Chapter Five

525 22 0
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Apollo. Gusto'ng gusto na niyang umalis sa lugar na iyon dahil nai-ingayan siya. Dapat pala ay hindi na siya nagpunta doon. Isa pa, may pakiramdam siya na dapat ay nasa ibang lugar siya ng mga oras na iyon. But he couldn't find the courage to run to where he was supposed to be.

May tumapik sa balikat niya. Si JR, ang isa sa mga brods niya sa frat.

"Pare, mukhang bored na bored ka na, ah. Ayaw mong sumama kila Cynthia?" Inginuso nito ang sofa kung saan may mga nakaupong mga naggagandahang mga babae.

Nakasuot ang mga iyon ng miniskirt na wala na halos tinakpan. Game ang mga babaeng iyon at halos common girlfriends na ng mga brods niya. Bigla ay parang nasusuya siyang pagmasdan ang mga iyon.

"Nah. Some other time, maybe," he said non-chalantly. Kahit nga tingnan pa lang niya ang mga babaeng iyon ay may pakiramdam siya na nagtataksil siya. He wondered why.

Hindi umimik si JR at tinitigan lang siya.

"What?" he snapped.

"So totoo nga?"

"Ang alin?"

"Engaged ka na nga talaga."

Sukat sa sinabi nito ay naibuga niya ang iniinom niyang whiskey.

"What the--! Saan mo napulot iyan?"

Ang akala pa naman niya ay walang nakakaalam noon. He was fine with the idea as long as no one knew about it at school. Sigurado ay kakantyawan lang siya ng mga iyon.

Nagkibit ito ng balikat. "Usap-usapan lang. May sinugod daw kasi si Sarah na babae sa high school department nung naghiwalay kayo. Sinigaw-sigaw daw niya 'yung isang babae doon. Kung hindi ako nagkakamali, 'yung bunsong anak ng mga Montecillo. Inaway daw niya yung babae at ininsulto. Doon sinabi ng babae na engaged na nga daw kayo."

"What?!" lalo pa siyang nanggilalas. Walang sinabi si Andy sa kanya tungkol doon. Inaaway na pala ito ay hindi pa ito umiimik.

JR snorted. "That's why I'm asking you whether the rumor is true or not. Wala na rin kasi kaming nakikitang ibang babaeng umaaligid sa iyo ngayon. But really, Apollo, bakit ka pumayag? Ang panget ng fiance mo, ah! Napaka-old school at manang. Totally not your type. No wonder nagagalit ka ngayon," wika nito na hindi naintindihan ang pagtaas ng presyon niya.

Sandaling nagdilim ang paningin niya ng mga oras na iyon. Bago pa niya napigilan ang sarili ay malakas niyang sinuntok si JR. Dahilan para mapaatras ito at matabig nito ang ilan sa mga bote ng alak sa lamesita. Lahat ng mga tao ay natigil pag-uusap at gulat na napatingin sa kanilang dalawa.

"Shit, man! Would you explain that?" angil ni JR na hinimas ang nasaktang panga.

"Sa susunod, pipiliin mo ang sinasabi mo tungkol sa fiance ko!" galit na sabi niya dito bago lumabas ng bahay na iyon. Naririnig pa niyang tinatawag siya ni JR at minumura pero hindi niya iyon pinansin. He suddenly got sick of them all.

Naiinis na lumulan siya ng kotse niya. Doon pa lang siya nahimasmasan. Pagkatapos ay napamura siya. What the heck did he punch JR for? Sigurado ay pag-uusapan ang nangyaring ito ngayong gabi. Kung magalit kasi siya, para namang may pakialam siya sa sinasabi ng mga tao kay Andy.

"Argh! This is your fault, Adriana!" inis na sigaw niya. Pakiramdam niya ay mukha siyang tanga habang napu-frustrate na kinakamot niya ang ulo.

Hindi rin niya alam kung kailan nag-umpisa na binigyan niya ng espasyo sa buhay niya si Andy. He kept telling himself that he was looking out after her because he had no choice. Noong una, ang plano niya ay sungit-sungitan ito dahil baka sakaling maubos ang confidence nito. Pero nang sabihin nito na maghahanap daw ito ng pagpa-praktisang humalik ay nataranta siya. Kaya naman hindi na tuloy siya makapagreklamo kapag susundan-sundan siya nito tuwing breaks niya kung iyon ang paraan para i-divert ang atensyon nito.

He was sure that he didn't care about her. She wasn't his type. Even if she was, he still held no desire to marry her. Ayaw niyang tumulad sa ama niya na kahit kailan ay hindi naging masaya ang buhay may asawa. Ipinagkasundo din ito sa ina niya pero hindi naging maganda ang pagsasama ng mga ito. Bata pa lang siya ay hindi na niya nakita kahit kailan na nagmahalan ang mga ito. Everything between them was purely business, nothing more. Naiinis siya na hindi pa maghiwalay ang mga ito gayong tuwing nasa bahay ang mga ito ay wala nang ginawa kundi magbatuhan ng paninisi sa isa't-isa.

Andy was no exception. She was part of a business deal. Alam naman niya ang dahilan kung bakit pumayag ang ama niya sa pagkakasundo sa kanya kay Andy ay dahil maganda iyon sa business ng ama niya. But he couldn't be imposed to. Everything was a mistake.

Eh bakit iniisip mo pa rin si Andy? Sulsol ng isang bahagi ng utak niya.

Damn that little kid! Sumasakit lang ang ulo niya sa mga nangyayari sa kanya. Hindi nakakatulong ang paulit-ulit na pagsasabi ni Andy na gusto siya nito. She looked at him as if what she was saying was true - that she indeed loved him the way no other person would. Pero alam niyang imposible iyon. Andy was young and impulsive. Isinasama siya siguro nito sa mga pantasya nito. The thought slightly pricked his heart. Parang hindi niya matanggap na biro-biro lang nito ang pagsasabi na gusto siya nito.

"Nasaan ba iyon?"

Kailangan niyang makita si Andy. This foolishness had to stop as soon as possible. Ayaw na niyang nagugulo ang buhay niya sa pag-iisip dito. Naalala niya ang venue ng JS Prom para sa araw na iyon. Mabilis na pinaandar niya ang kotse patungo sa pagdadausan ng event. Tumigil siya mismo sa tapat ng malaking auditorium. He craned her neck to look for Andy. Iniisip niyang makikita niya ito kaagad.

Nakita nga niya ito sa may malapit sa entrance ng auditorium. Pero natigilan siya. Andy looked like Andy, and yet she didn't. Wala na ang salamin nito sa mga mata. Nakasuot ito ng kulay dilaw na gown na bumagay dito. Ang buhok nito'ng naka-pigtails ay nakalagay at nakakulot. And hell, she was so beautiful standing there like sunshine. Hindi niya alam kung paano nangyari na ito na ang pinakamagandang bagay na nasilayan niya sa mga sandaling iyon. And he had seen a lot.

Nakikipagtawanan ito sa isang lalaki na marahil ay kaklase nito. Akala ba niya ay gusto nito na siya ang partner nito? Hindi ba nga at maluha-luha pa ito nang tanggihan niya? Pero mukhang nag-e-enjoy naman ito kahit wala siya. Hindi niya alam kung bakit may bumalot na galit sa kanyang katauhan ng mga oras na iyon.

Jealous, little boy?

Shut up!

"Ladies and gentleman, we will now officially start the first dance for the night. Guys, hold on to your girls and lead her to the center of the room, please," wika ng emcee.

Nakita ni Apollo kung paanong hinila ng lalaking kasama nito si Andy papunta siguro sa gitna ng silid. He didn't like what he was seeing. Worse, he didn't like what he was feeling. Biglang parang mas may kontrol na si Andy sa nararamdaman niya kaysa sa kanya. Sinasabi na nga ba at dapat ay hindi niya talaga minaliit ito. Now, she seemed more formidable to him than ever. Nakakatakot.

Tumingin siya sa salamin at inayos ang buhok niya. He made sure that he didn't look scruffy. Sinigurado din niya na walang ibabatbat ang mga totoy na classmates ni Andy sa hitsura niya. Mabilis siyang lumabas ng kotse niya.

Hah! Hindi siya magpapatalo kay Andy. Ipaparamdam niya dito ang ipinaparamdam nito sa kanya ng mga sandaling iyon.

Seasons 2: A Second Chance in SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon