema ba Dave?" Daven ang tunay niyang pangalan.
"Wala, ma."
Ganon na talaga siya hindi gaya ni Zeverly na maingay, maraming sinasabi, maraming kaayaw at sakit sa ulo.
"Zev, may ginawa ka ba?"
"Wala ma, muka ba akong masama?" Patay malisya niyang sabi. Alam kong may ginawa siya pero naayos na ni Dave kaya hindi ko pakikialaman.
_______________
The EndThank you sa lahat ng tumapos ng story. Ito iyong revised version, maraming akong mga inayos at idinagdag, walang nabago sa plot, rest assured. Please comment your insights (don’t think twice even if it’s negative:) I don’t mind.) And of course follow me, thank you!!
May book two pero hindi na si Ash ang main character, anak niya na.

BINABASA MO ANG
Villain
FantasyBeing a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.