16

2.2K 83 7
                                        

hello po :)) it's good to be back haha, tapos na kasi midterm szn hihi, stay safeee poo sa lahat. 

-------------------------------------------------

Mabilis ang naging takbo ng araw. Ganoon din ang pangangasar ni Mama kay Kuya Drakon haha. Pinipilit talaga ni Mama na may something doon sa Renz na kakilala ni Kuya. Ako naman ay di na nakisali, away nanay at panganay eh.

And speaking of Baltazar, well consistent pa rin ang tropapips ko, bumili ng paninda ni Mama. Ngayon nga ay nagbabalak ako ipakilala na sya sa mga tropa kay John at Edcel, gusto rin kasi makilala ng dalawa. Eh sakto final round na namin sa Bilyonaryo Quiz bee. Ang malala pa ay geography ang category. Hirap pa naman ako sa pagkabisa.

"Mag-focus ka nalang inside the Philiphines ako na bahala sa outside. Compose yourself, Manuel." ani ni Baltazar, habang busy basahin yung mga facts sa ibang bansa.

Bigatin din ang kalaban namin, over 15 school na nagparticipate, 3 lang ang para sa final round at bukas na talaga ang laban kaya. Naknang... ilang santo na pinagdasalan ko para rito, manood ba naman buong school, sa auditorium. Nakakahiya ma-bash online eh.  

"Oo na palibhasa.. grabe utak mo eh. Awa nalang oh tatlong araw nalang grade twelve na tayo, tapos bukas laban na, sa totoo lang kinakabahan talaga ako, naknang manonood pa kasi buong school! Nakakahiya! Mamaya engot sagot ko eh," I yapped to him, ang loko tinawanan lang ako.

"Ingay mo talaga noh? No wonder maingay ka rin sa ibang bagay?" natatawa niyang ani. Mahina ko naman sinuntok ang tagiliran niya.

"Ulol. Focus na, malapit naman na recess." saad ko, perks of contestant talaga na lagi kayo excuse sa mga school works, exempted o kaya naman perfect kayo.

"Yeah. Anyways, saan tayo kakain? Nakalimutan ko dumaan sa drive thru kanina, sabi mo rin kasi kagabi sa chat, ipapakilala mo ako sa mga tropa mo."

"Sabi ni Edcel sa chat, kita nalang daw muna sa cafeteria, tapos doon na raw pag-usapan saan kakain, for sure sa tapahan o pater yan." ani ko, ayon kasi ang sabi ni Edcel sa group chat, nag heart react lang si John.

"What's tapahan and pater?" tanong niya. Halata sa mukha niya na kakarinig niya lang ng ganoon, grabe talaga pag burgis kasama mo. Parang walang alam sa mahihirap na pagkain.

Pag wala na kasi baon o kaya naman nag-iipon ng pera, dyan lagi ang tambayan ng mga estdyudante na kagaya ko. Fifteen pesos lang ang pater, bente naman ang tapa may kasama na ang mga 'yon na kanin, sulit na rin pero pag first time mo, asahan mo sa cr kaagad ang punta mo pag-uwi.

"Bawal ata sa'yo yon, out of league 'yon sa hiearchy of food mo e," biro ko. Sumimangot naman siya, naknang... as if suyuin ko to, may muscle at twunk bond siya tapos lakas ng tampo.

"I'm trying to suit in your lifestyle, tapos you're joking around," aniya.

Nilamon naman ako ng konsensiya, pota lakas mang guilt trip. "Yung pinipilahan lagi dyan ng mga student, student fee kasi yon, mura na masarap pa."

Tumango naman siya sabay bahagyang ngiti sa akin. Inikutan ko naman siya ng mata. "di bagay sa'yo laki mong tao, lakas mo magtampo."

"Eh may taga-suyo naman ako eh."

Kibit balikat nalang ako, tinapos ko i-note ang last na i-review ko, sa kotche niya nalang ako mamaya mag-review. Pero naknang... lagi ako nakakatulog pag kasama siya sa byahe pa uwi sa bahay, ang ending sa bahay ko nalang tinatapos haha.

Di ko alam kung matutuwa ako o mahihiya sa asta ni Baltazar. Paano ba naman kasi mahaba ang pila sa binibilhan namin, ang ginawa ng loko, binayaran ng tig-bente pesos lahat ng nakapila, ang ending nag-oorder na kami ngayon.

Nakakatampo rin tong dalawa kong kaibigan di na ako sinipot, potek.

"Yaman naman nung kuya bes! Ayan mga tipo ko eh, good looking, amoy baby johnson, matangkad... tapos fantasy ko f buddy kami," dinig kong bulong nung bading sa gilid, pabiro  naman 'yon, pero agaran ko hinarang ang sarili ko para matakpan ko ang fantasy niya.

Napabalik lang ang ulirat ko nang marinig na di pa pumipili si Baltazar. "Bakit di ka pa na-order?" tanong ko.

''Hindi ba ako i-entertain ng cook, what dishes they offer?'' takang sagot niya. Napatampal nalamang ako sa aking noo. Bwiset di pala sanay ang lalaki to sa buhay-spartan ampotek.

"Dalawa pong tapa with rice miss, pasabay na rin po ng dalawang ice tea." sagot ko.

"Dito po kayo kakain sir?'' tanong ni ate.

"Eto po yung number sir, pa-wait nalang po wala pa po rice eh, naubusan po pasensya na po," saad ng kahera, binigay naman sa akin ang seat number namin, pinisil ko naman ang braso ni Baltazar at dahan-dahan siyang hinila sa pila.

''Ano yung inorder mo?'' aniya.

Kamot ulo ako sumagot. ''Yung best seller dito na rice with toppings, palibhasa masasarap food niyo sa bahay eh, halata tuloy na di mo alam paano sistema."

"Oh. Sorry pwede mag thank you?" sacrastic niyang saad. Akala niya siguro di nakakahiya pinag gagawa niya.

Isipin n'yo binayaran niya yung mga nakapila roon, yung mga nakapila naman di manlang tumanggi ampota. Tinitigan ko nalamang si Baltazar, iniisip kung sinto-sinto ba siya o hindi.

''Do I look bad?'' aniya sabay kagat ng labi.

Natatawa akong sinuntok ang balikat niya. "Muntanga ka tol." saad ko, nakita ko naman ang pagkabusangot niya, nye lala naman ng mood swing ng isang 'to.

Hinain na sa amin ang pagkain. Dalawang tapa na may pares na kanin iyon at dalawa na tig bente na ice tea. Nakabusangot pa rin ang mukha ni Baltazar. Dahil doon may naisip akong kalokohan.

Ayaw niya rin galawin ang pagkain niya. "Kinuha ko ang plastic na kutsara at sumandok ng maliit na proportion ng kanin at nilagyan ng sarsa ng tapa. Sinubo sa bunganga ni Baltazar."

Kitang-kita ko ang pagkagulat niya. ''Why you do that?''

''Alam mo Bal, masama pinapahintay ang pagkain, nasa tapat mo na di mo pa ginagalaw. Kung mama ko 'yan, pinapalo ka na non sa pwet bastos daw kasi ang ganoon."

''Pero it need to spoon feed me? Were on public, people will judge us."

"Dedma nalang sa basher, akala mo di sumusubo ng ibang bagay... malisyoso lang talaga ang mga tao sa pilipinas, akala mo ang lilinis."

Natatawa naman to at ginalaw na niya ang tapa niya kaso tumigil sa ere, gulat nalang ako nang ngumanganga uli sya. "You seems dont care on criticism of others, why you dont spoon feed me until I eat it all."

Wala na ako nagawa. Sinubuan ko na s'ya, binilisan ko na nga bahagya pero wala paring effect. Potangina talaga ng lalaking 'to.

"P'wede na mag-asawa huh?...." tukso n'ya.

Batchelor Series #1: The ArchitectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon