Palinga-linga si Andy sa locker room na iyon ng College of Business Administration. Kinakabahan siya na nagpunta pa siya doon, lalo at may iilan sa mga estudyante na binibigyan siya ng kakatwang tingin. Pero kailangan niyang lakasan ang loob niya kung ang gusto lang niya ay si Apollo.
"You can do it, Andy," pag-encourage pa niya sa sarili.
Huminga siya nang malalim. She tiptoed towards the locker room and scanned the names written in gold plates. Nang makita niya ang hinahanap ay agad niyang kinuha ang isang greeting card na binili niya at isinisuksok sa locker. Para iyon sa pagkapanalo ng team ni Apollo sa basketball noong nakaraang laro.
"Wooh!" She wiped the imaginary sweat on her forehead.
"What are you doing here?"
Umakyat na ata ang atay niya sa lalamunan niya at nagbara doon nang makilala niya ang tinig. Kapag nasa paligid si Apollo ay hindi mapigilan ng puso niya ang sunod-sunod na pagpintig. Dahan-dahan siyang lumingon para lamang mas lalo pang matigilan.
It was Apollo, alright. Pero kung dati ay pinagpapawisan na siya kapag nakikita ito sa malayo, parang mas ramdam na ramdam niya ngayon ang pag-iinit ng paligid. He was naked from the waist up!
Hindi niya maiwasang pasadahan ng tingin ang katawan ni Apollo. Sa balikat nito ay nakasampay ang hinubad nito'ng T-shirt. Ngayon lang sa buong-buhay niya siya nakakita ng hubad na lalaki nang harapan. Pinagpapawisan na talaga siya. Tumutulo ang mga butil-butil na pawis sa hubad na dibdib ni Apollo. He had well-sculpted muscles on his chest and stomach. Hindi sobra, pero sapat lang para masabi niya na isang magandang lalaki ang nasa harap niya. And, oh, how she loved his broad shoulders! He looked strong, and brooding, and every inch like the most gorgeous man she had ever seen in her life.
"Ano nga'ng ginagawa mo dito, Adriana? May kailangan ka sa'kin?" Sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang mga kilay ni Apollo.
Napakurap-kurap siya. Inayos niya ang eyeglasses niyang mahuhulog na rin ata sa mukha niya dahil gusto nang sambahin ang hubad na Apollo sa harap nito.
"A-ano... K-kasi... Bakit ka nakahubad?" Sa natataranta niyang isip ay iyon ang nasabi niya.
Lalo pang tumaas ang mga kilay ni Apollo. Ipinagkrus nito ang mga braso sa dibdib at sumandal sa locker. Pakiramdam niya ay para siyang dagang na-corner sa isang sulok sa paraan nang pagtitig nito.
"Kagagaling lang namin sa practice ng basketball. Mag-sha-shower na sana ako nang maalala ko'ng naiwan ko pala ang T-shirt ko sa loob ng locker ko," paliwanag nito. "Anyway, tinatanong kita kung bakit ka nandito. Malayo ang highschool building dito."
Hindi siya umimik. She shifted on her feet. Ninenerbyos na talaga siya. Hindi nakakatulong na hubad si Apollo sa harap niya.
"Ako ba ang ipinunta mo dito?" biglang tanong nito.
"Ha?!"
Lalo pang humalukipkip si Apollo. There was a visible smug on his face.
"I'm asking you if you came here to see me."
"No! I-I mean, yes!" natataranta niyang sabi dito.
Hindi nagsalita si Apollo sa mahabang sandali. Pailalim siyang tiningnan nito. Nang magsalita ito, daig pa nito ang nagpaulan ng bala sa harap niya.
"May gusto ka ba sa'kin, Andy? Hindi ako tanga para hindi mahalata na lagi kang nagnanakaw ng tingin sa akin. Alam ko rin na ikaw ang pinakamalakas sumigaw sa bleachers kapag may laban ang team namin."
Kung may diperensya siya sa puso ay malamang na bumulagta na siya sa nerbyos sa sinabi nito. Nanginig din ang tuhod niya. Pero mukhang hindi naman napapansin ni Apollo ang impact ng sinabi nito sa kanya.
Dear God, let me come out of here alive.
Sinabi niya ang dapat ay sinabi niya kay Apollo noong una silang magkita. "I like you, Apolinario Joaquin III." No, I think I'm in love with you already.
Pagkatapos ay ginawa niya ang pinaka-madaling gawin sa mga oras na iyon - nanakbo siya palayo dito. Malayo-layo na siya nang marinig niya ang malakas na pagtawag nito sa pangalan niya. Dahan-dahan siyang lumingon dito.
"Kung ano man ang nararamdaman mo sa'kin, kalimutan mo na iyon. I hate to say this, but you're not my type, Andy. Hindi kita magugustuhan kahit kailan." Malinaw pa sa Pacific Ocean ang boses nito.
Ouch!
Gusto niyang humagulgol sa katiyakan na nakikita niya sa mga mata ni Apollo. Imbes na umiyak, hindi niya alam kung bakit iba ang nanulas sa bibig niya.
"Wala ako'ng pakialam. Gusto pa rin kita," ganting sigaw niya dito bago tuloy-tuloy na nanakbo.
Nasa may gate na siya nang eskwelahan nang pakawalan niya ang pinipigil na hininga. Naghihintay na sa kanya ang chauffeur nila na si Mang Jimmy.
"Ma'am Andy, okay lang po kayo?"
Sa tanong nito ay napangiti siya. Nag-high five siya kay Mang Jimmy.
"Nagawa ko ho, Mang Jimmy. Nasabi ko na ho kay Apollo na gusto ko siya!"
Malapad ang ngisi ni Mang Jimmy nang mag-thumbs-up sa kanya.
*****
"Adriana, totoo ba na gusto mo ang anak ni Lino Joaquin?" tanong kay Andy ng ama niyang si Alfredo. Kasalukuyang silang naghahapunan nang gabing iyon.
Nahulog lahat ng kubyertos ni Andy sa pinggan niya. Nagtatakang napatingin siya kay Gabby na kaharap niya.
"Sinabi mo?!" gulat na tanong niya kay Gabby.
Nagkibit-balikat lang ang kapatid. Gusto niya sanang yugyugin ito dahil napakadaldal talaga nito kahit kailan. Tumikhim ulit si Alfredo.
"If you really like him, I could make it easier for you," nakangising sabi ng kanyang ama.
Kahit kailan talaga ay pampered sila dito ni Gabby simula nang mamatay ang kanilang ina. Dito na sa kumpanya nila at sa kanilang dalawa ng kapatid umikot ang buhay nito.
"Really, Dad? Paano?"
Mas lalo pang lumapad ang ngisi ng ama niya.
"Darling, nakalimutan mo na ba na kasosyo natin ang mga Joaquin?"
"Tapos?" nae-excite niyang tanong.
"What do you say about an arranged marriage?" nangingiting sabi nito.
Dahil sa sinabi nito ay lalo nang namilog ang mga mata niya.
"You're kidding, Dad!" agad na kontra ni Gabby. Ang ever-rational sa kanilang lahat sa pamilya.
His dad laughed.
"No, I'm not. Sigurado ako'ng okay lang 'yon kay Pareng Lino. Kakausapin ko na siya ora mismo."
"But marriage out of convenience? Hello?! Ang bata-bata pa ni Andy, Dad! She's just sixteen!" naiiling na sabi ni Gabby.
"Bakit naman out of convenience? Eh, in love ang bunso ko kay Apollo. Nakataya ang pag-ibig ni Andy dito. Saka hindi naman sila magpapakasal kaagad. Getting-to-know each other stage pa lang sila."
"I love you, Daddy!" Andy shrieked. Mabilis niyang nayakap ang ama at pinupog ng halik sa pisngi ito. "You're really a genius."
"Apollo might hate you for it, in case it didn't occur to you," kaswal na sabi ni Gabby.
Nakatinginan tuloy sila ni Alfredo. There was a frantic expression on her face. Si Alfredo ay agad na ginulo ang buhok niya.
"Don't worry, Andy. Apollo will love you," tila siguradong-siguradong sabi nito.
That took all of her worries away. Sino ba siya para kontrahin pa ang sinabi ng ama niya?
BINABASA MO ANG
Seasons 2: A Second Chance in Spring
RomanceMamamatay na sa kaba si Apollo. Siguro ay normal lang iyon sa laliat ng mga taong ikakasal sa mismong oras na iyon. "Wedding blues," wika nga. Pero hindi yata normal na habang naglalakad sa aisle ang babaeng pakakasalan niya ay ibang mukha ng babae...