Sydney's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, napakadilim ng paligid tanging ilaw lang sa study table ang nakabukas. Naririnig ko rin ang lakas ng patak ng ulan sa labas.
May bagyo yata, ang sarap matulog kapag ganito ang panahon samahan pa ng malambot na higaan. Ahhh heaven!
habang ninanamnam ko ang sarap ng malambot na higaan ko ay bigla akong napabalikwas.
Sheeezzz wala nga pala ako sa bahay. Kaya pala nakakapanibago ang malambot na sofa na ito. Aissstt.
Agad-agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras.
Anooooo??? 6:30 na? Shocks I overslept. Parang kanina lang alas tres pa lang nang hapon ah.
Napakadilim na ng paligid at bugso ng ulan lang ang maririnig mo sa labas.
Ba't hindi nila ako ginising huhuhu. Tama baka hindi pa sila nakalayo-layo. Matawagan nga.
I immediately dialed Luna's hoping. I'm crossing my finger na sana hindi pa sila nakalayo-layo.
After third ring, Luna picks uo my call.L : Oh! Hello Syd, naka uwi ka na ba?.
Wala na... Nakauwi na nga talaga sila.. huhuhu
S : H-ha ahh ehh... O-oo hehe
L : Ahh mabuti naman. Ba't ka nga pala napatawag.
Isip ng palusot Syd, Isip !
S : H-ha Ahmm ano.. A-ano pala flow ng reporting b-bukas
Pheew!! Lusot
L : Ay oo nga pala hindi mo pala alam kung ano ang erereport mo, Wait etetext ko nalang sayo ha. Baka kasi may makaligtaan ako.
S : Sige salamat.
Sabi ko bago ibinababa ang tawag. Bagsak-balikat akong nakatitig sa cellphone ko. Hindi ko na alam kung paano uuwi, lalo pa't ang sama-sama ng panahon. Ibubulsa ko na sana ang phone ko ng maalala ko si Lance.
"Tama si Lance ! May pag-asa pang makauwi! Bahala na kung magtaka si Lance kung ba't ako nandito. Magpapaliwanag nalang ako mamaya" I said hopefully.
Tatawagan ko na sana si Lance ng mamatay ang phone ko. I pressed the power button pero ayaw na talagang mabuksan. I just remembered na hindi ko pala ito naicharge bago umalis. Knowing that having this keypad phone, it is impossible na makahiram ng charger na compatible para dito. Kahit nga si Manang touch screen na ako lang yata ang pinag-iwanan ng panahon. I'm damn worried on how to get home.
*Brrrr*. Hindi nga pala ako nakapagmeryenda kanina. Nagugutom na ako. Pano ba ito.
Habang nag-iisip ako kung paano uuwi ay nagulat ako sa lakas ng kulog. Buti nalang talaga hindi ako takot sa kulog at kidlat.
Dahil sa wala na akong ibang maisip na plano, I just decided na lumabas muna sa study room.
Papalabas na sana ako ng maalala ko na nakabukas ang bintana. As I was closing the window, napagtanto kong sobrang lakas pala talaga ng ulan. Hindi mo na maaaninag ang kahit na anong bagay sa labas."Haaaayy, bahala na nga" I said.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng study room at sumilip muna sa labas. Nang makita kong walang katao-tao ay dahan-dahang akong bumaba.
Sana lang talaga walang makakakita sa akin dahil nagmumukha akong magnanakaw sa ginagawa ko eh tsk.
BINABASA MO ANG
College Daddy
RomanceSydney Kamille Demetrio, a college student of Dycin university, ulila sa magulang at walang kakilalang kamag.anak. Nakapasok sa prestihiyosong paaralan nang Dycin University sa sarili niyang sikap. She's also a full scholar of the said university. ...