Chapter Four

547 26 0
                                    

"Ang lalim ata ng iniisip mo. Something wrong?"

Napatingin si Andy nang makilala ang tinig na nagsalita sa tabi niya. Kasalukuyan siyang naglalakad pauwi ng hapong iyon. Tumingala siya at nakita niya si Apollo na may sukbit-sukbit na bag. Pag-aalala ba ang nakikita niya sa mga mata nito?

"Wala kasi ako'ng partner sa prom," wika niya sa maliit na tinig.

Kanina kasi ay naiinggit siya sa mga classmates niya na masayang-masaya na nag-uusap. Samantalang siya ay magiging wallflower na naman katulad noong isang taon dahil walang makikipagsayaw sa kanya.

Natigil sa paglalakad si Apollo kaya tumigil na rin siya. Naguguluhang napatingin siya dito. Hinarap siya nito.

"Bakit?" tanong nito sa kanya.

"Ano'ng bakit?"

Malalim ang pagkakakunot ng noo nito at matalim ang tinig nito nang magsalita. Parang galit pa nga ata ito ng mga sandaling iyon.

"Bakit wala kang partner?"

She pouted her lips and started walking. "Wala namang nag-invite sa'kin. Ganoon din last year. Ayaw ko na sanang pumunta. Kaya lang ay magagalit ang adviser ko. My classmates probably don't like me, just like you don't."

Wala naman siyang ibig sabihin doon pero naramdaman niya kaagad ang tensyon kay Apollo. Agad niya tuloy binawi ang sinabi.

"But your case is different," agap niya, sabay tingin dito. "Eh, syempre, ikaw ba naman 'yung biglang malalaman mo na matatali ka na kaagad ng kasal sa'kin. Kahit naman ako, kung sa akin gawin 'yon, magagalit. Lalo na kung may iba naman ako'ng gusto. Understandable naman ang galit mo."

Tumaas ang kilay ni Apollo. Again, there was amusement in his eyes.

"Alam mo naman pala. Bakit ayaw mo pang tigilan ang pagsasabi na fiance kita?"

Sunod-sunod na iling ang ginawa niya. "Hindi ko gagawin iyon. Sabi ko sa'yo, magiging mabuting asawa ako sa'yo balang araw. Wala nang magmamahal sa'yo nang katulad ko."

There. She finally said it. She told him she loved him. Ipinikit niya ang isang mata habang ang isa naman ay sinipat si Apollo na patuloy lang sa paglalakad. He wasn't smiling at all. Hindi rin niya mabasa kung ano ang nasa mga mata nito.

Ooops. May nasabi na naman ako'ng hindi maganda.

Magugunaw na sana ang mundo niya nang magsalita ulit si Apollo.

"It's not that I don't like you. And those guys are blind," he said, almost like a whisper. There was an undeniable trace of tenderness visible in his eyes.

Natigilan siya. Rinig na rinig niya ang sinabi nito. She could hear the fast beating of her heart.

"Ano ulit sinabi mo? Ulitin mo ang sinabi mo!" Halos lumundag na siya sa tuwa sa narinig niya. Pati puso niya ay lumulundag na rin.

Si Apollo ay nagpapatay-malisya habang nakatingala sa langit. "Hmm... Bawal nang ulitin sa mga hindi nakikinig."

Niyugyog niya ang kamay nito. "Apollo! Ulitin mo ang sinabi m--" Natigil siya dahil may pumatak ng malamig sa pisngi niya. Dinampian niya ng palad ang pisngi. Isang patak. Dalawang patak. "Uulan na, Apollo!"

Eksaktong pagkasabi noon ay sunod-sunod na maliliit na patak ang sumalubong sa mukha niya. She unconsciously entwined her fingers with Apollo's as she rushed to the nearest waiting shed.

"Hala! Nasaan na ang mga waiting shed?" sigaw niya.

Naramdaman niya nang may tumaklob sa ulo niya. Natanggal na pala ni Apollo ang suot nito'ng polo at iyon ang ipinayong sa kanya. Sa isang iglap ay ito na ang humihila sa kanya at siya ay nanakbo lang at nakasunod dito. Napangiti siya. She felt like a heroine in a romantic film, running in the rain with the guy she loved.

Seasons 2: A Second Chance in SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon