Chapter 18: Ali
Nasa tapat na kami ng Academia unang araw ngayon.
Pinakita ko ang papel na nagpapatunay na natanggap ako rito sa kawal na nag babantay.
Ang dalang namin papel ay ang profile namin.Name: Asheriel Black
Age:18
Gender: Female
Section: Element user
Element: Dark
Infinity Weapon: Bow
Height: 5'5
Name: Eve Black
Age:18
Gender: Female
Section:Witch
Weapon: Wand
Height: 5'6
Mas matanggkad pa pala si Eve sa akin. Pagpasok namin sa academia ay may limang building.
Para sa mga element user, attribute user, charm user at witches. Habang ang isa ay para sa mga school staff office.
Napansin ko ring iba ang uniform ko o iba ang uniform kada section. Ang uniform kasi nila eve ay long sleeve, dalawang pulgada na palda, itim na medyas hanggang tuhod, boots at itim na cloak.
Ang mga charm user naman ay polo na white at army green na necktie at pang baba. At may logo na kung anong charm nila sa kaliwang dibdib. Kung telekinesis ba sila o illusionist at marami pang iba.
At ang attribute user ay polo din gaya ng sa mga charm user pero nakabasi sa kong anong attribute nila ang kulay ng palda o slocks at nectie nila.
Wala pa akong nakikitang ibang element user basta ang suot ko ay mainit, itim na long sleeve na pinatungan ng blazer itim rin, dalawang pulgadang palda, abot tuhod na medyas at boots. Wala akong suot na takip sa muka ngayon.
"Ate Ash kita na lang tayo doon sa canteen nila mamaya ha, magkaibang building tayo eh."
Tumango ako saka ito humiwalay sa akin.
Pumunta na kami sa headmaster's office kanina kaya diretso na kami sa mga klase namin.
May mga dala silang sandata ako kasi wala nasa pulseras ko ito. Wala akong ibang dala kundi ang magic pocket ko para sa ginto.
Pagpasok ko sa room namin ay sobrang ingay.
Nagbabangayan kasi isang babae at lalaki habang inaawat ng isang babae at maiingay na nag-iisang audience habang may dalawang lalaki na tahimik na nakaupo tulog ang isa at nakatingin sa kawalan ang isa.
Umupo ako ng tahimik sa malapit sa bintana at pinto. Bumaling lamang ako sa bintana habang naghihintay ng Prof.
Dumating na ang professor namin. Mabuti na lang at natahimik na rin sa wakas ang kanina pa nagbabangayan.
"Good morning class, and welcome to Academia de Admira
Mahigit sampung taon ang nakalipas mula ng may element user na mag aaral na pumasok sa Academia, kaya nakakatuwa kayong pagmasdan," bati ng guro.
"Magandang umaga din po ma'am, "sabi ng kaklase naming babae gusto kong matawa isa lang ang may galang sa amin.
Nahiya pa siya dahil siya lang ang nagsalita.
"Ok let's move on, I'm Marcel Morris, call me Miss Morris. So let's start with a little introduction. Go ahead Mr." Sabay turo ng lalaking naka Dark blue na parang vest at puting polo syempre.

BINABASA MO ANG
Villain
FantasiaBeing a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.