Saktong inila-lock na ni Andy ang Seasons ng gabing iyon nang mula sa likuran niya ay nakaamoy siya ng mabangong samyo ng bulaklak. She turned around hurriedly to be greeted by Apollo's smiling face. Hinigpitan niya ang hawak sa shoulder bag niya dahil nanlambot ang mga tuhod niya sa ganda ng ngiti nito.
Hindi niya ito nakita nang halos dalawang araw. Naging busy kasi ito sa pagsagot sa press conference na ginawa ni Lino Joaquin para dito. Naapektuhan kasi niyon ang kompanya lalo pa at isa rin sa mga kilalang personalidad sa entertainment industry ang mga Mercedez. Konti lang ang sinabi at ipinaliwanag ni Apollo pero ang pananahimik nito ay nagpalala lang ng balita na ang mahal talaga ni Apollo ay ang kababata daw nito. Ang tanging konsolasyon lang niya ay hindi pa niya nakakausap ang tatay ni Apollo. Hindi tuloy niya alam kung nagagalit ba ito sa kanya o sinisisi ba siya nito sa nangyari.
And calls from several reporters bothered her on the radio. Marami-rami na rin ang tumawag sa kanya kahapon at kanina at tinatanong sa kanya ang history nila ni Apollo. Ngali-ngaling ibagsak niya ang telepono dahil pinapasakit lang ng mga ito ang ulo niya. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito na siya si Spring. Pero mas hindi niya alam kung bakit sa kabila ng inis niya kay Apollo ay hindi niya magawang ilaglag ito.
It was as if she was wishing that everything was true and that she and Apollo belonged to each other.
"Hello, Andy," magiliw na sabi ni Apollo na nagpabalik ng atensyon niya dito.
"What are you doing here again? Wala naman ako'ng nakikitang reporters. Hindi mo na kailangang panindigan ang mga sinabi mo." Hinaluan niya ng pagtataray ang boses.
The sad truth was, she had missed him. Ngayong nagkita na ulit sila ay parang matagal pa bago ulit siya masanay na wala na ito sa buhay niya.
Apollo wrinkled his nose. Iwinagayway nito ang pumpon ng bulaklak sa harap niya.
"Baka kako namimiss mo na ako kaya nagpakita na ako," nakangising sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. "Feeling--!" Pero lumusot na sa ilong niya ang mabangong samyo ng mga bulaklak dahil inilapit ni Apollo ng husto ang mga iyon sa mukha niya. Tinanggap niya iyon. "Anemones."
Marahil ay nabasa ni Apollo ang pagtatanong sa mga mata niya. "Hindi ba at nagustuhan mo 'yang bulaklak na 'yan noon?"
"This is the second time you gave me flowers," naghihinalang tumingin siya dito. "Bakit? Ano na namang gulo ang napasok mo?"
Apollo laughed heartily. Bigla na lang siya nito'ng inakbayan at hinapit palapit dito. Nagpupumilit siyang pumiglas lalo at sumayad sa ilong niya ang mabangong amoy nito. Mas mabango pa ito sa mga bulaklak na bigay nito sa kanya.
"Pakawalan mo nga ako!"
"Ipagluto mo ako. Gutom na ako," utos nito habang hila-hila siya. "Hindi ko dinala ang kotse ko kaya sasabay ako sa'yo."
Napasimangot siya. Sinasabi na nga ba. Naninibago siya kapag mabait si Apollo sa kanya. Mas sanay siya sa Apollo na kapag lumalapit siya ay nagsisimangot na.
"Kumain na ako."
"Ikaw ba ang kakain? Ako nga, 'di ba?"
Sinapak niya ito. "Ginawa mo pa ako'ng utusan. Kumain ka diyan sa tabi-tabi."
"Ayaw ko. Gusto ko ang luto mo. Kahit mamantika at puro prito, mas masarap."
Ngali-ngali na niyang lamukusin ang mukha ni Apollo. Hindi niya alam kung naglalambing ba ito o nanlalait lang. Aangilan pa sana niya ito nang makaramdam ng malamig na patak sa mukha niya. Inilahad ni Apollo ang dalawang kamay na parang inaabangan ang mga patak.
BINABASA MO ANG
Seasons 2: A Second Chance in Spring
RomanceMamamatay na sa kaba si Apollo. Siguro ay normal lang iyon sa laliat ng mga taong ikakasal sa mismong oras na iyon. "Wedding blues," wika nga. Pero hindi yata normal na habang naglalakad sa aisle ang babaeng pakakasalan niya ay ibang mukha ng babae...