Pilit na pinipigilan ni Kench ang ngiti sa kaniyang mga labi habang binabaybay nilang dalawa ni Lance ang daan patungo sa bahay ni Syd. Si Syd!
Biglang awtomatikong kinabahan si Kench nang maalala ang kaibigan."L-lance?" Nahihiyang tawag ni Kench sa nobyo. Naninibago kasi siya, hindi niya sukat-akalain na magkakatuluyan talaga sila.
"Yes Love?" Sagot ni Lance. Habang nakatuon ang paningin sa kalsada.
Isa-isang nagliliparan ulit ang paru-paro sa tiyan ni Kench dahil sa pet name na itinawag sa kaniya ni Lance.*Enebeeee keneleg ekeee* Kench mind.
"Aherrm a-ano.. sasabihin na ba natin kay Syd ang tungkol sa atin?" Nakatungong tanong ni Kench. Nahihiya talaga siya ng bonggang-bonga.
"*chuckles* Why not?" Lance answered.
"Kinakabahan kasi ako, paano kung tutol siya ?" Namomroblemang tanong ni Kench.
"You're just overthinking." Lance said at bumaba na ng kotse. Umikot siya upang pagbuksan ng pintuan ng sasakyan si Kench. Pinakilig naman siya sa small gesture ni Lance. He really is a consistent gentleman.
"Thank you" Kench said.
"Tara na" Lance held Kench's hand at pumasok na sila sa bahay ni Syd na magkahawak ang mga kamay.
Parang may naghahabulang mga kabayo sa dibdib ni Kench dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kaibigan kung sakaling malaman niya ang sa kanila ni Lance. Para silang magpapaalam sa nanay ni Kench na nagboboyfriend na siya.
Unang kumatok si Kench at dahan-dahang pinihit ang pintuan. Napahinga siya ng maluwag dahil wala ang kaibigan.
"Lance baka ipagpaliban na muna natin, o kaya wag na muna nating biglain si Sydney." Praning na sabi ni Kench.
"Come here." Sabi ni Lance. Hindi nagdalawang-isip si Kench na lumapit. Lance gave her tight hug and a light kiss on the head.
"Aheeerrmmmm mukhang may kailangan yata akong malaman ?" Ani ni Sydney na pababa ng hagdanan habang karga-karga si Bee.
Parang nakuryente si Kench na awtomatikong napakalas sa yakap ni Lance.
"H-ha.. ahh .. ehh.. ano zist.. w-wal--"
"We're officially in a relationship Syd." Pag-amin ni Lance.
Walang pinakitang reaksyon si Syd na siyang ipinagtataka nila. Instead, bumalik siya paakyat na wala man lang kahit na anong sinabi.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Kench. Mangiyak-ngiyak niyang hinarap si Lance na nagulat din sa naging reaksyon ni Syd."Lance" Kench said while a crystal of tears start to form in her eyes.
Lance squeezed Kench's hands, he can't also find the right words to say. Kinakabahan din si Lance honestly, because Sydney's reaction right now was the opposite that he's expecting.
Tahimik lang silang dalawa habang magkahawak ang kamay.Ilang sandali pa ay narinig nila si Sydney na pababa ng hagdan. Automatic silang dalawa na napatayo. Still, Sydney remained poker face. Mahirap nilang matansya ang tumatakbo sa isipan ni Syd na mas lalong nagpapakaba sa kanila.
Nang makita nilang umupo si Syd sa single sofa na kaharap nila ay umupo din sila. Hindi makatingin ng deretso si Kench sa mata ng kaibigan. Habang nakatiim-bagang naman si Lance dahil sa kaba.
Ilang sandali pa ay nagulat sina Kench at Lance dahil sa biglang pag-iyak ni Syd. Kaya hindi maiwasang magpanic nina Kench, lalapitan na sana nila si Syd ng maunahan sila nito. She hugged the both of them. The two important persons in her life.
BINABASA MO ANG
College Daddy
RomanceSydney Kamille Demetrio, a college student of Dycin university, ulila sa magulang at walang kakilalang kamag.anak. Nakapasok sa prestihiyosong paaralan nang Dycin University sa sarili niyang sikap. She's also a full scholar of the said university. ...