Chapter Three

528 28 0
                                    

Nakakuyom ang mga kamay ni Apollo habang naglilibot sa high school building. Kanina pa niya hinahanap si Andy. Umiinit na ang ulo niya sa bawat segundong lumilipas. Hindi rin nakakatulong na pinagtitinginan siya ng mga high school students sa building na iyon.

Nahaklit niya ang braso ng isang lalaking estudyante.

"Nakita mo ba si Andy?" padaskol na tanong niya dito.

Nahihintakutang itinuro nito ang likuran ng high school building. Mabilis siyang naglakad doon. Humanda sa kanya ang babaeng iyon.

Kanina kasi bago siya umalis ng bahay ay ginimbal siya ng balita na engaged-to-be-married na siya. Siya, si Apollo Joaquin III, ay nakatakda nang ikasal ilang taon mula ngayon sa bunsong anak ng mga Montecillo. Hah! Magugunaw na ang mundo bukas!

Kaya ngayon ay kailangan niyang hanapin si Andy. He didn't know that she had it in her, that little brat! Akala niya ay napakahinhin nito. Iyon naman pala ay may balak pa ito'ng talian ang kinabukasan niya. Ito daw mismo ang nagsabi sa ama nito na gusto siya nito. The nerve! Kaya pala umpisa pa lang ay nakakaramdam na siya ng panganib dito. His instincts never fail him, after all.

Nang makarating sa likod ng highschool building ay hinanap niya si Andy. At laging gulat niya sa nabungaran. Si Andy ay nakasabit sa isang tangkay ng malaking puno ng mangga!

Ramdam na ramdam niya ang pagkawala ng dugo sa mukha niya sa nakita. Mataas ang puno at mapasala lang si Andy ay siguradong mababali ang buto nito kapag bumagsak ito. This girl was suicidal!

"Adriana Montecillo!" he shouted in horror.

Tila gulat na gulat si Andy nang lumingon sa tumawag. Nang makita siya nito ay umaliwalas ang mukha nito.

"Ikaw pala, Apollo. Akala ko ay si Professor Mercado na, eh. Patay na naman ako," sabi nito. Na parang normal lang na makita niya ito na halos isang kamay na lang ang nakakapit sa tangkay ng puno.

Dali-dali siyang nanakbo sa ilalim ng puno at tiningala ito.

"What are you doing there?!"

"May nalaglag kasing pipit diyan sa baba. Baka kako hinahanap na ng nanay niya kaya ibinalik ko sa pugad," paliwanag nito.

"Ibinalik mo sa pugad---?! Bumaba ka diyan! Ngayon na!" sigaw niya ulit dito. Wala naman siyang pakialam kay Andy pero ang makita ito sa ganoong sitwasyon ay nagpapanginig ng tuhod niya.

Tumingin ito sa baba at nangunot ang noo. "Eh..."

"What?! You heard me, Adriana. Bumaba ka diyan!" Ilang minuto pa ba siya balak pakabahin nito'ng babaeng ito?

"Hindi ko ata kayang bumaba. Nakakatakot pala," pag-amin nito. She laughed nervously.

Ibinuka na niya ang mga kamay niya matapos lang ang usapan. Konti pa at mamamatay na siya sa nerbyos kay Andy.

"Tumalon ka. Sasaluhin ki--"

Hindi pa siya tapos magsalita ay lumundag na kaagad ito sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang impact kaya sabay sila ni Andy na natumba sa damuhan. Napangiwi siya nang tumama ang ulo niya sa lupa.

"Aray!" reklamo naman ni Andy.

Agad siyang bumangon nang marinig ang daing nito. Si Andy ay nakasalampak sa damuhan at nakaupo sa espasyo sa pagitan ng dalawa niyang hita. Ipinapagpag nito ang kanang kamay nito. Mabilis tuloy niyang ininspeksyon kung may bali ang braso nito.

"Saan ba ang masakit?" tarantang tanong niya. Sinuri niyang mabuti kung may pasa ba si Andy sa braso nito. "Sumagot ka! Saan ang masakit?"

Natigilan siya nang maramdaman niyang yumuyugyog ang balikat ni Andy. Nang mag-angat siya na paningin at tingnan ito ay saka palang ito bumunghalit ng tawa. Natulala tuloy siya, lalo at nagniningning ang mata nito. Her girlish laughter echoed around the place. She looked so adorable in front of him with sweat beads on her nose and her forehead. How she managed to do that, he would never know.

Seasons 2: A Second Chance in SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon