Prologue

946 35 0
                                    

Inilibot ni Apollo ang paningin sa Fernwood Gardens kung saan idadaos ang kasal niya. All the press were present to witness what would be dubbed as the "Wedding of the Year." Siya, si Apolinario Joaquin III, ay ikakasal sa isa sa mga kinapipitagang personalidad sa Alta Sociedad - society heiress Gail Mercedez.


Punong-puno ang exclusive resort na iyon ng mga businessmen at ilan sa mga sikat na tao sa lipunan. Nakikita rin niya ang kumpulan ng mga CEO, Presidents at ilan sa mga member ng Board of Directors ng kumpanya ng mga Joaquin. They were all anticipating not just the wedding but the merging of the Joaquin and Mercedez Industries.

He should be glad, of course. Wala siyang maiipintas kay Gail. She was every man's dream wife. Maganda, sexy, at edukada. Not to mention that she was born in a bed full of gold coins. Pero pakiramdam niya ay daig pa niya ang hinahatulan sa silya-elektrika sa bigat ng loob na nararamdaman niya.

"Pare, masyado kang tensed. Dadating din yung bride mo. Relax lang," biro sa kanya ni Ron, ang kanyang best man.

Napangiwi siya. Gusto niyang sabihin na sana nga ay hindi na dumating ang bride niya. But maybe he was just overanalyzing everything. Siguro ay ganito talaga ang pakiramdam ng mga ikinakasal. 'Yung parang gusto na niyang magunaw ang mundo ngayon pa lang.

Minsan pa ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Punong-puno ng naggagandahang bulalak ang magsisilbing aisle ng kasal niya. Even the whole resort was filled with flowers. Parang lahat ay nakikisaya sa okasyon na iyon - pwera ang puso niya. Ang puso niya na lang ata ang naglulupasay sa loob ng katawan niya. Kahit na ilang beses niyang sabihan iyon na manahimik, ayaw makinig. Matigas ang ulo, mana sa amo.

"This is it, son. Focus," wika ng lalaking naglapat ng kamay sa balikat niya.

Napalitan ng disgusto ang pakiramdam niya nang mapatingin kay Lino Joaquin, ang ama niya.

"Hindi na ako bata," inis na sabi niya sa ama. Alam kaya nito ang iniisip niya ng mga sandaling iyon?

"I'm just warning you not to act like one. We need this," sabi pa nito bago siya tuluyang iniwan.

Napatiim-bagang na lang siya. Pero bago pa manatili ang galit niya sa ama ay narinig na niya ang wedding march. Kanya-kanyang pwesto ang mga tao sa mga upuan. Lahat ay sabik na sa kasalang mangyayari sa loob ng ilang segundo.

Ilang sandali pa ay nagpakita na sa kanilang lahat si Gail. Collective gasps were heard from the crowd. No doubt, she was probably the most beautiful bride to date. Ang gown na suot nito ay gawa pa ni Monique Lhuillier. Gail was smiling, the way a bride should. Base sa nakikita niya sa mga mata ng mga kabinataan doon, iniisip ng mga ito na siya na ang pinaka-maswerteng groom sa araw na iyon.

Habang tinititigan niya si Gail ay ibang mukha ang nakikita niya sa halip. Images of a girl with braces, pigtails, and a shy smile replaced Gail's face. Habang unti-unting lumalakad si Gail sa aisle at nakatingin sa kanya ay naiisip niya ang isang hapon na kapit niya ang kamay ng babaeng iyon. Bigla ay parang napalitan ang background ng resort ng isang dapit-hapong umuulan at nakasilong siya sa shed kasama ang batang babaeng iyon.

Suddenly, he felt as if a giant hand squeezed his heart. Nagsisikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga.

This is wrong! Everything is wrong!

"Apollo, are you okay?"

He blinked rapidly when he saw Gail standing in front of him. May alanganing-ngiti sa mukha nito habang naka-lahad ang kamay. Napansin niya na lahat din ng tao doon ay pawang naghihintay na kunin niya ang kamay ng bride. At iyon nga dapat ang ginawa niya para matapos na ang lahat.

Mahal kita, Apollo. Ako lang ang papakasalan mo balang araw.

Sa isip-isip niya ay napamura siya. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa niya kailangang maalala iyon?

"Apollo?" untag ni Gail sa kanya. She offered her hand to him.

But he didn't take her hand. He just looked at Gail who was now starting to worry. Sa gilid niya ay nakita niya ang ama niya na nakatiim-bagang na rin. Everyone present at that wedding was holding their breaths.

He could have made the ordeal easier. Tatanggapin lang niya ang kamay nito at magiging maayos na ang lahat. But he chose to do it the hard way, just like the old times. Alam niyang sa gagawin niya ay katakot-takot na responsibilidad ang kailangan niyang harapin. Still, he did what he was itching to do all along, what he should have done months ago if only he had the right sense and courage to do so.

"I'm sorry, Gail," hinging paumanhin niya sa babae.

Hindi na niya hinintay na makapagsalita ito. Siya na siguro ang pinakamasamang lalaki sa buong mundo, pero tumakbo siya palayo ng resort na iyon habang ang mga tao ay nakanganga lang sa kanya. He looked like a scorned bride, and darn it, he felt like one. Nakakatawa. Saan ka nakakita ng groom na mukhang tanga na tumatakas sa kasal?

Pero hindi maikakaila ang pagkawala ng pasanin sa dibdib niya. He gritted his teeth when he felt the surging flow of relief.

"This is all your fault, Adriana Montecillo," ngitngit na sabi niya habang nananakbo palayo sa lugar na iyon.

Seasons 2: A Second Chance in SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon