Chapter Seventeen (Final)

1.3K 56 11
                                    

"Pithecophaga jefferyi," malakas na banggit ni Andy sa scientific name ng Philippine Eagle. Tumuwid siya ng tayo at tinuktok ang kulungan ng ibon. "Buti ka pa, nakakulong ka lang. Ibig sabihin, 'di ka masasaktan," pagkausap niya dito.

Binigyan siya ng kakatwang tingin ng mga estudyante na marahil ay may field trip sa Botanical Gardens na iyon sa Los Banos. Sinusundan lang niya ang mga ito dahil hindi din niya alam ang ruta. She just went here out of impulse. Nang sinabi niyang mamumundok siya, ang Mt. Makiling ang pinakamalapit na naisip niya. Babalik din naman siya kaagad sa Manila kaya hindi na siya nagpakalayo-layo.

Lumapit siya sa isang estudyante na marahil ay tourist guide sa Botanical Gardens.

"Miss, saan ang Flat Rocks?"

"Bababa ulit kayo, tapos ay iikot kayo ulit doon sa may unahan."

Tiningnan niya ang dinaanan niya. Nakakatamad.

"Wala na bang ibang daan?"

"Ahm... Meron po. May beaten path po dito." Inginuso nito ang daanan. "May mga horse rangers na dumadaan diyan kaya hindi po kayo maliligaw. Kaya lang ay medyo delikado ho ang daan dahil maputik. Sundan niyo lang po at mag-ingat lang po kayo sa mga sanga."

Hinayon niya ang itinuro nitong daan. Mukhang walang-katapusan iyon kaya sinimulan niya nang lakbayin iyon bago pa dumilim. Habang nagkakandatilapid siya sa mga sanga at nagkakanda-untog siya sa mga punong nakaharang sa daan ay naiisip niya si Apollo.

Sa totoo lang ay nami-miss niya ito. Ilang araw na rin siyang nagpapaikot-ikot sa kung saan-saan dahil nag-iisip isip siya sa nangyayari sa buhay niya. She needed to get some fresh air to calm herself and be able to face Apollo again.

"Ah! Finally!"

Nakita na niya ang hinahanap niyang Flat Rocks sa ibaba ng lupang kinatatayuan niya. Na-excite siya nang makita ang mga buhay na malalaking bato at ang malinis na tubig sa batis. Nagpalinga-linga siya para humanap ng daan. Kumapit siya sa isang puno at dahan-dahang nagpadausdos sa matarik na lupa. Safe pa naman siya nang makalapag kaya nagtuloy-tuloy siya sa mga batuhan at humiga doon.

Habang nakatingala siya sa langit ay nagbibilang siya ng mga korteng-hayop na mga ulap. It calmed her somehow. Iniisip niya kung ano ang sasabihin kay Apollo kapag nagkita ulit sila. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak iwan si Apollo. Medyo nawalan lang siya nang kaunting confidence kaya lumayo muna siya. She needed to gather enough strength so she could be with Apollo again.

May ilang minuto na siguro siyang nagmumuni-muni sa kahihinatnan ng buhay pag-ibig niya nang makarinig siya nang malakas na sigaw mula sa likuran niya.

"Adriana!"

Her ears perked up. Narinig ba niya si Apollo na tinawag ang pangalan niya? Tumingala siya sa langit.

"Just where are you looking, Andy? I'm here!"

"Saan?" sigaw niya nang hindi makita ito.

"Here! Look behind you!"

Pagtingin niya sa likuran niya ay nakasabit si Apollo sa isang puno. Ang isang kamay nito ay nakakapit sa sangang kinapitan niya kanina. Kaya lang ay mali ang anggulo nito. Kamuntik-muntikan itong madulas.

"Shit!"

Dagli siyang napatayo nang marinig ang sigaw ni Apollo. Akmang tutulungan niya ito nang sumigaw ulit ito.

"No, Andy, stay right there. You've already done so much for me."

"Kapag ikaw, nahulog--"

Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ay dumulas na nga ang paa ni Apollo sa putik. Nawalan ito ng balanse kaya tuloy-tuloy ito'ng nadulas sa matarik na lupa. Nahihintakutang na lang niyang naitakip ang palad sa mga mata nang makitang nagpapagulong-gulong na si Apollo pababa sa Flat Rocks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seasons 2: A Second Chance in SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon