Chapter Eight

571 29 0
                                    

Walang kakatok-katok si Andy nang tuloy-tuloy na pumasok sa conference room ng daddy niya. Nakita niya pa ito'ng may kausap na Chinese businessman. Halatang gulat na gulat ito nang makita siya. Magalang na nagpaalam ang kausap ng ama niya nang makita siya.

"Dad, I'm going to study in the States after graduation," biglang sabi ni Andy sa ama na natigil sa akmang pag-upo.

"Oh, bakit nagbago ang ihip ng hangin? Akala ko ba, ayaw mo'ng umalis dito?" takang-takang tanong nito.

Ipinukpok niya ang dalawang kamao sa mesa nito. Napaigtad ang ama niya. It was the first time that she lost her temper. Damn Apollo!

"Doon muna ako. I'm going to graduate on top of my class. I'll be the best woman I could ever be. I'm going to make Apollo regret that he ever told me to stay away from him," ngitngit na sabi niya.

May kakaibang ngiting sumilay sa mga labi ni Alfredo. "Still doing it for Apollo .eh?"

"Kausapin niyo si Tito Lino. Tell him Apollo is free from the arrangement. So, he doesn't want to marry me? Fine! Bahala na siya sa buhay niya," may diin ang pagbigkas niya ng bawat salita.

Her determination was strong this time. Ayaw na niya na nagmumukhang tanga pagsunod-sunod kay Apollo. Nasasaktan siya kung gaanong kay dali lang kalimutan ni Apollo ang pinagsamahan nila. How he could dismiss her first kiss as if it was nothing. Siya si Adriana Montecillo. Not even Apollo himself could get the best out of her.

"And I promise you, Dad," patuloy niya bago tuluyang lumabas ng pinto. "The next time we meet again, I won't be swooning all over him. "

Iyon lang at iniwan niyang nakanganga ang ama niya.

***

Huminga nang malalim si Andy at inipon lahat ng lakas ng loob na meron siya. Nag-martsa siya papalapit sa umpukan ng mga kaibigan ni Apollo sa bench na iyon. She saw Apollo staring into space. Mukhang hindi ito nakikinig sa mga usapan ng mga kasama nito.

There was this crease on his forehead that she always had the urge to wipe away. His hair was slightly being blown by the wind. Kahit naiinis siya dito ay hindi pa rin niya maiwasang mapatanga dito. And for good reason. Apollo was and still is the most beautiful thing in this world for her. Siguro ay habambuhay na niyang ganoon tingnan si Apollo.

But first things first.

Huminto siya mismo sa tapat ng mga kaibigan nito na natigil sa pag-uusap nang makita siya.

"Apolinario Joaquin III, mag-usap tayo."

Nag-iwas ito ng tingin at sinipsip ang juice nito sa tetra na mukhang wala namang laman. Nababagot na nagsalita ito.

"Andy, I'm with my friends. Whatever you want to say, it can wait."

"Hindi 'to makakapaghintay." Sadyang tinaasan niya ang tinig. Pagkatapos ay hinila niya si Apollo. Hindi niya na hinintay makapag-protesta ito.

"Adriana--"

"Shut up!"

Hinila niya ito sa may gilid ng college building nito kung saan wala masyadong tao. Mukhang nagugulat ito sa inaasta niya pero hindi na lang nagsasalita. May kinuha siya sa bag niya at basta na lang iyon hinampas sa dibdib ni Apollo. Nagtatakang kinuha ni Apollo iyon. Iyon ang sketch na ginagawa niya na naka-suot si Apollo ng groom's suit. Kinulayan pa niya iyon.

She didn't know if it was amazement that she saw in his eyes when they sparkled, but she didn't care. Kailangan niyang padaliin ito.

"Ayan! 'Yan na ang huling bagay na ibibigay ko sa'yo. Bahala ka kung itatapon mo iyan."

Tumingin ito sa kanya. Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Katulad iyon ng eskpresyon sa mukha ni Apollo noong hapon na umuulan at magkatabi silang dalawa sa waiting shed. At ang tanga niyang puso ay gusto na namang lumambot para dito.

"Andy, there's some misunderstandi--"

Itinaas ni Andy ang mga kamay. Ayaw na niyang pakinggan muna ang sasabihin nito. Kailangan niyang gawin ito.

"Makinig ka muna sakin. Mahal kita, Apollo. Ako lang ang papakasalan mo balang-araw. But you are too stupid to know that right now. Pero balang-araw ay malalaman mo din iyon. When that time comes, I won't be readily available. I won't be the same Andy anymore."

"Andy--"

"Teka, hindi pa ako tapos. Ayaw mo'ng magpakasal sa'kin? Fine! Someday, ikaw ang maghahabol sa'kin katulad nang ginagawa ko sa'yo. Someday, you will realize that you are meant to be with me after all. But I won't make it easy for you. Oh, no, no. Not after you dismissed my first kiss, you idiot! Aalisan na kita ng espasyo sa buhay ko. Baka nga ilang taon mula ngayon, hindi na talaga kita mahal at maiisip ko ang mga katangahan ko sa'yo."

"Katangahan," Apollo muttered softly. "I see."

Sandali siyang nalito. Lalo pa nang maglamlam ang mga mata ni Apollo. Sigurado si Andy na sakit ang narinig niya sa boses nito. Pero ikiniling niya ang ulo.

Stay focused, Andy! Maraming beses ka nang sinaktan ng lalaking ito! It's time you show him what you're made of!

Bago pa mahulaan ni Apollo ang gagawin niya ay hinila niya ito at ibinaba ang ulo. Then she pressed her lips once more to his and she wanted to melt. Lalo pa nang maramdaman ang mga kamay ni Apollo sa balikat niya. Hindi siya nito itinutulak palayo kagaya ng inaasahan niya. He let her taste the sweetness of his lips in her own way. His lips tasted heavenly.

Then to her amazement, Apollo started kissing her back. She felt his lips move frantically against hers and was torturing her heart to surrender. Narinig niyang umungol ito at itinaas ang mga kamay sa ulo niya. Sandali siyang nalito sa inakto nito. Bago pa siya mawalan ng ulirat sa sarap ng ginagawa nito sa kanya ay agaran niyang itinulak ito palayo.

Nakatingin lang sa kanya si Apollo na tila nalilito na naman. Pero wala itong sinabi. Sa halip ay mabilis nitong itinikom ang bibig at tinitigan lang siya.

"Last na 'yan. That's to make sure that you will remember everything I said here," sa wakas ay nasabi ni Andy sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso sa dibdib niya.

Ilang segundo pa sa harap nito ay mahihimatay na siya. He returned the kiss, she was very sure of that. Akala ba niya ay ayaw nito sa halik niya?

She inhaled again and looked deep into his eyes. Sa kahuli-huling sandali ay umasa siya na magsasalita ito. Na pipigilan siya nito kahit paano. But he just kept staring at her with a frown on his forehead. Tingin niya ay may gusto ito'ng sabihin pero nagpipigil.

Well, wala siyang panahong isipin kung ano ang gusto'ng sabihin nito. She would forget him and move on.

"Adios, Apollo."

And with that, she turned away from him. She walked away from her first love and the most stupid man she would ever meet in her life.

Seasons 2: A Second Chance in SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon