UPDATE 28.3 - Secrets uncovered

79 9 0
                                    

SEPH'S POV

"Ayan kasi Seph bat pa kasi tayo humiwalay kay Bryan ayan tuloy hindi na natin alam kung saan patungong theatre nila." Bugnot na sabi ni Troy. Oo magkasama kaming dalawa ngayon.

"Eh sino ba kasing may sabing sumama ka sa akin. Psssh" I said habang patingin.tingin sa dinadaanan naming mga booths.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi pa kami nakakapunta sa theatre gumala pa kasi kami sa perya ng school nila Jake. Minsan lang kasi ako nakakahanap ng perya kaya everytime na may madaanan ako. Talagang naglalaro ako, minsan nagfofood trip, sumasakay sa mga rides oh di kayay bumibili ng kung ano.anong abubot, pinaka best part ko talaga ay humanap ng mga chix *wink*

"Aissht !!" Angal ulit ni Troy. Ito talaga pinaka reklamador sa lahat eh. Psshh

"Alam mo pare,kung makareklamo ka parang hindi ka nag eenjoy sa paglalaro kanina ah. Achaka, ano ba minamadali mo ha?" Nabobore kong sabi sa kaniya.

"*deep sigh* bobo ka talaga. Di mo man lang ba naisip na mas marami pang chix sa loob ng theatre kompara dito? Oh well mukhang okay ka naman dito. Ako nalang pupunta doon" sabi ng kumag habang papalayo na sa akin.

Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Tama naman siya, kaya pala madalang lang ang nakikita kong mga cute at sexy na gumagala dahil nandun pala sila sa theatre lahat hmmm..

"Ikaw naman Bro, di ka na mabiro tara magtanong na tayo kung saan banda ang theatre nila" sabi ko sa kaniya habang hatak.hatak ko siya.

Nagtanong kami sa isang studyante na kasalubong namin mabuti nalang at mabait siya at sinamahan niya kami hanggang entrance. Pagkatapos naming magpasalamat ay ipinakita na namin ang gate pass namin. May nabanggit si Bry kanina na, hanapin lang namin ang bleachers na kulay Red dahil doon daw ang bleachers nila.

Nang makita na namin ay agad naming nilapitan ang kaklase ni Bry. Itinuro niya sa amin kung na saan si Bry nakaupo, saktong may dalawang bakanteng upuan pa na katabi niya Kaya agad na kaming tumabi sa kaniya.

"Oh, akala ko umuwi na kayo." Sabi niya habang nakatingin sa nagpeperform na contestant.

"Ay pwede ba yun, hindi pwedeng hindi namin masuportahan si Jake" sabi ko na may pagmamalasakit. He just scoffed at me heheh I know he won't buy it.

Tamang.tama lang ang dating namin dahil saka palang tinawag sina Jake. Excited na akong makita kung sino kapartner niya. Nagsimula ng tumugtog ang kakantahin nila. Napanganga nalang ako sa kapartner niya. Sobraaang ganda niyaaa! Hindi ko maiwasang mabighani sa maamo niyang mukha. Teka, parang pamilyar siya ah.. di ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Dahil hindi ako mapalagay kung saan ko siya nakita. Sinubukan kong tanungin si Troy.

"Troy have we met her before ? I mean Jake's partner?" Kunot.noo kong tanong. I can feel it nakilala ko na siya talaga eh. He just shrugged as an answer. Pssshh sabi na eh, walang kwenta kung magtatanong ako sa kaniya.

"Bry what's her name?" Tanong ko kay Bry

"She's Demetrio. Sydney Kamille Demetrio" he answered. Wait.. Sydney.. Sydney .. Sydneyy san ko nga ba siya.

"Tama doon nga !!?" Napatayo kong sabi. Hindi ko namalayan na natapos na pala ang kanta at nakaupo na pala sina Jake sa kanilang upuan. Nasabi ko pala yun ng malakas, so everyone who hears my sudden outburst staring at me weirdly.

"Hehehe.." I awkwardly smile. Naramdaman ko nalang ang paghatak ni Bryan paupo sa akin.

"You.. dickhead if you want to embarrass yourself infront of everyone, don't come near us."

"Sorry na.. naalala ko na siya kung saan ko siya nakita. Mabuti nalang talaga at nagkita kami ulit." I exclaimed. Nailing nalang silang dalawa sa kawierdohan ko. I can't wait to met you again "my ideal woman". Yep you read it right she's my type and my ideal woman hihi.

College DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon