Tanghaling-tapat ng Lunes ay hinanap ni Andy si Apollo. Hindi siya mapakali sa nangyari sa kanila noong huling pagkikita nila. Hindi rin siya nakatulog nang maayos - both from the kiss and the aftershocks of it. Hindi niya maintindihan kung ano bang ginawa niya para maranasan ang malalamig na tingin ni Apollo sa kanya.
Inikot-ikot niya ang building ng College of Business Administration at hinanap si Apollo pero hindi niya ulit nakita ito. Hinanap niya ito sa locker room. She stared once again at his locker and felt a familiar ache in her heart. Doon sa locker nito siya unang nagtapat na gusto niya ito at sinabi nito sa kanya na kalimutan na nito iyon. Halos dalawang buwan na rin pala ang nakalipas simula noon.
Nang mapadako siya sa canteen ay nakita niya ang hinahanap niya. Pero natigilan siya nang makita si Apollo sa tabi ng isang maganda at sexy na babae. Naka-abrisyete ang babae kay Apollo at base sa ganda ng ngiti nito ay maganda ang samahan ng mga ito. Dati na naman niyang nakikitang may girlfriend na iba si Apollo, pero ngayon ay nagseselos siya sa nakikita niya.
Ito siya at 'di nakatulog pag-iisip dito. 'Yun pala ay may sasamahan na naman ito'ng ibang babae. Hindi niya alam kung ano pa ba ang dapat niyang maramdaman doon.
"Apollo..."
Lumingon si Apollo sa gawi niya nang marahil ay marinig ang mahinang pagtawag niya. Hindi niya alam kung pagkasabik ang rumehistro sa mga mata nito nang mga sandaling iyon dahil mabilis na napalitan iyon ng katulad na emosyong nakita niya noong isang gabi.
"Well, well. If it isn't Little Miss Nerdy Princess," sabi nang babaeng kasama nito. "Hindi ka pa rin ba titigil sa pagsunod-sunod kay Apollo? Alam mo bang kung hindi lang naiipit si Apollo sa tatay mo at sa tatay niya ay hinding-hindi siya lalapit sa'yo?"
Na-guilty si Andy. Alam naman niya iyon. Pero hindi niya maiwasang isiping gusto rin ni Apollo na kasama niya nito'ng mga nakaraang araw. Natatandaan pa niya kung paano ito ngumingiti sa kanya. Hinding hindi niya malilimutan iyon.
"Gusto ko lang naman siyang makasama," aniya sa maliit na tinig. Sinulyapan niya si Apollo na tahimik din na nakatingin sa kanya. And again, she wished she had the power to read his mind.
"Ayaw ka nga ni Apollo" asar na sabi ng babae. "Nakita mo na ba ang sarili mo? Hindi ang mga katulad mo ang type ni Apollo. Apollo liked his women sophisticated and beautiful. Magbibilang ka muna ng isandaang taon bago ka maging gano'n, Miss Montecillo."
"That's enough, Chel. Huwag kang makialam dito," sa wakas ay wika ni Apollo na nakatiim bagang. He gave the woman a warning glance. Mukhang nakaintindi naman ang babae dahil umalis na ito at iniwan silang dalawa ni Apollo.
Magkakapag-asa na sana si Andy nang bumaling sa kanya si Apollo.
"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang klase?"
"Hinahanap kasi kita. Nag-aalala ako sa nangyari--"
"I'm fine, Andy," pamamatlang nito. "Kung iyon lang ang gusto mo'ng malaman, pwede ka na ulit umalis at iwan mo na ako."
"M-may ginawa ba ako'ng masama? Okay naman tayo nito'ng mga nakaraang araw, 'di ba?"
Apollo massaged his nape and looked exasperatingly at her.
"Andy, alam mo simula pa lang kung saan ako nakatayo sa arrangement na ito. Noon hanggang ngayon, ganoon pa rin ang pasya ko. I'm sorry if I lead you into thinking otherwise. Kung ipipilit mo pa rin, wala na ako'ng magagawa diyan. But I'm telling you that I can't push through with this."
"Is it because of the kiss?" she asked quietly. Naalala ang sinabi nito sa kanya. "You're just a little high school kid who doesn't know anything about pleasing a man."
Sandali ito'ng tila nalito at pinag-iisipan ang sasabihin. Tumikhim ito nang maraming beses. Iniwas nito ang mga mata sa kanya na wari ba ay may itinatago ito sa kanya.
"It's precisely because of the kiss, Andy. And a lot more than that."
Parang patalim na humiwa sa puso niya ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya. Tama naman ito. Siya lang naman ang umasa na magugustuhan din siya nito balang araw. Oo nga at hindi siya katulad ng mga babaeng nakakasalamuha nito. But she loved him. Siya lang ang nagmamahal dito sa lahat ng iyon.
"I-is it really that bad to be with me?"
Diretso niyang tiningnan si Apollo sa mga mata. She wanted to feel even just a tiny flicker of hope. Hindi niya alam kung ano ang hinahanap niya. Just anything to keep her hopes high.
Pero bigo siyang makita iyon. Ni hindi man lang kumurap si Apollo nang magsalita.
"I'm sorry, Andy," was all he said.
Pero iyon pa man ay sapat na para maguho lahat ng pangarap niya na mahalin nito. Pagkatapos noon ay tumalikod na si Apollo at iniwan siya. Ni hindi man lang ito nagpaliwanag kung saan ito nag-so-sorry.
"Apollo, you idiot!" naiinis na sabi niya, sinisikap na pigilan ang pagbagsak ng mga luhang kanina pa nagbabantang pumatak.
BINABASA MO ANG
Seasons 2: A Second Chance in Spring
RomantizmMamamatay na sa kaba si Apollo. Siguro ay normal lang iyon sa laliat ng mga taong ikakasal sa mismong oras na iyon. "Wedding blues," wika nga. Pero hindi yata normal na habang naglalakad sa aisle ang babaeng pakakasalan niya ay ibang mukha ng babae...