"Andy--"
"Huwag mo ako'ng kausapin, nagko-concentrate ko!" sigaw ni Andy kay Apollo mula sa kusina.
"Pero hindi kaya sumabog tayo dito kapag ipinainit mo 'yang mga 'yan sa oven kasama ng mga aluminum foils?"
Noon niya napagtanto na pati styrofoam ay isasama niya sa microwave oven ay padabog na ibinagsak niya iyon. Tumingin siya kay Apollo na nakasandal sa hamba ng pinto sa kusina. Kahit sa distansyang iyon ay nanunuot ang paraan nito nang pagtingin. Iyon ang dahilan kung bakit natataranta siya.
"Pwede ba? Huwag mo ako'ng titigan nang ganyan. Naaalibadbaran ako!"
"Wala ako'ng ginagawa, Andy. Ang layo-layo ko sa'yo."
Totoo naman iyon pero kahit ano'ng gawin niya ay nanginginig na ang mga kamay niya.
I want you back, Andy.
"Aaargh!" sigaw niya nang maalala na naman iyon. Matalim niyang tiningnan si Apollo. "Bahala ka na dito! Kumain kang mag-isa. Matutulog na ako."
Akmang lalampasan niya ito pero mabilis nito'ng napigilan ang braso niya. Tinangka niyang alisin iyon pero mahigpit ang kapit ni Apollo. She gritted her teeth.
"Apollo, just let me go."
"No," mariing sabi nito. He inched his body closer to hers. Ang malas niya dahil pader na ang nasa likod niya. Hindi na siya makakalayo dito. "Kanina mo pa ako tinatakasan at kung tingnan mo ako ay parang ako na ang pinaka-panget na tao sa mundo."
"Because you're playing again with my feelings!" she blurted out before she could stop herself.
Naiiyak na naman siya. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan kay Apollo pero hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay para parin siyang teenager na laging napapatanga sa harap nito.
Tila naguluhan ito. "Saang banda?"
She almost rolled her eyes. Akmang tatalikod na ulit siya nang pigilan siya nito.
"Tinatanong kita kung saang banda ko pinaglalaruan ang damdamin mo," ulit nito sa kanya.
Humugot siya ng naiiritang paghinga.
"This! Telling me that you want me back in your life all of a sudden," angil niya dito.
"Ano'ng masama doon?"
Gusto na ba siya talaga nito'ng tapyasan ng lahat ng pride na natitira siya? Eh di sige, ibubuhos na niya lahat tutal naman ay minsanan lang siguro 'to. Nasaktan na siya ni Apollo noon. Kapag nasaktan ulit siya nito, mamumundok na talaga siya.
Bahala na!
"Because I'll believe you! At kapag naniwala ako, babalik na naman ako sa umpisa. Mamahalin na naman kita at sasaktan mo na naman ako. Dahil hindi ka marunong magmahal. And because you told me once, you will never learn to love me. So, stop saying things that will keep my hopes high."
Matagal ito'ng hindi umimik at tila namamangha lang na nakatingin sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung ano'ng iniisip nito.
Hah! That does it for you! At least, alam mo na hindi ka dapat nanghihimasok--
"Then believe me," putol nito sa pag-iisip niya sa seryosong tinig. Inabot nito ang batok niya at masuyong itinuon ang noo nito sa noo niya. "Wala akong nakikitang masama doon. Okay lang din na bumalik ka sa umpisa. Ok lang din na umasa ka. Because I really want to be with you this time."
Apollo did the one thing she thought he would never do to her - he kissed her. He passionately claimed her lips in a kiss that sent her nerves tingling to the edge of nowhere. Napakapit siya sa kuwelyo ng polo nito nang sa pakiramdam niya ay bigla siyang nanlambot sa sensasyong dulot ng halik nito. Para siyang nauupos na kandila sa ilalim ng mga braso nito habang hinahalikan siya nito sa paraang si Apollo lang ang may kakayahan.
BINABASA MO ANG
Seasons 2: A Second Chance in Spring
RomanceMamamatay na sa kaba si Apollo. Siguro ay normal lang iyon sa laliat ng mga taong ikakasal sa mismong oras na iyon. "Wedding blues," wika nga. Pero hindi yata normal na habang naglalakad sa aisle ang babaeng pakakasalan niya ay ibang mukha ng babae...