UPDATE 10 - Scholarship at stake?

116 8 1
                                    

Sydney's POV

Maaga nga pala akong pumasok ngayon dahil may meeting daw ang lahat ng incoming 4th year. May announcement daw ang admin. Currently, most of us ay nandito na sa Gym which dito daw gaganapin ang announcement, ilang minuto nalang ay magsisimula na.

Kanina ko pa tinitext si Lance pero hindi parin nagrereply, kahit nga kahapon hindi rin eh. Ano kaya problema nun? I am also secretly looking kay Jake ngunit wala pa din sya si Bry naman nakita ko syang pagala.2 kanina.

*Aisssh!! San na ba ang mga yun ?* Tanong ko sa isip ko.

Naramdaman kong may tumabi sakin paglingon ko ay kaklase ko palang si An. Ngumiti sya sakin at ngumiti din ako sa kaniya. Dahil boring ako at walang kausap ay kinausap ko nalang sya.

"Ahm..Ana alam mo ba anong announcement ito ?"

"Hindi ako sure pero sabi ni President eh.. about schedules daw natin to eh"

"Ahh.. ganun ba?" Sagot ko. Ilang saglit pa ay umakyat na sa stage ang Admin at nagsalita.

"Magandang umaga sa inyong lahat incoming 4th yr students ng Dycin University, kaya ko kayo ipinatipon ay para sabihin sa inyo ang napagkasunduan naming lahat na ibahin ang schedules niyo. Since incoming 4th year na kayo we decided that apat nalang na subject ang dadalhin niyo ngayong 2nd semester. Posted na sa bulletin board ang new schedules. Yun lang pwede na kayong magsibalikan sa inyong mga bawat classrooms." Dahil sa sinabi ng admin ay nagbunyi ang lahat pati narin ako dahil hindi na ako masyadong mapapagod.. Mahirap kayang pagsabayin ang trabaho at pag.aaral.

Inaya na ako ni Ana na umalis sa Gym pero tumanggi ako dahil ayokong makipagsiksikan sa mga studyante baka mapatid pa ako pagnagkataon. Kaya nanatili nalang din sya.

"Mahal na mahal mo talaga baby mo nuh?" Simula niya .

"Oo naman, higit pa sa buhay ko" Sabi ko while caressing my baby bump. .

"Anyway Syd totoo ba talaga na si Lance ang father ng baby mo ?" Usisang tanong niya.

"Hindi sya. Atsaka about sa daddy ni Bee .. Ahmm" hindi ko alam ang sasabihin kay Ana sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling ako? *sigh* I'll chose the latter.

"Wala, nagbreak na kami nung nabuntis niya ako"

*Bad Sydney!* Sermon ko sa sarili ko!.

*Bee, wag mo gayahin yun ha! Bad ang magsinungaling!! Napilitan lang ako anak*.

"Ganun ba? Pero ok lang atleast may Lance naman na handang sumalo sayo". Umiling ako at nagsalita.

"Haha baliw, hindi friends lang kami ni Lance at wala akong balak na ipaako sa kaniya ang bata. Lance deserve someone better yung walang sabit tulad ko" Sabi ko.

"Grabi ka Syd isa kang ulirang ina at mabait na mamayan, kasi kung ibang tao pa yan gagawa at gagawa siLa ng paraan para lang hindi masira ang dangal at imahe nila sa ibang tao. Habang ikaw, wala kang pakialam kung ano man ang sabihin nila." Manghang sagot niya.Napailing naman ako sa sinabi ni Ana.

"Ayoko syang idamay sa katangahan ko, katangahan na may naidulot namang magandang bagay saakin." Napangiti nalang ako sa sinabi ko. Nakita naming kokonti nalang ang nalabas na mga studyante kaya napagdesisyonan naming lisanin na ang gym at tumungo na sa Bulletin Board.

"Syd, hindi ba mahirap sa sitwasyon mo? Walang umaalalay sayo kapag may kailangan ka?" Tanong niya.

"Mahirap syempre specially kapag may morning sickness ako, kapag nahihirapan akong bumangon sa umaga at kapag naglilihi ako, wala akong nahihingan kung ano ang gusto ko, pero kinakaya ko naman para naman kay Bee ito eh!" Sagot kong nakangiti sa kaniya.

College DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon